"Happy anniversary, Ba-"
"Let's break up, Jules."
"H-ha?" Natulala ako sa sinabi nitong gwapong nilalang slash boyfriend ko na nasa harap ko.
It's our 2nd anniversary today. Dalawang taon na simula nang sagutin ko siya dito mismo sa lugar na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
"I said let's break up." Hindi man lang siya nagdalawang isip sa sasabihin niya. Na parang wala lang sa kaniya ang mga salitang iyon.
"What?! Why?!"
"Uhm.. Hindi na kasi tama 'to eh."
"Panong hindi tama? Mahal kita, mahal mo ko. A-anong mali doon?" Tinititigan ko siya sa mga mata niya pero nag-iwas lang siya ng tingin.
"Oo, mahal kita pero.."
"Pero ano?!" Hindi ko na mapigil ang mga luha ko.
"Julie.. I'm.. I'm g-gay.."
Oohh.. Yun lang naman pala! He's gay! He's.. What?! Napatawa ako ng malakas nang marealize ko kung ano ung sinabi niya.
"Hahahahahaha!"
"Julie? What's funny?" Eh gago ata 'tong boyfriend ko e! Tinatanong niya sakin kung anong nakakatawa?! Edi siya! Pati yung joke niya! I wiped my tears before answering him.
"Wahaha! Babe! Hindi mo kailangang magjoke. Okay na! Napatawa mo na-"
"I am serious here, Julie." Tumitig siya ng diretso sa mga mata ko at doon ko nalaman na seryoso nga siya sa mga sinasabi niya.
"P-pano? Bakit?"
He let out a sigh before answering me. "I'm sorry. Bago palang kita ligawan, alam ko na kung ano ba talaga ako uhm. No. I mean.. N-naguguluhan ako ng mga oras na 'yon."
"Eh gago ka pala eh! Naguguluhan ka pero niligawan mo pa rin ako?! Ano 'yon? Ginamit mo ko para malaman mo kung-"
"Oo! Ginamit kita! Gusto ko sanang magbago kaya ko ginawa yon. But it didn't work out. Mahal kita pero hanggang kapatid lang talaga." Hindi ko inasahan ang pagtulo ng mga luha niya. Diba sabi nila, ang tunay na lalaki ay umiiyak? Nakita ko kung pano niya punasan ang mga luha niya at masasabi kong hindi lahat ng lalaki na umiiyak ay tunay #iykwim
He tuck his hair on his ear bago niya ako kausapin. Papa P. lang ang peg.
"I'm sorry sana hindi ko nalang ginawa 'yon. Sana hindi nalang kita nasaktan." Sabi sakin nitong boyfr- err. Ex boyfriend ko na halata ang panginginig sa boses.
"Sana nga hindi mo na ginawa. Ang sakit kasi eh. Kung kelan mahal na mahal na kita, saka ka pa umamin."
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso..
"W-wait, Jules! Where are you going?"
"Pucha naman! Malamang, lalayo na sayo! Anong gusto mo?! Icelebrate natin dito ung tungkol jan sa kabaklaan mo?!"
"I'm sorry." Nakayuko niyang sabi sa akin.
"Well, i'm sorry too, Ian." Sabay sampal ko sa gwapo niyang mukha at saka nilisan ang lugar na iyon
I'm Julie Anne San Jose, 21 years old. I'm an actress slash singer. I was fifteen nung pinasok ko ang showbiz. I had a boyfriend named Ian. Yung walang hiyang nakipagbreak sakin during our 2nd anniv na bakla daw siya. He or she is a chef on a fine dining restaurant. I am now living on my own. I have my own condo and a car na maituturing kong investment. My parents are on states, gusto nila na doon nalang din ako tumira pero ayaw ko. Masaya ako dito pero hindi buo. May kulang. Yun ay ang pamilya ko.
I am now here at the bar near timog. Magsecelebrate mag-isa. Lecheng buhay 'to! Ba't kasi hindi ko nahalata na bakla pala yung mokong na 'yon?! Nag aksaya lang ako ng dalawang taon.
"Margarita, please."
"Sure, Gorgeous." The bartender said as he winked at me. Flirt.
Hindi naman siguro ako makikilala dito diba?
"Hi, Pretty." Nagulat nalang ako ng may umakbay saking isang gwapong nilalang. Uh-oh. Baka mamaya, mabiktima na naman ako..
To be continued..