AN: Hi, Readers! (meron ba? haha) I've decided na ibahin ung style ng pagsulat. Medyo nakakasabaw yung POV style so narrative nalang ung ginawa ko 😅 salamat po sa pagbabasa. Enjoyyy!! 😊
~~
Hindi umimik ang dalaga sa ginawang pagbati ng binata na ngayon niya lang nakita. Sa halip ay tinanggal niya ang kamay nito na nakaakbay sa kaniya at lumipat ng upuan.
"Hey." Bati muli kay Julie ng lalaki na sumunod sa kaniyang kinauupuan.
"Excuse me. I'm not in the mood right now to talk to someone I really don't know." Masungit na tugon niya rito.
The guy smirked at her and said "Sungit naman. Parang makikipag-friends lang eh."
"Friends? Really? Maraming lalaki jan. Sa kanila ka nalang makipagkaibigan."
Inikot ng binata ang kaniyang paningin sa kabuuan ng bar saka muling kinausap ang dalaga.
"Uhm.. Mukhang lahat ata sila may kasama na eh. Tayong dalawa lang yung wala."
"I don't care! Okay lang akong mag-isa. At saka hindi naman 'to speed dating ah?! Kailangan talaga sa babae makipagkaibigan?!"
"Sungit talaga." Bulong ng binata.
"Excuse me, Ma'am. Here's your order." Singit ng waiter sa kanilang pag-uusap.
"Thanks."
"You're welcome." Sabay alis nito.
"Hm.. You are Julie, right? Julie Anne San Jose?" Panimula muli ng binata.
Gulat na tumingin si Julie sa lalaking pilit na kumakausap sa kaniya.
"K-kilala mo 'ko?"
"Haha. Oo naman! Sino ba namang hindi makakakilala sayo bilang isang magaling at magandang aktres at singer?" Nakangiting tugon ng binata sa babae.
Noon lamang napansin ni Julie ang angking kagwapuhan ng lalaki at nakatulala pa siyang nakatitig dito.
"U-uhm.. Miss?"
"H-uh? Ahh. Yeah! Ako nga. I'm Julie Anne." Pilit na ngiting tugon niya sa kausap.
"Sabi na eh! I'm Elmo. Elmo Magalona." Nakangiting inabot niya ang kamay sa dalaga.
Nag-aalangan man ay tinanggap ni Julie ang kamay ng binata. Gosh! Ang gwapo na, ang lambot pa ng kamay!
"Uhh.. Hi." Nahihiya niyang bati kay Elmo.
"Hm. Would you mind if I join you here?" Nag-aalangang tugon ng binata.
"N-no! Of course not."
"Great! Pasensya na ha. Biglaan lang kasi yung pagpunta ko dito kaya wala akong kasama." Paliwanag ni Elmo.
"Ahh. Wala 'yon. I'm sorry kung nasungitan kita. It's just that.." The guy didn't let her finish her words.
"You have a problem?"
Bahagyang natawa at nailing si Julie sa tanong sa kaniya ni Elmo.
"Yeah. Actually, minsan lang ako magpunta sa ganitong lugar. May problema lang talaga ako ngayon."
Tila naging magaan ang pakiramdam ni Julie kay Elmo na ngayon niya lang nakasama.
"Ganon ba? Kung gusto mo, may ibang lugar akong alam kung san tayo pwedeng makapag-usap ng maayos. Medyo maingay na kasi dito eh. Pwede kitang damayan sa problema mo." Nakangiting sabi sa kaniya ng binata.
Muli na namang napatitig si Julie kay Elmo at tila napako ang kaniyang mga mata sa mga labi nito.
Ang gwapo talaga! Tapos yung lips parang.. Uhm.. Teka! Hinay-hinay lang, Julie Anne! Baka mabiktima ka na naman! Suway ni Julie sa kaniyang sarili.
"Ahm.. Julie?" Tawag sa kaniya ni Elmo nang mapansin na hindi kumibo ang dalaga sa kaniyang sinabi.
"Ha? S-Sorry. Ano nga ulit 'yun?"
"Ang sabi ko, may alam akong ibang lugar na pwede tayong mag-usap ng maayos. Maingay kasi dito eh. Kung gusto mo lang naman sumama at pag-usapan kung anoman 'yang problema mo." Mahabang paliwanag ng binata.
"Uhh. Okay lang ba sa'yo? Teka. Wala ka naman sigurong masamang balak sa gagawin sa'kin diba?"
"Haha! Wala 'no. Wala rin naman akong ibang gagawin tonight. Saka pakiramdam ko kasi kailangan mo ng company ngayon eh."
"Haha. Sorry. Nag-iingat lang. Alam mo na. Hehe." Nahihiyang tugon ni Julie kay Elmo.
"It's okay. So.. Pano? Let's go? I'm sure matutuwa ka sa pupuntahan natin." Masayang sabi ng binata sabay tayo sa kaniyang kinauupuan.
"Talaga? Playground ba pupuntahan natin at siguradong matutuwa ako?" Natatawang tanong ni Julie.
"Haha. Nope! Basta. Matutuwa ka doon!" Nag-iwan ng bill si Elmo sa counter bilang bayad sa inorder na inumin ni Julie. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga sabay hatak palabas ng bar.
Pansamantalang hindi nakakilos si Julie sa muling pagkadikit ng kanilang kamay ng binata. Para bang may kakaiba siyang naramdaman ng mga sandaling iyon.
Bahagyang napatingin si Elmo sa kasabay na dalaga sapagkat napansin niya ang pagtigil nito at nakitang nakatingin ito sa kanilang mga kamay.
"Ahh.. Eh.. Sorry, Julie." Nahihiyang binitawan ng binata ang kamay ni Julie.
"Uhm.. It's okay.. Tara na?" Yaya ng dalaga sa kaniya ng may kasamang ngiti.
Ngiti na noon niya lang nakita.
Ngiti na nagpatigil sandali sa mundo ng binata.
To Be Continued..