CASSANDRA
Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mata at napapikit muli ng masilaw sa liwanag. Tinakpan ko ang mata ko at bumangon. Napalinga ako sa paligid ko, wala na ako sa park, nasa isang kwarto ako. Pero saan 'to?
“Good morning Cassandra!” napalingon ako sa pintuan kung nasan ang lalakeng bumati sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Wayne. Naging manliligaw ko siya dati, pero palaging tinatakot ni Andrei. And three years ago, nagkita ulit kami but that time si Dace naman ang tumatakot sa kanya. “Wala ka bang bahay at sa park ka natutulog?” tanong niya.
Napatunghay ako dahil sa muling pag-alala ng mga nangyari. Unti-unti na namang nagpatakan ang luha ko. I buried my face on my hands. Why this is happening to me? Bakit kailangang palagi akong masaktan ng ganito.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama at pagtapik sa balikat ko.
“Nandito ako. Pwede mo kong kwentuhan!” lalo akong napahagulhol. He's like Dace, napakabait sa akin. Kinwento ko kay Wayne ang mga nangyari ngayon at four years ago. Iyak ako ng iyak habang binabalikan ang mapapait na alaala ng aking buhay.
“Bobo talaga 'yang asawa mo!” galit na sabi niya pero agad ding napalitan ng pagtataka ang mukha. “I don't know that your suffering that much.” niyakap nya ako at inalo.
“Mahal na mahal ko sila Wayne. I can't afford to lose them again.”
“Tutulungan kita. Para masapak ko rin 'yang asawa mong kupal. Ang engot talaga nun.”
Tipid na napangiti ako. Sana maayos pa namin 'to. Inaya nya akong kumain ng umagahan. Ang tagal ng tulog ko. Nakakahiya at naistorbo ko si Wayne. Magpapasalamat na lang ako mamaya.
“Uhmm...Cassandra...” tawag sakin ni Wayne habang nag-aagahan kami.
“Bakit?”
“Akala ko kayo talaga ni Dace. Nakwelyuhan ko pa nga 'yun nung nakaraang mag-bar ako dahil nakita ko syang may ka-make-out na babae. 'Yung ate ni Andrei... sino nga ba 'yun? A-Angelica?”
Si Dace at ate Andrea? Pero bakit makikipag make-out si Dace kay ate? Sagad sa buto ang galit ng kaibigan ko kay Ate.
“Ate Andrea?” patanong na sabi ko.
“Oo, siya nga!”
Parang gumuho ang mundo ko. Tinatakot na naman ba siya ni Ate? Walan'ya talagang babaeng 'yun!
***
After naming kumain ni Wayne ay nag-ayos agad kami ng aming sarili at nagpunta na sa hospital.
“Hi! I'm Cassandra Croix, may I know my son's room number? He's Xandrei Jace Croix.” tanong ko sa nurse. May kung anong muna siyang tinignan bago nagsalita.
“Room 165 po!” sagot nito. Agad kaming pumunta ni Wayne sa room 165. Hindi pa kami nakakapasok ay rinig ko na ang ingay sa loob.
“You're not my mom! I don't like you! I want my mom!”
“No baby, I'm your real mother. Cassandra's just using you.”
“Believe her, Jace she's your mom!”
Nanlaki ang mata ko sa mga naririnig ko. Anong pinag-uusapan nila. Bakit sinasabi nila kay Drei na hindi ako ang nanay niya. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga mukha ng mga taksil.
“Mommy~” iyak ni Drei at nagtatakbo papunta sa akin. Kumirot na naman ang puso ko nang makita ang benda sa ulo niya. “Mom, you're my real mom. Right?” tanong nito.
BINABASA MO ANG
Comeback To Me Wife
General FictionEditing. Some chapters will be lost while I am revising this story. Sorry for inconvenience if you encounter one. Warning: Some scene and words are not suitable for young readers. There's a bit of erotic scene. Beware kids! ©SushiLoves
