Chapter Forty-eight

2.3K 83 19
                                    

"Maddie, where do you wanna go after we eat? Gusto mo ng toys diba? Come on, tapusin na natin 'tong lunch para makabili na tayo." Yaya ni Julie sa anak matapos nitong sambitin ang pambihirang request nito.

"Mommy, you're changing the topic again." Nakalabing tugon ni Maddie.

Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Ah.. Eh. Ano kasi, Baby, hindi naman gano'n kadali magkaroon ng baby brother or baby sister." Paliwanag ni Julie. "H-hindi naman kasi nabibili ng money 'yong baby. I mean--"

"Really? Eh pano po ba 'yon ginagawa?" Inosenteng tanong ng bata.

Napasapo ng noo si Elmo saka yumuko. Malapit na naman kasi siyang matawa.

Napapikit naman si Julie.

"Maddie, we'll explain it to you later ha? Hindi mo pa kasi maiintindihan 'yon, Baby eh. Basta promise ni Daddy, magkakababy brother and baby sister ka na next year." Pangako ni Elmo habang nakangisi itong nakatingin kay Maddie. Kinindatan pa niya ang anak.

"Anong promise?!" Gulat na tanong ni Julie Anne.

"Yay! Thank you, Mommy and Daddy!" Masayang sambit ni Maddie saka niyakap ang ina.

"Wala bang hug si Daddy?" Pagtatampo ni Elmo.

Tumayo naman si Maddie saka lumapit sa daddy niya at niyakap ito.

"What was that, Elmo?" Tanong ni Julie paglabas nila ng resto.

"Julie, forget it, Will you? Sinabi ko 'yon para hindi na tayo kulitin ni Maddie. Saka alangan namang sabihin natin na 'I'm sorry, Baby, pero hindi ka na pwedeng magkaroon ng kapatid. Hindi na kasi pwede. Hindi na magkakaayos si Mommy at Daddy.'. Edi lalong nagwala 'yong bata. Saka huwag mo nang inindihin 'yon, hindi naman na talaga natin siya mabibigyan ng kapatid diba?"

Natulala si Julie sa sinabi ni Elmo. Hindi niya na namalayan na nawala na pala ito sa harap niya at kasama na ni Maddie na nauna nang maglakad.

~~

"Moe.." Kanina pa ginigising ni Julie si Elmo ngunit puro ungol lang ang isinasagot ng lalaki. "Elmo naman eh."

"Uhmm.."

"Magalona!" Pabulong niyang sigaw. Nasa gitna kasi nila si Maddie at alas kuatro pa lamang ng umaga. Ayaw niya namang magising ng ganito kaaga ang anak nila.

Finally! Iminulat na ng binata ang mga mata nito.

"B-bakit ba?" Inis na tanong ni Elmo saka humikab saka ulit pumikit.

"I have a problem."

Dumilat si Elmo saka kunot-noo siyang tiningnan. "Seriously? You have a problem ng ganitong oras? Well, me too, Julie. Inaantok ako. Pwede ba mamaya na 'yan?" Masungit na tugon nito.

"Moe, I need to go to Laguna. Ngayon na!" Hindi niya na napigilan ang pagtaas ng boses. Tumayo siya't dumiretso na lamang sa bathroom.

"Wait. Wait, Julie!" Hinabol ni Elmo ang dalaga ngunit nailock na agad nito ang pinto. "Hey! Bakit ka pupunta sa Laguna? Today is saturday, Julie. Family day ngayon sa school ni Maddie!" Sabi niya habang patuloy na kinakatok ang pinto.

"Moe, saglit lang ako. May problema sa branch ng MC sa Laguna. Kakatawag lang ng branch head and I need to be there. 9am pa naman 'yong family day diba? Hahabol ako, Elmo." Julie explained as she open the door.

Hindi naman makapaniwala si Elmo sa babae. Ramdam ni Elmo ang pagbawi ni Julie sa kanilang dalawa ni Maddie nitong mga nakaraang araw. Laging ito ang nagluluto ng breakfast at maaga nang umuuwi para naman magluto ng dinner samantalang siya naman ay malamig pa rin ang pakikitungo sa dalaga. Pero sa ganitong pagkakataon, mas uunahin pa ba nito ang business kaysa sa anak nila?

My Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon