Chapter Sixteen

2.3K 65 7
                                    

Alas sais na ng hapon nang makarating si Julie sa condo. Medyo napasarap ang kwentuhan nila ni Saab at sobrang gaan ng pakiramdam niya dahil nakapalagayan niya na ito ng loob. Pagkabukas niya ng pinto ay agad nabaling ang atensyon niya kay Elmo na nakahiga't natutulog sa couch. Halatang pagod ang itsura ng binata.

Pinatay niya ang tv na noo'y nakabukas at nilapitan ang kasintahan. Lumuhod siya banda sa ulunan nito at hinawi ang kaunting buhok na tumatabing sa noo ng binata. Nakapolice uniform pa si Elmo at hindi na siguro nakaya pang magbihis dahil sa pagod. Alam niyang laging may extra clothes ang binata sa kotse nito.

Bakit ba ang gwapo at ang hot ng boyfriend mo, Julie? Tanong niya sa sarili. Saglit pang pinagmasdan niya ang binata bago pumunta sa kusina at magluto ng dinner. Hinalikan niya pa ito sa noo bago iwanan.

~~

"Moe.." Tinapik niya ng mahina ang pisngi ni Elmo para magising. Kakatapos niya lang magluto para sa hapunan nilang dalawa. "Baby.."

"Uhmm.." Ungol ng binata. Nilagay nito ang braso sa noo na kanina'y nasa tiyan niya.

"Babe.." Tawag muli ni Julie ngunit hindi gumigising si Elmo. Napangisi siya't may naisip na paraan upang magising ang kasintahan.

Nilapit niya ang mukha niya kay Elmo at pinisil ilong nito. Ayaw mong gumising ha.

Maya-maya'y biglang bumangon si Elmo at hindi inaasahang magkauntugan silang dalawa.

"Ouch!" Sigaw ni Julie na napaupo na sa carpet at hawak ang noo. Pagkabangon ni Elmo ay tumama ng malakas ang ilong nito sa noo niya.

"Sht!" Sigaw naman ng binata habang hinihimas ang ilong. "Babe.. Sorry.." Nilapitan niya ang nobya at niyakap.

"Ugh! Elmo, what did you do?!" Pagalit na tanong niya kay Elmo. "Ang sakit!"

"Ako nga dapat magtanong nyan sayo eh. Bakit mo kasi pinisil yung ilong ko?" Balik ng binata kay Julie. "Ang sakit, Jules."

"Eh ang hirap mo naman kasing gisingin eh!" Sabay palo sa dibdib nito. "Mas masakit kaya yung akin."

"Babe, sakin mas masakit. Ilong, Babe oh." Tinuro niya ang kaniyang ilong. "Ilong." Ulit niya pa.

Hindi alam ni Julie kung matatawa ba siya o hindi sa nangyari sa kanila. Nakita niyang namumula ang ilong ng binata. Hindi pa siya nakuntento sa pagkapula nito at pinisil muli.

"A-aray! Baby! Stop it, please!" Pagmamakaawa ni Elmo habang pinipigil ang kamay ni Julie.

"Ayan! Dapat lang sayo yan." Lumipat siya sa couch at tinabihan si Elmo.

"Dapat lang sakin eh wala nga akong ginagawang masama sayo." Reklamo nito.

"You were dreaming. Andrea ka ng Andrea." Biro ni Julie.

"I am?!" Nanlalaking mata na tanong ni Elmo. "Ba-baby.. I-i'm sorry.. H-hindi ko alam.." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "I-i'm sorry."

Bigla naman tumawa ng malakas si Julie at yumakap kay Elmo. Nakakatawa naman kasi talaga ang reaksyon ng binata. Hindi mo alam kung guilty ba or what.

"What's funny?" Tanong ni Elmo habang nakahawak siya sa likod ni Julie.

Pinigil ni Julie ang tawa at lumayo ng kaunti kay Elmo. Hinawakan niya ang dalawang pisngi nito. "Joke lang, Babe. I love you." She kissed the tip of his nose at muli itong niyakap.

"Ahh.. That was just a joke? Huh?" Tanong niya kay Julie at hinigpitan ang pagkakayakap. "Joke pala ha!" Kiniliti niya sa bewang ang dalaga.

"Oh my god, Moe! S-stop!" Awat sa kaniya nito habang tumatawa. Napahiga na siya sa couch at pinaibabawan na siya ni Elmo. "B-baby! Hahaha! A-yoko na! S-stop it, Babyyy!"

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon