Chapter Twenty-six

2.1K 54 6
                                    

AN: Walang kwentang update.

~~

Panay ang sulyap ni Elmo sa kasintahan habang natutulog ito sa couch. Nakahiga pa rin siya sa hospital bed at hindi maigalaw ang kanang hita dahil sa sobrang sakit.

Nagpresinta si Julie na magbantay sa kaniya. Umuwi muna kasi ang mga magulang niya dahil sa dami ng kailangang gawin sa trabaho.

Naalala pa ng binata ang unang sinabi sa kaniya ni Julie kanina nang magising siya.

"You scared me." Sabay iyak pa nito at yakap sa kaniya. Pati ang kanyang ina ay iyak ng iyak.

Ang hindi niya malimutan, ay ang sinabi sa kaniya ng doktor. Pinaliwanag sa kaniya ang kaniyang kondisyon. Maaaring hindi muna siya makalakad dahil sa sobrang lalim ng tama ng bala. Maswerte nalang daw siya kapag naghilom ang sugat sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo at hindi na kailanganin ng therapy.

Buong buhay niya bilang pulis ay ngayon lang siya nakaranas na mabaril. He's so lucky dahil buhay pa siya. Iyong iba kasi, isang tama lang ng bala ng baril, wala nang pag-asang mabuhay.

Narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Julie na nakalagay sa mesa, sa tabi ng kama niya. Kinuha niya ito at napakunot-noo siya nang mabasa ang text ni JC.

See you on saturday, Jules :)

"Anong meron sa saturday?" Bulong niya sa sarili.

Kasabay noon ay ang paggalaw ng dalaga. Nakatagilid ito ng higa, nakaharap sa kaniya kaya't kitang-kita niya ang unti-unting pagdilat ng mga mata nito.

Sa kaniya agad ang dako ng tingin ni Julie. Agad itong napangiti nang makita siya. Ginantihan niya ng ngiti ang kasintahan.

"Hi." Bati ni Julie. Nagtali muna ito ng buhok bago tumayo mula sa couch.

"Goodevening, Baby." Iniunat ni Elmo ang kaniyang mga braso, naghihintay na yakapin siya ni Julie.

"How are you?" Sambit ng dalaga pagkayakap sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo.

"I'm not okay, Babe." He said in a childish way.

Naiintindihan naman ni Julie si Elmo. Kanina, nang kausapin ito ng doktor ay nagpipigil lang ito na umiyak. Halata kasi sa mga mata at boses nito.

"You'll be fine, Baby.."

"Sana lang talaga. Ayaw ko namang umabsent sa trabaho ng almost a month." He sulked.

Humiwalay ng yakap si Julie sa kasintahan. Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Agatha. "Uh.. B-babe. Are you hungry?" Pag-iiba niya ng topic. Pumunta siya sa mesa saka ipinaghain si Elmo.

"I am, Jules." Maikling sagot nito.

Balak na iopen ni Julie ang tungkol sa pagpupulis ni Elmo habang kumakain ito.

Matapos maghain ng dinner ng binata ay inilagay niya ito sa hospital tray on wheels saka itinulak papunta sa kama.

"Hindi ka kakain?" Tanong ni Elmo.

Umayos muna ng pag-upo si Julie sa tabi ng binata. "After you."

"Baby, sabay nalang tayo.."

"No. Ako na magpapakain sayo. Dali." Nakangiting sambit ni Julie.

Wala nang nagawa si Elmo kundi sundin ang kasintahan.

"Babe.." Tawag ng dalaga.

"Hm?"

"Uh.. May sinabi sakin si Tita Agatha."

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon