"Good morning, Princess!" Bati ni Agatha sa apo ngunit nakasimangot ito at namumugto pa ang mga mata. "Oh. Did you cry? Why, Baby?" Nag-aalalang tanong niya.
Ngumuso lang si Maddie at tumungo sa sariling upuan.
"Baby, what happened?" Tanong ni Maxx.
Lahat sila ay nakapwesto na sa dining table upang mag-almusal.
Iling lang muli ang isinagot ng bata.
"Grandma made pancakes for you pa naman." Pang-aalo ni Agatha sa apo.
"Really, Ma? Pancakes are just for Maddie lang? Not for Tita Saab or Tita Maxx or Papa or Mommy Julie?" Tanong ni Saab na para bang hinihikayat ang pamangkin na ngumiti.
"Of course. I made these for my baby girl lang." Lumapit si Agatha kay Maddie na nasa tabi ni Julie. "Smile na, Baby." Saka niya ito niyakap at hinalikan. "Bahala ka. You started your day na nakasimangot? Nakasimangot ka pa rin hanggang mamayang gabi. Papangit ka niyan."
And that statement caught the little girl's attention. "Really, Grandma?" She creased her forehead. "I don't wanna look ugly for the whole day." Apela nito.
"Oh. Edi smile ka lang so you won't look ugly. Tingnan mo si Tita Saab, she's so ugly oh. Huwag mo gagayahin si-"
"Hey, Mom. Foul na yan!" Angal ni Saab saka nagtawanan silang lahat.
"Okay, I will smile na." And she gave them her sweetest smile.
"So.. Mommy Julie, why did our princess cry?" Tanong ni Nathaniel.
"She wanted to go with me in Davao next week, Pa eh." Nilagyan niya ng pancake ang plato ni Maddie.
"Mommy doesn't want me to go with her, Grandpa." Sumbong ng bata.
"Eh kasi po mommy will be there for business po." Sagot ng matandang lalaki. "Hayaan mo, bago matapos 'tong summer vacation we will go there. Okay ba 'yun?"
"See? Told you, Maddie." Sambit ni Julie.
"But I really want to go there with mommy."
Lahat sila napatingin kay Maddie at napatigil sa pagkain. Pano kase, nakanguso na ito at alam nilang susunod na gagawin ng bata ay ang umiyak.
At tama nga, may tumulo na ngang luha mula sa mga mata niya.
"Gosh, Julie. Best actress talaga yang si Maddie. Mana sa'yo. Haha." Maxx said.
"Jules, huwag ka na magtampo. Hindi mo nga kamukha si Maddie, kasing galing mo naman umarte." Sambit naman ni Saab habang nakangisi kay Julie.
"M-mommy, please." Maddie wiped her tears. "Mommy, promise. If you'll let me come with you, hindi po ako makulit. I'll obey all your rules."
Napangisi nalang din si Julie. Kaya niya bang tanggihan ang cute na cute niyang anak na nagpapaalala sa nag-iisang lalaking mahal niya? Syempre hindi.
"Stop crying or else di kita papayagan."
Pinilit ni Maddie na tumigil sa pag-iyak ngunit hindi niya mapigil ang paghikbi.
"Madison."
"I'm trying to stop, M-mommy." Saka muli itong humikbi.
Natawa silang lahat dahil sa inasal ng bata.
"Gahd, Maddie! You're so cute!" Gigil na sambit ni Maxx.
Kinalong ni Julie ang anak at niyakap ito. Maddie hugged her back. "I'm sorry if Mom made you cry." She kissed her head.
"It's okay, Mom.. Thank you and I love you."