~_~

490 5 0
                                    

4:00 a.m pa lang ay pinilit na gumising si Lester. Pagkabangon niya ay agad siyang nagtimpla ng mainit na gatas na may tsokolate. Inihanda niya ang kanyang rubber shoes at chinarge yung cp niya. Medyo inaantokpa si Lester kung kaya ay naligo na lang ito ng maaga para mabawasan ang pagkaantok. Matapos maligo ay nagbihis at nagsapatos na ito. TIME CHECK : 4: 38..Nagsimula ng magjogging si Lester. Pumunta siya sa bahay nina K at tinext si K..

~~~~~~~~~Text Conversation~~~~~~~~~~~~~~

Lester: K, good morning.. :) andito na ako sa tapat ng bahay niyo,gising ka na, your 3 tasks is my command! 

Agad agad namang nabasa ni K ang message ni Lester, at nirelpy niya ito..

K: yeah, nagsasapatos na po ako, lalabas na po..

Lester: yes, gising ka na..intay na lang ako dito ahh.

Matapos ang ilang minutong pagiintay ay lumabas na si K. Nagjogging muna sila around the subdivision then ng malibot ito ay dumretso sila sa oval,kung saan marami rin ang mga taong nagjojogging at namamasyal rito. Habang nagjojogging ay natanong ni Lester ang rason at ugat kung bakit sila ganun ka close ng kapatid niyang si Hank,ang pagtatanong niya nito ay isa sa mga susi upang makuha ang loob ni K..

Lester: K, ganun ba talga kayo kaclose ni Hank>?

K: oo,kasi siya lang yung nakakaintindi sa akin ehh..

Lester: ahh, :) 

K: kasi siya yung nagtuturo sa'kin kung may bagay na hindi ko magawa,kasi anu ako ehh, nung una dependent ako sa kanya ehh..nung pumunta si papa sa london,para magtrabaho, ofw,eh,siya yung nagiisang lalaking naging savior ko,kasi daddy's girl ako ehh, nung andito pa si papa,di kami ganun ka close,ng umalis si papa,anu kasi ehh, iyak ako ng iyak as in over na iyak..siya lang yung tao na nagpatahan sa akin,nagpatawa siya..ganun..

Lester: sweet naman,pede ako rin yung pangatlong lalaki na gagawa sa yo nun?

K: depende kung magpapaampon ka..hehe

Lester: 'to naman ohh,pero sana ako rin ahh.. :)

K: sasama ka mamaya di ba?

Lester: oo, naman..masaya na naman yun..ui, 1st task success..

K; oy,hindi pa ahh..di pa tayo umuuwi ehh, at di pa nga masyadong sumisikat yung araw ehh..

Lester: cge..hintay na lang ako..

Ipinagpatuloy nila ang pagjojogging.Lampas isang oras na silang nagjojogging at minsan ay naglalakad,at ang araw ay sumisikat na..Nagpahinga na sila at pinagusapan nila ang party kagabi..

K: Lester,matanong ko lang, bakit wala kang imik kagabi ng umuwi na tayo?

Lester: napagod lang siguro ako kagabi..

K: ahh,cge..oh panu uwi na tayo..tara..

Mag aalasyete na sila ng makauwi sa bahay si K hindi ito nagalmusal at uminom lang ng juice at pagkatapos ay nagpahinga muna ito bago maligo. Napaisip si K habang nagpapahinga kung bakit gumsing si Lester ng ganung kaaga para magjogging,at di niya alam na seseryosohin ito ni Lester.Napangiti na lang ito at nagimagine ng kung anu anu tungkol kay Lester at sa pagpapantasya niya ay nakatulog na lamang ito. Habang si Lester ay nakauwi na sa kanilang bahay,ay hindi niya napigilang sumigaw ng sumigaw at abot tenga ang ngiti.

Lester: whooo!!! Yesss!! dalawa na lang..whoo..

Dumating ang lola niya..

Lola: oh, anu ba ang sinisigaw sigaw mo riyan? at ang aga mo naman gumising ahh..

Together- ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon