Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Special Chapter IV

20.8K 404 7
                                        

HI GUYS! THANKS SA LAHAT NG NAGBABASA NG KWENTONG 'TO! SA NAGVO-VOTE. THANKS NG MARAMI. MAY ILAN PANG NALALABING CHAPTERS PARA KAY DREI AND JULISE. KEEP ON READING. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.

PAGKATAPOS KO RITO SA SPECIAL CHAPTER IPO-POST KO NA ANG I'M COMING BACK TO YOU, WIFE AT SISIMULAN KO NA ANG PLAYFUL TWINS. BALI TWO STORIES ANG PT. THE FIRST 35 CHAPTER IS FOR XAND'S STORY AND THE OTHER 35 CHAPTER IS FOR DARA.

KUNG MAY EXO FANS AT CHANDARA FANS DIYAN! CHECK OUT MY OTHER STORY. STRAWBERRY DORM. YOWN LANG! SIGE BASA NA DALDAL KO NA IH! HAHAHA...

DREI

Naghintay ako ng tiyempo bago tumawid sa kalsada. Tutok ang mata ko sa kanya habang kumakain sya sa isang karinderya.

Nang makatawid ako ay hindi ko muna nilapitan si Chatrise. Tumambay muna ako sa likod ng malaking puno. Madilim rito kaya 'di nya ako makikilala.

"Balooooooooooottttt, balot kayo diyan!"

Napatingin ako kay Chatrise ng tumayo siya at tinawag ang naglalako ng balot.

"Manong pagbilhan nga po ng dalawa," sabi nito at nilabas ang wallet nya. "Magkano ho ba?"

"Trenta lang hija."

Matapos nyang makabayad ay bumalik na sya sa table nya pero pagkaraan ay nagpunta sa may-ari ng karinderya at may kung anong hiningi. Pagkabalik nya ay may dala na syang saucer kasunod ang babaeng may-ari.

"Mukhang nahihilig ka sa balot hija. Araw-araw ka na kumakain nyan magmula nung matikman mo 'yan nung isang araw!"

"Masarap po kasi,"

"Ang weird nga ng paraan mo ng pagkain niyan. Sa asin 'yan hija sinasawsaw at hindi sa patis."

Busy ako sa pakikinig sa kanila ng mag-vibrate ang phone ko. Si Tito Tristan tumatawag.

"Hello Tito?"

[Wala akong napala rito sa Pasig Drei. Ikaw? Kamusta dyan?]

Napangiti ako tsaka nagsalita. "I found her Tito!"

[Talaga. That's good. Pwede bang iuwi mo na sya. Nababaliw na ang asawa ko kakahanap sa kanya.]

"Iuuwi ko na po sya."

[Sige Drei, salamat!]

Naputol na ang tawag. Nang lingunin ko si Chatrise ay nawala ito sa pwesto nya. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko syang nasa tapat ng kanal at mukhang sumusuka. Inaalalayan sya ng may-ari.

Lumapit na ako.

"Hey Chatrise are you okay?" tanong ko. Napatingin siya sakin. Namumutla siya.

"I-Ikaw?!" gulat na sabi niya.

"Yeah!" sabi ko at ngumiti. Asset ko ang ngiti ko. Mas gwapo raw ako kapag ngumingiti ako. Feeling ko nga!

"Nandito na pala ang boyfriend mo. Naku hijo iuwi mo na 'tong girlfriend mo. Masama ang pakiramdam oh." sabi nung may-ari at pumasok na muli sa loob. Inalalayan ko naman si Chatrise. Mukha ngang 'di maganda ang pakiramdam nya.

"Are you sick?" tanong ko. Imbis na sumagot ay bigla syang napakapit sa braso ko. At nagsimula na namang dumuwal. Wala naman kasi syang sinusuka.

Nang tumigil sya sa pagduwal ay kinuha nya ang panyo nya at pinampunas sa bibig nya. Kinuha ko rin ang panyo ko at pinunasan ang namamawis nyang noo. Tinabig nya ang kamay ko at inalis ang pagkakakapit nya sa akin.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong nya na may halong pagka-irita.

"Hinahanap kita." simpleng sagot ko at ngumiti.

"Hindi pa ba sapat na sinira mo na ang buhay ko? Okay na ako h'wag mo na akong guluhin." sabi nya at naglakad palayo. Pero kaagad ko syang hinarang.

