Elmo is staring at the ceiling. Hindi na siya pinayagan ni Julie na umuwi dahil na rin sa sobrang lakas ng ulan. Naisip niya bigla ang pag-uusap nila ng ina ng dalaga at kung bakit nga ba siya pumayag sa pabor na ipinakiusap ng ina ni Julie sa kaniya..
Flashback..
Kasalukuyang nasa Amerika si Elmo para sa isang training na parte ng kaniyang trabaho. Sakto namang naroon din ang ina niyang si Agatha upang bisitahin ang matalik na kaibigan. Tinawagan niya ang ina at nagdecide na magkita sila sa isang restaurant malapit sa training camp ng binata.
Exactly 6 o'clock in the evening, Elmo arrived at the restaurant and saw his mother together with a lady. Ito na marahil ang kaibigan ng kaniyang ina. Tantiya niyang magkasing edad lang ito at si Agatha.
"Hi, mom!" Bati ni Elmo sa kaniyang ina.
"Hi, son! I missed you." Nakangiting tugon ni Agatha sa anak at yumakap sa binata.
"I missed you, too, mommy." Lambing ni Elmo sa kaniya.
"Ay Anak, I want you to meet my old friend, Dianne. Dianne, this is my youngest, Elmo Moses."
"Hi, Elmo." Nakangiting bati ni Dianne.
"Uhm.. Hi po. You can call me Moe, Tita." Nahihiyang balik ni Elmo.
"Alright, Moe."
"So, c'mon! Let's eat, anak. Kami na nag-order ni Tita Dianne mo para sayo." Yaya ni Agatha sa anak at nagsimula na silang kumain. "How are you here, Moses? Hindi ka naman ba nahihirapan? Kumakain ka pa ba sa tamang oras? Baka napapabayaan ko na sarili mo ha." Sunud-sunod na tanong nito sa binata na halatang may pag-aalala.
"Haha. I'm good, Mom. Hindi naman ako masyadong nahihirapan and I always make sure na sa tamang oras ako kakain. And no, Mommy, hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko." Paninigurado ni Elmo sa kaniyang ina.
"Uhm. Mom, Tita.. Pano po pala kayo nagkakilala? Kase Tita, parang ngayon lang kita nakita eh." Usisa ni Elmo sa magkaibigan."Ahh yeah. Sina Kuya Frank, Ate Maxx and Ate Saab mo lang ang nakilala ko." Panimula no Dianne. "We've been friends since uhm.. We were college? College right, mare?" Tanong pa nito kay Agatha.
"Right. Kami ng dad mo yung unang kinasal. Hanggang sa magkaroon na nga kami ni Daddy mo ng Frank, then Maxx and Saab and while I was pregnant with you, your Tita Dianne and her husband got married. Then after that.. Nawalan na kami ng communication." Paliwanag ng ina ni Elmo.
"Ahh." Patangong reaksiyon ng binata. "Eh pano ulit kayo nagmeet?"
"Sus! Tanatanong pa ba 'yan? San pa ba?" Natatawang tanong ni Dianne.
"Facebook!" Agatha said while laughing.
"Haha. Okay. Mga bagets ah." Pang-aasar ng binata sa magkaibigan.
"Anyway, Moe.. Pulis ka daw sabi ng mommy mo?"
"Yes, Tita." Nakangiting tugon ni Elmo.
"So.. Kumusta naman ang pagiging pulis? Hindi ba delikado?" Tanong ni Dianne.
"Delikado, Tita. Hindi naman yun mawawala sa field na kinabibilangan ko. But I'm enjoying this. I'm happy."
"Alam mo ba, mare.. Nang magdesisyon yang bata na iyan na maging pulis eh sobrang tutol yung ginawa ko? Jusko! Gusto ata ng batang ito na atakihin ako sa puso kapag nalalaman kong may mga operation at raid silang pinupuntahan!" Himutok ng ina sa kaibigan nito. Ramdam niyang hindi pa lubusang tanggap ng ina ang propesyon na kaniyang pinili. Ngunit sa kabila ng pagtutol nito ay ipinararamdam pa rin ng ina ang pagsuporta sa kaniyang anak at ito ang ikinatutuwa ng binata.
BINABASA MO ANG
My Right Kind Of Wrong
Fiksi PenggemarA perfect mistake that leads them to forever..