"Goodmorning, SPO2!" Bati ng janitor kay Elmo nang makita itong bumaba ng kotse sa parking lot ng headquarters.
"Goodmorning, Mang Jun!" Balik ng binata na may kasamang ngiti.
"Nagbilin po pala si Chief na papuntahin po kayo sa opisina niya pagdating niyo. Pati po si SPO1."
"Ah.. Sige. Diretso na ako dun. Pakisabihan nalang si SPO1 ha."
"Sige ho."
Pumunta si Elmo sa opisina ni Chief Hernandez. Naabutan niya itong nagbabasa ng newspaper at may kape pa sa mesa.
"Goodmorning, Chief." Bati ni Elmo at sumaludo.
Itinupi ni Chief Hernandez ang diaryo na binabasa saka tumayo at sinaluduhan ang binata. "Magalona. Maupo ka. Nasaan si Gonzales?"
"Hindi pa po dumarating. Ano ho ba ang pag-uusapan natin, Chief?" Tanong agad ni Elmo.
"Kumusta na yung pagreresearch niyo sa kasong ipahahawak ko sa inyo?"
"Ayos naman, Chief." Sagot nito at ayos ng upo. "Nalaman na po namin halos lahat ng kailangan naming malaman ni SPO1 Gonzales.
"Good. Sinasabi ko lang sayo, Magalona, na ang ireraid ninyong pasugalan ay ang pinakamalaking pasugalan dito sa Maynila. Hindi basta-basta ang mga taong nasa likod ng pasugalan na 'to." Babala sa kaniya ni Chief.
"Alam ko na ho. Nakagawa na rin kami ni SPO1 Gonzales ng strategy para ho mapasok yung pasugalan."
"Maraming pasikot-sikot sa Tondo, Magalona. Siguradihin mong napag-aralan mo ng mabuti yung lugar na iyon at kapag maganda ang kinalabasan ng kasong ito, maaaring madestino ka na sa Cebu. Iyon ang promotion na naghihintay sayo, Magalona. Mas mataas na posisyon ang naghihintay sayo doon." Banggit ni Chief Hernandez. "Ano ba ang balak ninyo?"
Hindi kaagad nakasagot si Elmo sa tanong ng Hepe sa kaniya. Ang rumehistro lang kasi sa isip niya ay ang binanggit nitong promotion. Matagal na siyang naghihintay ng promotion ngunit hindi niya akalain na sa malayong lugar pala ito naghihintay sa kaniya. Hindi niya ata makakayang lumayo pa sa pamilya niya. Kahit naman may sarili na siyang tirahan ngayon ay iba pa rin kung sa malapit lang niya bibisitahin ang mga magulang niya. At ang isa pa niyang inaalala ay si Julie.
Sakto namang pumasok si SPO1 Gonzales bago pa makasagot si Elmo.
"Goodmorning ho, Chief. SPO2 Magalona." Bati nito sa dalawa.
"Maupo ka rito, Gonzales."
Pinag-usapan ng tatlo ang gagawin nilang raid sa isang pasugalan sa Tondo. Sinabi lahat nina Jay at Elmo ang kanilang plano para sa gagawing pagsugod sa lugar.
"Oh pano? Next week ay dapat magmeeting na tayo kasama ng mga back up ninyo para sa raid. Balita ko eh tuwing biyernes ng gabi pumupunta doon yung may-ari ng pasugalan." Tumayo si Chief Hernandez pati na rin sila Elmo. Hinatid ng Hepe ang dalawang binata hanggang sa pinto ng kaniyang opisina.
"Oho, Chief. May nagbigay na rin po ng ganyang tip sa amin." Sagot ni Jay.
"O sige. I'm counting on you, Gentlemen. Sabihin niyo lang kung ano pa ang kailangan niyo."
"Alright, Chief."
Sumaludo ang dalawang binata pagkalabas ng opisina nito at ginantihan naman sila ng Hepe. Nagtungo sila sa kanilang opisina at pinag-aralan mabuti ang plano para sa kaso.
~~
"Hi, Mom!"
"Hi, Jules! How are you?" Tanong ni Dianne sa anak. Magkausap ang dalawa sa skype dahil na rin sa pakiusap ng dalaga sa ina. Namimiss niya na kasi ang mga ito at gusto na niyang makasama.