Galit siya. Isa pang dahilan ng paghahanap ko sa kanya ay gusto kong ipaliwanag ang side ko tungkol sa nangyari that night. I know, may kasalanan rin ako doon.

"Let's talk!"

"Wala na tayong dapat pag-usapan!" sabi nya at nilagpasan ako.

Totoo nga ang sabi nila Tito Tristan. Matigas ang ulo nya.

"Pakakasalan kita!"

Napatigil sya sa paglakad. Nagsimula akong maglakad palapit sa kanya.

"Pakakasalan kita Julianna Chatrise Knight. Sa ayaw at sa gusto mo."

Marahas syang napatingin sa akin. Pero saktong pagharap nya ay nakulong ko na sya sa mga bisig ko. Mahigpit ko syang yinakap.

"Buntis ka man o hindi! Hindi ko hahayaang isipin mong na-donutzoned kita."

Pilit nya akong tinulak pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" angal nya.

"Pakakasalan mo ako ha!"

"Ayaw ko nga. Hindi naman kita kilala ng lubusan nuh. Kapatid ka pa ng taong gusto ko. Ayaw ko sa'yo."

Haha...Oo nga. Si Xiara pala ang bumasted rito kaya nag-inom siya nung gabing 'yun. Very thankful ako sa kapatid kong 'yun. Dahil sa kanya napunta sa akin si Chatrise.

"Mamahalin mo rin ako," sabi ko. Ngumiti ako bago binaba ang ulo ko para tawidin ang pagitan ng aming mga labi.

I don't know. But I'm attracted to her. Even she's a tomboy.

"Ang bastos mo talaga,"

"Halika na! Iuuwi na kita." sabi ko at hinila na sya papuntang sasakyan. Marahas nyang binawi ang kamay nya.

"Ayaw ko. Iwan mo na nga ako! May sarili na akong buhay. Mas gusto ko ang buhay ko ngayon. Hayaan nyo na ako."

"Ayaw ko nga!"

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka! Hindi ako uuwi!"

"Then isama mo ako."

"At bakit ko gagawin 'yun? Ano ko gago?"

"Hindi. Gaga ka, babae ka di ba?" pang-aasar ko. Ngumiti ako ng malapad ng lapitan nya ako at pagpapaluin.

"Ikaw walangya ka! Tomboy ako! TOMBOY!!!"

"I can be a gay para maging bagay tayo!" I joked. Straight ako. Wala akong balak lumihis.

"Umuwi ka na sa inyo. Wala kang mapapala sa akin. Sakit ako sa ulo ng magulang ko. Ayaw ko ng maging sakit sa ulo ng iba." seryosong sabi nya.

Okay serious na.

"Chatrise," tawag ko sa kanya. Napatingin siya sakin. Puno ng kalungkutan ang mga mata nya. Alam kong gusto nya ng umuwi. Pinapairal nya lang ang pride nya. "Tita Charlotte is very worried to you. She just got to the hospital last week because of stressed. Her hearts works abnormally because of worrying to you. She's crying at night. Hoping that you're okay. If you love your mom please go home."

Noong una ay hindi sya nagre-react but suddenly her tears pour down to her face. Napaupo siya habang takip ang mukha. Her sobs turns to aloud cry.

"Mommy!" sabi nya. Lumapit ako at lumevel sa kanya para mayakap siya. I hate seeing her crying. "I'm sorry mommy! I'm sorry!"

I let her cry to outburst her emotion within. It will help her to remove the sadness and loneliness she's going through.

"Miss na miss ko na sila. Ang hirap. Ang hirap mamuhay mag-isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko." she cried.

"Miss na miss ka na ni Tita Charlotte!"

Napataas ang tingin nya sa akin. "Galit sila sa akin!" maang nya. I supressed a smile. Imagining her transforming to a sweet and soft girl makes my heart flutter. Damn! I'm so inlike to this tomboy.

"You'll see. Ihahatid kita sa kanila." I assured her.

Tuwang-tuwa na akong kayakap sya ng marealize nyang ang romantic ng position namin. Kaagad nya akong tinulak at tumayo siya.

"H'wag mo nga kong mayakap-yakap!"

Napatawa na lang ako. Back to Tomboy Mode.

[06.10.15]

Comeback To Me WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon