Chapter Eighteen

2.7K 65 2
                                    

"Baby, hindi pa ba yan tapos?" Nakakunot-noong tanong ni Elmo kay Julie.

Pagkaalis kasi ni Maqui, pinagpatuloy ni Julie ang panunood ng Fifty Shades of Grey este Love, Rosie nang hindi pinapansin si Elmo. Hinahayaan lang niya ang kasintahan sa kung anomang gustong gawin nito. Tulad ngayon, nakasandal siya sa headboard at nakapatong sa lap niya ang unan na may laptop sa ibabaw habang nakayakap si Elmo sa bewang niya't nakasandal ang ulo sa balikat niya. Kanina lang ay pinaglalaruan nito ang kaniyang buhok at nang mabored, ang laptop naman ang pinagdiskitahan.
Panay ang tingin kung ilang minuto pa ang natitira bago matapos ang movie na pinapanood niya.

"Thirty minutes." Masungit na tugon niya na hindi man lang nilingon si Elmo.

"Thirty minutes?!" Gulat na sambit ng binata. "Babe naman! Nagugutom na kaya ako." Angal pa nito.

Julie looked at him. "Aba naman, Magalona. Mukha bang nasa akin yung dinner na kakainin mo?" Still, masungit pa din.

"Baby naman eh.. Gusto ko sabay tayo." Pag-iinarte ni Elmo.

"Ikaw na lang mag-isa. Kaya mo na yan. Hindi ka nga nagtext buong araw sakin diba? Meaning, whole day kang nakakain without me."

Natawa si Elmo sa reaksyon ng kasintahan. Hindi pa nga pala siya nakakapagsorry dito. Imbes na sabayan ang inis ng dalaga, pumunta nalang siya sa kusina para kumain. He left Julie without saying anything. Hindi niya na kasi kaya ang gutom niya dahil maghapon siya sa training at may inaasikaso pa siya na surpresa para kay Julie. May break naman kaso hindi siya nakakain ng maayos. At sinadya niya talagang hindi magtext sa nobya niya mula pa kahapon dahil ang gusto niya, kapag pumunta siya ngayong gabi dito eh ang masungit na mukha ni Julie ang sasalubong sa kaniya. And it worked! Ganda pa ng bati sa kaniya eh. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya na nagsusungit si Julie. Para siyang buntis na naglilihi.

Pagpunta niya sa kusina, naghanap siya ng makakain ngunit ang pizza roll lang ang nakita niya. Pagbukas ng ref, may pwede namang iluto kaso tinatamad na siya. Malas lang na badtrip ang girlfriend niya, yan tuloy, walang nag-aasikaso sa kaniya. Binuksan niya ang isang cupboard and luckily, may nakita siyang cup noodles na pwede nang pagtiyagaan.

Matapos niyang ihanda ang cup noodles, bumalik siya sa kwarto ni Julie. Hawak nito ang cellphone at hindi na nanonood ng movie.

"Babe. You want?" Alok ni Elmo kay Julie ngunit iling lang ang sinagot ng dalaga.

Inilapag muna ni Elmo ang hawak na cup noodles sa bedside table saka inumpisahan na lambingin ang girlfriend. "Baby.. Huwag ka na magtampo.." He said sweetly. Niyakap niya muli si Julie sa bewang and placed his chin on her shoulder.

"Give me a valid reason kung bakit hindi ka man lang nagtext mula pa kagabi." She plainly said.

"Uh.. Nagpapamiss lang ako, Babe." Pag-amin niya.

Nakakunot-noo namang nilingon siya ni Julie. "Is that valid, Elmo?" She asked sarcastically.

"Uhm.. Nope."

"Then give me a valid reason." Ulit ng dalaga.

"Babe, i'm telling the truth. Nagpapamiss lang talaga ako kaya di ako nagtext sayo. Nasa training ako the whole day and I had a chance to text or call you pero hindi ko ginawa dahil nga nagpapamiss lang ako. Alangan namang magsinungaling pa ako sayo makapagbigay lang ng valid reason." Paliwanag ni Elmo habang nakatingin sa mga mata ni Julie. "Kaya huwag ka nang magalit, 'kay?" He kissed her lips.

"I hate you." Nakangusong sabi ni Julie matapos siyang halikan ni Elmo.

"Haha. Why?"

"Gumana yang kalokohan mo eh." Kinurot niya si Elmo sa tagiliran saka niyakap.

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon