Chapter Twelve

2.4K 63 0
                                    

AN: At dahil hindi ako makatulog, nakapagcompose ako ng isang sabaw na chapter haha. Pagpasensyahan niyo na po 😁 enjoooy! 😊


~~


"Eh bakit hindi mo pa kasi sagutin, Bes?"

"Agad-agad, Maq?"

"Anong agad-agad? Lahat na ata ng ginagawa ng isang suitor eh nagawa na niya. Dinala ka pa nga niya sa condo niya last month diba? Tapos simula nun lagi na kayo dun tumatambay."

"Ano naman kung dinala ako? I'm waiting for a sign, Maq."

Today is Wednesday at nakatambay si Julie sa bakeshop ni Maqui. Wala naman kasi siyang magawa sa condo at ayaw naman niyang istorbohin si Elmo sa trabaho nito. Nahahalata niya kasi na siya lagi ang inuuna ng binata kahit na may meeting pa ito o maraming gagawin sa opisina.

"Ano ba yan, Jules! Ngayon ka pa naggagaganyan. Anong sign ba yan?" Tanong ni Maqui sa kaniya na gumagawa ng cookies.

"Secret na yun, Maq. Sakin nalang yun. I've been praying for that to happen since nung nagtapat siya sakin." Sabi ni Julie. Nakaupo siya sa isang bar stool sa kitchen ni Maqui at nakapangalumbabang pinapanood ang kaibigan.

Maqui took a glance at her at napansin ang position ng kaibigan. Saglit niyang itinigil ang ginagawa. "Julie Anne, hindi kaya malugi 'tong bakeshop ko jan sa pangangalumbaba mo? Baka wala nang pumuntang customer dito!" Seryosong sambit niya dito,

"Bes naman! Ang hilig mo maniwala jan sa mga pamahiin. Alam mo, masarap yung pastries na gawa mo saka ng chefs dito. Saka marami ka namang loyal customers ah? Kahit siguro ganito pa ko umupo dito buong araw, block buster pa rin yung pastries mo!"

Napairap nalang si Maqui sa pambobola ng kaibigan at tinuloy ang kaniyang ginagawa. "Ikaw nga naniniwala ka pa sa mga sign na yan eh. Pano kung hindi mangyari yung hinihingi mong sign?"

"Edi he's not the one." Julie shrugged. "Pero alam mo, Bes, eto na eh. Nafifeel ko na. Siya na talaga."

"Bruha ka. Feelingera ka talaga eh 'no? Yan din ata yung sinabi mo sakin nung sasagutin mo na yung bakla mong ex eh."

"Iba naman yun, Maq. Nagkamali lang talaga ako. Kaya nga humihingi na ko ng sign ngayon eh. Gusto ko makasigurado."

"Jules, sasabihin ba ng sign na yan na totoong mahal ka ni Elmo?" Irap ni Maqui sa kaibigan. "Saka totoo ba yang sign na yan? Mamaya niyan asa ka ng asa hindi naman pala mangyayari."

"Thanks for supporting me, Maq." Sarkastikong sambit niya kay Maqui.

"Bes, ayaw ko lang naman na umasa ka this time tapos wala naman palang mangyayari. Ayaw ko lang masaktan ka ulit, okay?" Paliwanag ni Maqui. Nilapitan nito ang kaibigan at saka pa niyakap.

"Aww.. Thanks, Bes. You really are the best! I love you, you know?"

"I love you too, Jules. Anyway, kumusta nga pala yung shooting niyo?" Humiwalay ito sa yakap at sinimulang maglagay ng tray ng cookies sa oven.

"Hm.. Okay naman. Masaya." Maikling sagot ni Julie.

"Yun lang? Eh si Alden?"

"What do you mean si Alden?"

"Kumusta kayo ni Alden?" Pang-uusisa ni Maqui.

"We're good. Ganun pa rin naman."

"Really? Diba nalink yun sayo?"

"Haha. Yes. At hindi ko alam kung bakit inilink yun sakin." Kibit balikat na sagot ni Julie.

"Duh. May crush yun kaya sayo! Eh anong ginagawa niyo sa set kapag di pa nagstart yung shoot or kapag break?"

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon