Chapter 16: A date and The Spies

59 3 0
                                    

A/N: Yllana and Grey nasa taas/gilid :)

Yllana's POV

"Hoy! May klase pa ako! Hindi mo ba alam na kidnapping tong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya habang pilit pa ring inaalis ang braso ko sa pagkakahawak nya. Andito na kami ngayon sa parking lot. Kainis. Well, kinikilig naman ako ng konti. Hihi.

"Pinaalam na kita sa principal niyo." Sagot naman nya sakin.

Pinapasok nya na ako sa kotse nya at sinensyasan ang driver nya na umalis. Saan ba kami pupunta?

"Hoy! Saan ba tayo pupunta?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.

"Easy easy, laway mo tumatalsik." Tss. Hindi naman nya sinagot yung tanong ko ei. "Sa Cebu." Nanlaki ang mga mata ko. Sa cebu?! Anong gagawin namin dun? Ang layo nun aa.

"ANO?!" Biglang napabrake si Manong Driver pagkasigaw ko. Natawa sya sa pagsigaw kong yun. "Anong tinatawa tawa mo dyan? Tingin mo ba okey lang sakin pumunta sa ganung kalayong lugar?!" Sigaw ko pa sa kanya. Kung sya naman kasi ang kasama ko. He can bring me anywhere he wants.

"Joke lang. Dun lang tayo sa airport." Nakangiti naman nyang sinabi.

"Huh?! Akala ko ba hindi sa Cebu? Pero sa airport tayo pupunta? Baliw ka ba?" Sigaw ko pa rin sa kanya. My Goood! Itatanan nya ako. Sheyt.

"Ako lang aalis, tanga." Sabi niya sabay pitik sa noo ko. Napahawak na lang ako sa pinitik nyang noo tsaka nagsalita.

"Saan ka naman pupunta? Tsaka bat kailangan pa akong kasama ei, ikaw lang pala ang aalis." Pokerface kong sinabi. Ano ba yan! Nagassume pa naman ako.

"Uyy, nag-assume na isasama ko talaga sya. Hahaha!" Tumatawa nyang sinabi. "Gusto mo bang sumama?" Tanong niya.

OO! Gustong gusto ko! "Hindi ko nga alam kung saan ka pupunta ei." Seryoso kong pagkakasabi. Please lang pilitin mo ako.

"Sa France." Nakatingin nyang sinabi sakin. "Duon kasi itetaping yung susunod kong serye." Dugtong niya. Nalungkot ako sa sinabi niya pero siguro lungkot lang dahil fan niya ako. "Nalungkot ka? UYY! Mamimiss niya ako!" Inaasar nyang sinabi.

"Akala ko ba liligawan mo si Calla? Susuko ka na?" Tanong ko sa kanya. Mula sa ngiti ay bigla siyang sumeryoso.

"Ayokong sumuko but ayun yung gusto niyang gawin ko. May iba na daw syang gusto. Ano pa bang choice ko kundi let her go." Pinilit niyang ngumiti sa harap ko pero alam kong peke iyon.

Napansin niyang nalungkot ako sa sinabi niya. Sa totoo lang kasi parehas na parehas sila ni Andy ng ugali kaya nung nalungkot sya parang nalungkot na rin ako.

"Tayo na lang kaya?" Bigla nya akong tinitigan. Kung pwede lang akong umuo gagawin ko na ei, kaya lang may iba rin akong gusto at isa pa alam ko namang nagbibiro lang sya ei.

"Tanga ka ba? Sa ganda kong to? Papatol ako sayo?" Sabi ko sabay turo sa mukha ko. Natawa na lang sya sa sinabi ko.

"Sir, andito na tayo." Sabi ni Manong Driver kay Sean.

"Samahan mo naman ako sa loob ng airport." Nagpapaawa nyang sinabi. Tumango na lang ako at sumabay sa paglabas nya ng pinto. Pagkalabas na pagkalabas nya ng pinto ay sumalubong samin ang napakaraming flash ng camera, napakarameng microphones, at mga babaeng nagtitilian. Hinarangan na lang ito ng mga securities hanggang makapasok kami sa loob airport.

"Bakit ka late? At sino yan?" Tanong ng baklang mataba na kamuka ni Shrek habang pinapaypay ang pamaypay nya.

"Sorry, direk. May pinuntahan pa kasi ako ei." Nagpacute nyang sinabi.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon