Chapter Thirty-Seven

1.7K 58 13
                                    

"Maq, I need to go to Davao next week." Julie told Maqui. Nakaharap siya ngayon sa bintana.

"Bakit na naman? Kakagaling mo lang ng Pampanga last week tapos Davao naman? Jules, pahinga-pahinga rin pag may time ah."

"Maq, gusto ko lang masigurado kung namamanage ba ng maayos yung business doon." Paliwanag niya.

It's been four years. Apat na taon na ang nakaraan mula nang ipanganak ni Julie si Julieanne Madison. She calls her daughter 'Maddie'.

Everything went well except for one thing. After magquit sa showbiz, naisipan niyang magtayo ng isang clothing line for kids. May sarili siyang store and luckily, marami na siyang branch nationwide.

Hindi lang ang sarili niyang business ang inaatupag niya ngayon kundi ang isang branch ng Lui-Niel Seafood Resto na dating pinamamahalaan ni Elmo. Hindi naman naging sobrang mahirap para sa kanya ang imanage pa ang business ng Magalona dahil tinutulungan naman siya ni Andrea na ngayon ay may sariling pamilya na rin.

Sobrang pagpapasalamat niya sa Magalona dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito. They helped and still helping her. Sa business at sa pagpapalaki kay Maddie.

"Jules, pwede ba? Kakadalaw mo lang dun last month eh. Maayos naman diba? Eh kung sa susunod na buwan ka nalang ulit pumunta doon? Saka hello! You have a cute and adorable baby girl. Pwedeng sa kaniya mo muna ibuhos yung panahon mo? Kaya nga naghire ka ng maraming staff eh para may katulong ka." Litanya na naman ni Maqui.

Tama nga naman si Maqui. May anak siyang dapat asikasuhin bukod sa business niya. Hindi naman siya nawawalan ng oras para kay Maddie pero mas maganda siguro kung uunahin niya ang anak niya. Nitong mga nakaarang araw kasi ay medyo nagtatampo ang bata sa kaniya. Bakit daw lagi siyang may out-of-town meetings pero kahit ganoon ay sinisigurado niyang natutugunan niya muna ang mga pangangailangan nito bago umalis. She always makes sure na may oras siya kay Maddie. Ang kaso, matampuhin talaga ang anak niya. Gusto kasi sumama sa kaniya.

"Thanks, Maq. Sige na. Last na yung sa Davao next week. After that, kay Maddie muna ako. Sasamantalahin ko na yung summer vacation. I'm planning to enroll her this coming school year."

"Sus! Akala ko naman di mo na itutuloy yung sa Davao. Humirit ka pa talaga ng last ano?"

She chuckled. Kahit kailan talaga 'tong si Maqui, daig pa nanay niya kakasermon sa kaniya.

"Anyway, wala pa bang balita kay Moe?"

Bigla siyang natigilan. Ayan ang tanong na ayaw niyang marinig. Sawa na kasi siya kakasagot sa tanong na ito dahil iisa lang naman ang sinasabi niya.

"W-wala pa." Nagcrack na ang boses niya. Pakiramdam niya malapit na siyang maiyak.

Four years na mula ng manganak siya. Almost five years na wala si Elmo at apat na taon na walang ama ang anak niya.

Flashback..

"Tita Agatha..." Mahinang tawag ni Julie sa ina ni Elmo pagbaba niya palang ng kotse. Nakasunod sa kaniya si Maqui.

Pagkatanggap na pagkatanggap pa lamang niya sa text ni Agatha ay agad na silang nagtungo sa Magalona's residence.

Sinalubong naman ni Agatha ng yakap ang dalaga. "I miss you, Jules." Nagulat siya ng bigla niyang maramdamang umiiyak na ito. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya rito. "Hey.. Don't cry, Jules."

"I'm sorry, Tita." She sobbed.

"Shh.. I know you have an explaination. Alam ko may reason ka kung bakit mo iyon nagawa. At ngayon palang, naiintindihan ko na." Agatha smiled at her.

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon