Nagmamadaling tinungo ni Julie pinto at pinagbuksan ang binata. Ni hindi niya na nagawa pang ayusin ang itsura niya. Nakalimutan niya na atang namamaga pa ang mga mata niya.
"Moe!" Bungad niya sa binata.
"Julie Anne!" Sabay yakap nito sa dalaga. "Bakit ba hindi mo sinasagot yung phone mo? God! Sobrang nag-alala na ko sayo!"
Kumalas naman si Julie sa yakap ng binata. "Uhm.. S-sorry. Nakasilent kasi eh." Tanging sagot niya sa binata. "Why are you here?"
"Why am I here? Julie, dapat diba may date tayo tonight?"
"Yeah. Pero diba nagtext ako sayo?" Masungit na sabi ni Julie.
"Oo nga pero hindi ka naman nagreply sa text ko kung bakit eh. I was calling you pero hindi mo din sinasagot."
"Moe, kakasabi ko lang na nakasilent yung phone ko diba?" Feel na feel ni Julie na sungitan si Elmo. Gusto niya lang inisin ang binata. Pumunta siya sa kitchen para uminom ng tubig at sinundan naman siya ni Elmo. "Bakit ka pa nagpunta?"
"Nakausap ko si Maqui. Sabi niya may problema ka daw kaya pumunta ako dito."
"Huh? What time did you talk to her?" Takang tanong ni Julie.
"Kani-kanina lang. Nung nandun na ko sa labas ng unit mo."
"Weh? You're lying, Magalona. Bago ko buksan yang pinto eh kausap ko si Maqui."
"Hehe. Ganun ba?" Pilit na tumawa si Elmo.
"Yung totoo? Kanino mo nalaman na may problema ako?" Nagdududang tanong ni Julie.
"Hindi mo ba nararamdaman, Jules? We have a connection! Kaya nga bagay tayo eh." Banat ni Elmo. Kinindatan niya pa ang dalaga.
Eeh! Wala bang araw na hindi ako kikiligin sayo?
"Tigilan mo ko, Elmo ha. Seryoso ako." Seryoso siya pero may maliit na ngiti sa mga labi. Kung hindi niya pa pipigilan eh baka mahalata na ng binata na kinikilig siya.
"Alright. Nasense ko lang talaga na may problema ka. Ngayon ka lang naging ganito eh. Hindi ko sinasagot ung mga tawag and texts ko." Paliwanag ni Elmo.
"I'm sorry. Nadamay ka pa sa problema ko." Buntong hiningang sagot ng dalaga.
"It's okay, Jules. You can tell me what it is. Kung pwede lang, don't keep secrets from me. Please." Pakiusap ni Elmo. Alam niyang wala pa siya sa tamang posisyon para hilingin niya iyon kay Julie. Ang gusto niya lang ay masanay ang dalaga na magsabi sa kaniya kapag may problema ito. "Hindi rin ako magtatago ng secrets sayo, Jules. Promise." Sabay taas ng kanang kamay.
Hindi alam ni Julie kung bakit tango ang naisagot niya sa binata. Kung sabagay, darating din naman sa punto na kailangan nilang sabihin sa isa't isa yung mga tinatago nila. Hindi niya naman papayagan si Elmo na manligaw kung walang chance na sagutin niya si Elmo.
"Good. Now tell me everything, Babe." Sabi ni Elmo at inakbayan ang dalaga.
"Excuse me? Babe?!" Tinanggal niya ang kamay ni Elmo sa balikat niya at sinamaan ang tingin sa binata.
"Yes, Babe?" Pasimpleng tanong ni Elmo.
"Nako, Elmo ha. Tigilan mo ko sa kaka-babe mo na yan." Masungit na tugon ni Julie saka pa kinurot sa tagiliran ang binata.
"Haha. Joke lang naman, Baby." Biro nito. Muli niya na sanang aakbayan si Julie pero tinabig nito ang kamay niya.
"What?" natatawang tanong niya kay Julie.