Chapter Seven

2.3K 53 3
                                    

Months have passed nang magkakilala sina Julie at Elmo. Patuloy ang kanilang communication at nagkikita sila minsan kapag nagkakataong wala sila parehong trabaho. Kumakalat na din sa social media na may napupusuan na ang isang Julie Anne San Jose. Bago ang balitang ito sa showbiz, never naman kasi niya ipinahalata na nagkaroon siya ng boyfriend noon. Hindi niya ipinaalam sa publiko na naging boyfriend niya si Ian, ni isang hint walang nakita ang fans niya. Buti na nga lang ganun ang ginawa niya eh. Alam niyo na.

Nung mga nakaraang araw, kalat na kalat ang mga picture nila ni Elmo sa facebook, twitter at instagram. Kung tutuusin ay para na nga silang magjowa kapag lumalabas. Holding hands nalang at akbay ang kulang pagmagkasama sila. Madalas silang dalawa sa mall para manood ng sine at kumain sa labas.

Naalala niya pa noong ipakilala ni Julie sa kaniya si Maqui. Ang akala niya sa una'y masungit ito ngunit mabait rin pala tulad ni Julie. Halata dito ang pagiging maalalahanin at mapagmahal sa kaibigan.

"Elmo, ingatan mo si Julie ha. Walang gasgas yan. Pag nalaman kong umiyak yan nang dahil sayo naku! Magtago ka na!"

Iyan ang mga salitang hindi makalimutan ni Elmo galing kay Maqui. Simula nang sabihin ito ng dalaga sa kaniya ay mas lalo niya pang inilapit ang sarili kay Julie.

~~

Ngayong araw ay abala si Elmo sa head quarters. Marami na naman kasing ipinagagawa ang Chief nila sa kaniya. Laking pagpapasalamat nalang niya na hindi siya inassign nito sa mga operation nila ngayon sa labas. Pinagreresearch lang siya ng mga impormasyon tungkol sa isang kaso na balak ipahawak sa kaniya at kay SPO1 Gonzales.

Naging matalik na kaibigan niya si SPO1 Jay Gonzales nang magkasama sila sa training nila sa Amerika. Kilalang kilala na siya nito, halos lahat na ata ng nangyari at nangyayari sa kaniya pati na rin mismo sa kaibigan ay napagkukwentuhan nilang dalawa.

Habang nakaharap sa computer sa opisina niya si Elmo ay kumatok sa pinto si Jay.

"SPO2 Magalona." Bati nito at sumaludo sa kaniya.

Tumayo naman si Elmo at sumaludo rin sa kasamahan. "Kumusta, SPO1?" Tanong niya dito nang bumalik sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagreresearch.

"Hay. Boring, Bro." Tanging sagot nito. Umupo si Jay sa may upuan sa harap ng table ni Elmo.

"Panong boring? Nagsasawa ka na ba sa pagiging pulis? Haha." Biro ni Elmo kay Gonzales.

"Hindi naman sa nagsasawa. Naghahanap lang talaga ko ng may thrill ngayon. Gusto ko na sumabak sa bakbakan eh."

"Chill ka lang, Pre. Darating tayo dyan. Pagtiyagaan mo muna iyong mga inaassign sa atin ni Chief." Pagkumbinsi ng binata sa kasamahan.

"Ano pa nga ba?" Buntong hiningang sagot nito. "Teka nga, maiba ako. Kumusta na kayo ni Julie Anne?Parang kalat na na magboyfriend-girlfriend na kayo eh." Tanong ni Gonzales.

Napasulyap naman si Elmo sa nang-iintrigang pulis. "Ganun pa din.." Bitin na sagot niya.

"Oh tapos?"

"Anong 'oh tapos'?"

"Magalona naman! Ayun lang? Ganun pa din? Wala pa ring improvement?!" Takang tanong ng kaibigan.

"Haha. Relax ka nga lang."

"Eh nasabi mo na ba sa kaniya na pulis ka?" Usisa ni Gonzales sa kaniya. "Alam mo hindi ko alam kung bakit ba tinatago mo 'yang pagiging pulis mo kay Julie." Naiiling pang sabi nito.

Bumuntong hininga muna si Elmo bago magsalita. "Hindi ko pa nga nasasabi eh. Ang alam niya ako yung nagmamanage nung isa naming branch dito sa manila. Though totoo naman yun. Siguro saka na muna, Pre. Sa tingin mo?"

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon