Chapter Twenty-seven

2.3K 57 3
                                    

Tahimik na pinaglalaruan ni Elmo ang cellphone ni Julie. Alas otso na ng umaga ngunit wala pa rin ang dalaga. Nasa couch nakaupo si Maxx at nag-aagahan.

"Moe, grab your breakfast first para makainom ka na ng gamot." Yaya ni Maxx sa kapatid.

Nakasimangot si Elmo na tumingin sa ate niya. "Call my girlfriend first."

"Alam mo talaga, hindi ko alam kung bakit naging pulis ka." Sabay irap ni Maxx. "Shunga ka ba? Hawak mo yung cellphone niya tapos tatawagan ko? Oh sige, wait. Idadial ko ha. Sagutin mo tapos chikahan tayo." Biro pa nito saka kinuha ang sariling cellphone.

"Maxx, I'm serious."

"Eh kasi naman. Pano tatawagan?!"

"May landline nam--"

"Goodmorning, Mamang Pulis!" Biglang pasok ni Maqui. "Goodmorning, Ate Maxx!"

May dala itong isang basket ng prutas.

"Goodmorning, Maq!" Ganti ni Maxx.

Nilapag ni Maqui ang basket sa may mesa.

"Bakit naman nakabusangot ka, Friend?" Tanong nito kay Elmo.

"Where's my girlfriend?"

"Uh.. She has a commitment diba? Sinabi niya na sayo."

"Eh bakit ka pumunta dito?"

"To get her phone. Naiwan niya dito daw dito eh. Asan na?" Sabay tingin sa mesa sa gilid ng kama ni Elmo.

Palihim na itinago ng binata ang cellphone ng kasintahan sa ilalim ng kumot niya.

"I don't know." Sagot ni Elmo na nag-iwas ng tingin kay Maqui.

Nang tingnan ni Maqui si Maxx ay itinuro nito si Elmo sa pamamagitan ng mga labi.

"Mamang Pulis, give me her phone." Nilahad ni Maqui ang palad niya sa harap ni Elmo. "Kailangan niya yan today. Sige na."

"I don't care, Farr. May commitment ba talaga siya?" Kunot noong tanong ng binata.

"Oo naman. Sabi niya nga diba?" Pabalang na sagot ni Maqui.

Nagkibit-balikat si Elmo. "May commitment eh wala namang nagtetext or tumatawag."

"Ang kulit mo naman. Akin na kasi." Pilit ni Maqui. Kung wala lang sigurong sakit si Elmo ay baka nasaktan niya na ito.

"I will not give this to you. Tell her na siya ang kumuha."

~~

"Maq naman! Bakit umalis ka nang hindi mo nakukuha yung phone ko?!" Bulyaw ni Julie sa kaibigan. Kakagising niya lang ulit nang dumating si Maqui.

Alas sais palang kanina ay inistorbo niya na ito. Ipinakiusap niya na kunin ang cellphone niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang commitment today, gusto niya lang iwasan si Elmo.

"Wow naman, Inday." Pairap na sambit ni Maqui. Nakahalukipkip itong nakatayo sa harap ni Julie. "Ako na inistorbo mo, ako pa sinisisi mo?" Sabay turo sa sarili niya.

"Maq kasi eh."

"Ikaw nga kasi yung gusto niyang kumuha. Tinago na eh."

"Edi dapat pinilit mo."

"Bakit ba hindi ka magpakita?"

"Ayaw kong makita yung pagmumukha ng Elmo na yan. Gusto ata, yung trabaho niya yung maging girlfriend niya." Masungit na sambit ni Julie.

"Teka, teka." Umupo si Maqui sa kama, sa harap ni Julie. "What do you mean?"

"Pinipilit ko siya na iwanan yung pagiging pulis niya. Ayaw maman pumayag."

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon