Chapter Thirty-one

2.6K 63 6
                                    

AN: Hallooo! Pasensya na sa pagong na update. Feeling ko, walang kaemo-emosyon tong chapter na to. Ang sabaw eh haha. Enjoy reading! Don't forget to vote. Hihi. Salamats! <3

~~

Pansamantalang hindi nakagalaw si Julie sa kaniyang pwesto. Nagulat nalang siya nang magsalita muli si Elmo.

"Julie.." Tawag sa kaniya ng binata.

Agad na humiwalay ang dalaga sa pagkakayakap ng kasintahan saka kunot-noong tumingin dito.

"B-bakit? Anong g-gagawin mo sa New York?"

"My doctor recommended na sa New York nalang ako magpatherapy." Elmo said sabay hawak ng mahigpit sa mga kamay ng girlfriend.

Pinaliwanag niya ang lahat kay Julie.

"Let's stay there for at least a month.."

"A month?" Hindi makapaniwalang tanong ni Julie.

He nodded. "Why?"

"Elmo, may teleserye nga ako." Naiinis na sambit ng dalaga. Tumayo ito at humarap kay Elmo.

Tingin ni Julie ay sobra naman na ang hinihingi ni Elmo sa kaniya. Gusto naman niyang makasama si Elmo eh, ang kaso may trabaho siya na hindi pwedeng iwanan.

"That's why I'm asking you na tanggihan mo yung offer!" Hindi na rin naman napigilan ng binata ang inis. Pakiramdam niya'y ayaw siyang suportahan ni Julie sa gagawin niya.

"Elmo, hindi gano'n kadaling tanggihan yung offer sa akin!"

"Bakit? Bakit hindi madali? Dahil ba si JC 'yang leading man mo?!"

"Fvck." Julie whispered. Mariin siyang napapikit bago muling tingnan si Elmo. "Paano na naman nasali si JC dito?"

"Oh bakit? Hindi ba?"

"Elmo, hindi ko na alam kung ano ba 'yang iniisip mo. Lagi nalang nasasabit si JC sa ating dalawa."

"It's because you're going to work with him and I am fvcking jealous!" Pigil ang pagtaas ng boses ng binata.

Tila naman nanlambot ang dalaga dahil sa sinabi ni Elmo. Hinawakan niya ang mga kamay ng binata habang nakatingin sa mga mata nito. "Babe, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na trabaho lang ang meron sa aming dalawa?" Mahinahong tanong niya. "Wala nang iba. Hanggang dun lang. Wala kang dapat na ikaselos."

"I can't help it, Julie Anne. Naiisip ko palang na siya ang leading man mo, halos sumabog na ako dahil sa selos. How much more kapag tinanggap mo na yung offer?" Bakas sa mukha ni Elmo ang pagsusumamo.

"Baby naman.. Kahit ano nalang na hingin mo, huwag lang 'to.."

"That's what I want." Elmo said plainly.

"Mahihirapan akong tanggihan yung offer dahil marami nang umaasa sakin." Paliwanag ni Julie. "Si Direk.. Si Kuya Eduard.. Yung ibang-"

"Paano naman ako? Hindi mo ba kayang tanggihan yun para sa akin?"

Saglit na napaisip si Julie at naalala ang trabaho ni Elmo. She let out a sigh before talking. "Ikaw? Would you sacrifice your job for me?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.

Nag-iwas ng tingin si Elmo sa kasintahan. "Uhm.. M-mag.." Kung kailan naman nakapagdesisyon na siya, saka siya kinakabahan. Huminga siya nang malalim. Baka magbago din ang isip ni Julie kapag nalaman ang gagawin niya. "Magpafile na ako ng r-resignation letter."

Hindi nakaimik si Julie sa narinig. Nagawa na ni Elmo ang gusto niya. Eh ang hiling ng binata? Maibibigay niya ba? "When?" Ang tanging natanong niya.

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon