"I hate him, Maq! I hate him!" Gigil na gigil na sabi ni Julie kay Maqui.
Kasalukuyang nagmamaneho si Maqui at papunta silang dalawa sa Intramuros dahil may imimeet itong isang kliyente. Paulit-ulit ang kwento ni Julie sa ginawa sa kaniya ni Elmo last night pati na rin ang hindi pagtext nito mula pa kagabi hanggang ngayon. Ala una na ng hapon pero wala pa rin siyang update sa kasintahan.
"Alam mo, Bes, ilang araw pa lang kayo ni Elmo pero laging yan ang pinag-aawayan niyo." Naiiling na sabi ni Maqui.
"God, Maq. Trabaho naman yung akin eh. Trabaho lang yun." She said.
"I know. Ang babaw lang niyan ni Elmo ha."
"Mismo! Naku talaga. Nakakainis na."
"Tinext mo ba?"
"Oo. Kaninang umaga pa. I even tried to call him, hindi naman sinagot." Sabay tingin sa labas ng bintana.
"Baka naman nagpapalambing lang. Or busy sa work. Diba nga nakwento niya na may raid silang gagawin next week?" Tanong ni Maqui.
"Alam ko naman, Maq. Pero kahit isang reply wala naman akong nakuha sa kaniya. Kagabi, sinabihan ko siya na itext ako kapag nakauwi na siya. Hindi naman nagreply. Napaka-immature."
Nailing nalang si Maqui sa pagrarant ng kaibigan. Hindi naman niya ito masisi dahil nga naman nag-aalala ito na baka kung ano na ang nangyari kay Elmo.
Pagkadating nila sa cafeteria ng isang hotel ay agad na may kumaway kay Maqui at marahil ito na ang kaniyang kliyente. Nilapitan nila ito at agad silang nagpakilala.
"Hi, I'm Maqui." Bati ni Maqui sa kliyente at nakipagkamay.
"JC." Maikling tugon ng lalaki ngunit nakangiti.
"And this is my best friend, Julie Anne." Turo niya sa kaibigan.
"Hi." Nakangiting sabi ni Julie.
Bahagyang nagulat si JC kay Julie. "Uh.. Hi, Julie Anne.. Have a sit, ladies. Please." Anyaya niya sa dalawa pero kay Julie nakatingin.
Inumpisahan na nila Maqui at JC ang pag-uusap tungkol sa oorderin na cake and cupcakes ng binata para sa kasal kapatid nito.
Samantalang si Julie naman ay pinaglalaruan lang ang cellphone na hawak at halos minu-minuto itong chinecheck. Tinitingnan kung nagtext na ba si Elmo sa kaniya. Ni hindi niya pinakikinggan ang usapan ng mga kasama niya sa mesa. Magkatabi sila ni Maqui at sa harap nito ay si JC.
Maya-maya ay narininig niyang mahinang natatawa ang kaibigan kaya't napatingin siya dito at saktong lumingon sa kaniya si Maqui.
"Bes." Tawag sa kaniya nito.
"Hm? Bakit ka tumatawa?" Takang tanong niya.
"Eh kasi 'tong si JC, tinatanong kung ikaw daw ba yung singer. Namumukhaan ka daw kasi niya, bigla tuloy nahiya." Natatawang sabi ni Maqui.
Hindi niya naman alam kung ano ang irereact niya sa sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang ay wala siya makipag-usap sa kahit na kanino man ngayon maliban kay Maqui. Sa halip ay nginitian niya nalang ang binata.
"Uhm.. Julie Anne?" Tawag ni JC.
Tinaasan niya nalang ito ng dalawang kilay na para bang nagtatanong kung 'bakit'.
"Okay lang ba kung maging guest ka sa kasal ng kapatid ko?" Nahihiyang tanong nito.
"H-ha? Ah.."
"Sige na, Bes. I'll be there naman eh. Para may kasama na din ako." Sabi sa kaniya ni Maqui saka siya nito hinawakan sa braso.
"K-kelan po ba yung wedding?" Tanong niya sa binata.