"Frank!!" Gulat na tawag nila Maqui at Agatha.
Sina Maxx at Saab ay tinulungan si Elmo na makatayo ngunit sinugod na naman ito ni Frank at binigyan ng pangalawang suntok.
"Frank, tumigil ka na!" Awat ni Nathaniel.
"Frank naman!" Sambit ni Maqui. "Hon, please. Tumigil ka na." Pakiusap niya saka niyakap ang asawa.
"Moe, are you okay?" Agatha asked her son. Nilapitan niya ito at niyakap.
"Okay ka lang?" Tanong naman ni Maxx.
"May gana ka pa talagang magpakita dito?! After what you did to Julie?! Iniwan mo na nga tapos nung nahanap ka, sinaktan mo naman physically! Gago ka ba talaga?!"
Niyakap ni Nathaniel si Julie Anne na ngayon ay umiiyak.
Inalis ni Elmo ang pagkakayakap ng ina. "Bakit, Frank? Alam mo ba lahat ha? Pati ba nararamdaman ko, alam niyo?!" Tiningnan ni Elmo isa-isa ang mga kasama. "I chose to stay away from her kasi akala ko masaya na siya kay Jc!"
"Hinayaan mo bang mag-explain? Ha? Kung umuwi ka man lang sana, edi narinig mo yung paliwanag niya! Sarili mo lang kasi yung iniisip mo!"
"Hindi lang sarili ko ang iniisip ko, Frank! I didn't mean to hurt her physically! Nagawa ko 'yon dahil narinig ko sila ni Jc na nag-uusap last friday. Sinabi ni Julie Anne na pumapayag siyang sunduin sila ni Jc! I was jealous! Hanggang ngayon, nagseselos pa rin ako!"
"Hold on, Elmo." Pigil ni Julie. "I already explained it to you..-"
"Jc is just her friend, Elmo." Sabat ni Nathaniel. "Actually, ngayon nalang ulit sila nagkita ni Julie after what happened to the three of you five years ago. Nagpunta siya dito at nagpaliwanag tungkol sa nangyari dati. Ano na naman bang iniisip mo, Son?"
"Pero, Dad, Julie and I were okay last friday! Sinundo ko pa nga sila ni Maddie sa hotel at pinatuloy sa apartment ko! Tapos nagulat nalang ako nang marinig ko siyang kausap si Jc. Ang usapan namin, sabay-sabay kaming uuwi!"
"Pinaliwanag mo yan pero yung tungkol sa katrabaho mo na hinalikan ka pa sa harap ko at sinabihan ka ng i love you? Hindi mo ba ipapaliwanag?" Matapang na tanong ni Julie.
"Wait.. Wait. Elmo, you have a girlfriend?" Pagtataka ni Saab.
"W-wala! Wala akong girlfriend!" Depensa ng binata.
"Are you sure, Moe? Hindi ka naman--"
"Fine! Something happened to us pero hanggang doon lang!"
Parang biglang gumuho ang mundo ni Julie. Ayan na. Inamin na nga ng binata kung sino talaga ang babaeng iyon. Hindi nga girlfriend ni Elmo iyon, may nangyari naman sa kanila. Mas masakit. Gusto niya nang kaawaan ang binata dahil sa mga suntok na natamo nito mula kay Frank. Ang kaso, mas nangingibabaw ang galit niya dito.
"Ikaw 'tong nagkaroon ng ibang affair tapos sa akin ka nagdududa kung ikaw ba talaga ang tatay ng anak ko?"
"What?!" Sabay-sabay na sambit nina Maqui, Agatha, Maxx at Saab.
Hindi na naman napigil ni Frank ang emosyon at sinugod ang kapatid. "How dare you, Moe! Pati pagiging Magalona ni Madison, pinaghinalaan mo!" Sabay suntok sa binata.
"Frank, stop it!" Awat ni Nathaniel. "Elmo, ano bang nangyayari sayo?! Wala ka bang tiwala kay Julie Anne?! Pati iyon, Elmo?!"
Pinunasan ni Elmo ang dugo sa labi niya saka sinagot ang tanong ng ama. "Dad, I was away for the past five years. Umalis ako nang hindi ko alam na buntis si Julie--"
"Eh kasi nga duwag ka!" Sigaw ni Frank.
"Oo na! Duwag na kung duwag! Wala na kong kwenta! Gago ako! Selfish! Ano pa?! Masisisi niyo ba ako kung sobra akong nasaktan?! Naging miserable din ako, Frank!"
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of Wrong
Fiksi PenggemarA perfect mistake that leads them to forever..