Chapter Twenty-two

2.1K 56 4
                                    

"Baby.." Sambit agad ni Julie nang sagutin ni Elmo ang tawag.

Nasa may veranda siya samantalang si Maqui naman ay nanonood ng tv. Buong araw ay wala siya sa mood maggala kasama sina JC at Maqui.

Ilang segundo na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nagsasalita si Elmo. Napansin niya na medyo maingay sa kabilang linya.

"Baby, where are you?" Kinakabahang tanong niya but still, wala pa ring imik ang binata. "H-huy. Elmo naman eh. Sorry na, okay? Babe.." Napasapo nalang siya ng noo gamit ang isa pa niyang kamay. "Baby, please talk to me." Para na siyang ewan na nagmomonologue.

Nakaramdam siya ng paninikip ng lalamunan at anytime maiiyak na siya. Kung malapit lang sana ang Cebu sa Manila, kanina pa siya nasa tabi ng kasintahan.

"Moe.."

"Hey, Handsome!"

Nanigas ang buong katawan niya sa narinig mula sa kabilang linya. Isang babae ang nagsalita at medyo malakas ang boses nito kaya't pakiramdam niya na si Elmo ang tinutukoy ng babae. Saka niya naalala na maingay din ang music background sa kabila.

"Sht, Elmo! Where are you?!" Sigaw niya sa kasintahan. Kung kanina ay nilalambing niya ang binata, ngayon ay gusto niya na'ng magalit dito. "Sino 'yang tumatawag sa'yo?! Don't tell me, nagbabar ka?! El--"

toot.toot.toot

Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay pinutol na ng binata ang tawag. Muli niya itong tinawagan ngunit gaya ng kaninang umaga, nakapatay na ang cellphone nito.

"Bes, bakit ka sumisigaw?" Pagtataka ni Maqui. Lumabas ito upang silipin lang ang kaibigan. Kita niya ang pamumula ni Julie na tila ay dahil sa galit o sa inis. "Bes, anyare?" Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan ang magkabilang braso.

Iling lang ang isinagot ni Julie. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Maqui sa mga braso niya at pumunta sa kwarto.

"Huy. Bes. Bakit ba?" Habol ni Maq sa kaibigan.

"Maq, nagbabar si Elmo.." Mahinang sambit ni Julie. Umupo siya sa gilid ng kama at yumuko.

"Nakausap mo na?"

"H-hindi pa."

Napakunot naman ng noo si Maqui. "Pa'no mo nalaman na nagbabar?" Tanong niya saka tinabihan si Julie.

"He answered my call. Salita ako ng salita pero hindi niya naman ako pinapansin." Pinahid niya ang kaniyang mga luha. "Maingay sa place niya. Tapos.." She sobbed. "Tapos may narinig pa akong tumawag sa kaniya na babae."

"W-what? Narinig mong si Elmo talaga 'yong tinatawag?"

Julie shook her head. "Hindi.. Basta may narinig nalang ako na babaeng nagsalita.."

"Anong sabi?"

"H-hey, handsome.." Mahinang sambit niya.

"Pfft. Hahahahahaha!" Hindi na nakayanan ni Maqui ang pagtawa niya kaya't napahiga siya sa kama at tumagilid. She held her stomach while laughing at her bestfriend.

Gulat namang napatingin si Julie sa kaibigan. "M-maq?" Tawag niya dito. "Anong nakakatawa?!" Niyugyog niya ito at pinalo sa may pwetan.

"Hahaha!" Bumangon ang dalaga at pinunasan pa ang mga mata na may luha dahil sa kakatawa niya. "Eh kung sinasabunutan kaya kita?!" Sigaw nito kay Julie habang pinipigilan ang pagtawa.

"Bakit na naman?!" Sigaw din ni Julie.

"Pakiulit nga 'yong narinig mo.."

"Hey, Handsome nga..."

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon