Chapter Thirty-nine

1.5K 56 10
                                    

"Tito JC, have you met my dad before?"

Napatingin si Jc kay Julie Anne na nasa harap niya. Abala ito sa pag-aasikaso sa anak habang kumakain.

"Uh.." Napaisip siya bigla. Nagkatagpo na nga ba sila ng ama nitong batang nagtatanong sa kaniya? "I think.. We haven't met before."

"Really?" Malungkot na ganti ni Maddie.

They're having lunch. Silang tatlo lang.

Matapos ang nangyari sa opisina ni Julie, hiniling niya dito na mag-usap ng masinsinan at kalimutan na ang nangyari.

Pabor din naman kay Julie ito. Mas okay na kung magkausap sila ng maayos, kaysa naman parang habang buhay na silang hindi magkikibuan. Lalo na ngayon na magtatrabaho ito sa kumpanya niya.

She told him everything. May tiwala pa rin naman siya dito sa kabila ng ginawa ng binata dati. Isa pa, humingi na ito ng tawad sa kaniya.

Lahat ng tanong ni Jc ay sinasagot niya and he's happy and proud of her. Naisip ni Jc, walang dahilan kung bakit hindi siya magiging proud sa dating kapareha. She raised her daughter on her own. Nakaya nitong mag-isang mapalaki si Maddie sa loob ng apat na taon kahit wala si Elmo.

"Yes, Maddie. Why?" Tanong ng binata.

"I haven't seen him pa eh." She pouts her lips. "You know what, Tito, if daddy will come home, I won't allow him to go back to new york. I miss him so much."

"Uh.." Napalunok naman si Jc. Wala naman kasi siyang maikwento pa sa bata tungkol sa daddy nito dahil hindi niya lubusang kilala si Elmo.

"Tito, do you have kids too? I want to have new playmates eh. Maybe I can be friends with them." Nakangiting tanong ni Maddie.

Napangiti naman din si Jc. Masyado kasing cute ang batang nasa harap niya at nakakahawa pa ang ngiti nito. "I don't have, Baby eh. But I can be your playmate." Nakangising sagot ng binata saka uminom ng juice.

"Really?!" The kid asked with a big smile.

Jc nodded.

"Then let's play at home later! I have a new set of barbie dolls, Tito!"

Natatawa naman si Julie. Pilit niyang iniimagine si Jc na naglalaro ng barbie kasama ang anak niya. "Seriously, Jace?"

"Haha. Why not, Jules? Pero hindi ba pwedeng maglaro ng video games si Maddie? Car racing. Mga ganun?"

Napataas naman ng kilay si Julie. "Hoy, ano sa tingin mo ang anak ko? Lalake?"

Si Maddie ay patuloy ang pagkukwento kay Jc kahit na ang kausap ng lalaki ay ang mommy niya.

Jc chuckled. "Unfair naman, Jules. Tuturuan niya ko maglaro ng barbie dolls eh. Dapat turuan ko siya magvideo games." Nang-aasar na tugon nito.

"Kung yan lang din ang ituturo mo kay Maddie, mas maganda siguro kung huling pagkikita na natin 'to." Sarkastikong sambit ni Julie.

Ayaw niyang mainvolve si Maddie sa mga larong panlalaki.

"Uy. Joke lang naman." Depensa agad ng binata. "Babawi nga ako diba?"

"Oo na." Irap niya. "Just don't do what you did last time, Jc. May tiwala pa rin naman ako sa'yo."

Binigyan ni Jc ng isang matamis na ngiti si Julie. Matagal niya nang hinihintay ang pagkakataong ito. Ang swerte niya lang ngayon dahil sa kumpanya pa siya ng dalaga magtatrabaho.

"I won't, Jules. Promise."

~~

"Sweetie, take care of yourself and Maddie too. Okay?"

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon