Chapter 19: Plans starts

65 3 0
                                    

A/N: Andy, Yllana, Grey, at Zam nasa taas/Gilid. :)

Andy's POV

Natunganga ako kay Yllana. She's so different yet so beautiful, wearing her glossy red dress, perfect make-up, and beautiful hair. Sobra syang nagbago. Sobrang ganda niya.

"Uy, laway mo." Narinig kong bulong sakin ni Zam.

"Sorry." Nauutal ko namang sinabi. "Hello, Guys!" Sigaw ko sa kanila habang kinakaway kaway ang kamay ko. Wala akong nakuhang sagot sa kanilang dalawa. Tinignan lang ako ng masama ni Grey samantalang si Yllana naman ei umiwas lang ng tingin sakin.

"Tara na sa loob!" Sabi ni Jake sabay akbay kay Yllana at Grey. Sumunod na lang kami ni Zam. First time kong makapasok sa gantong bahay, hindi ko ineexpect na may ganito palang bahay.

"Ang ganda mo ngayon aa." Bulong ko kay Yllana na nasa harapan ko.

"Salamat." Bitin naman nyang sagot sabay lapit kay Calla. Bigla akong nalungkot. Hindi ako sanay na ganito kami ni Yllana, pero I should be happy right? Kasi kahit papaano gumagana ang plano namin.

"Oy, huwag ka ngang sibangot dyan. Sayang naman yung ginastos ko sa pagaayos dyan sa mukha mo kung sisibangot ka lang dyan." Narinig kong sinabi ni Zam. "Lets do another part of our plan, shall we?" Dugtong niya pa.

"Ano naman yun?" Takang tanong ko. Wala kasi kaming plano na gumawa ng plano ngayon sa party ni Jake sabi niya kasi baka magkagulo daw kami at masira namin yung party ni Jake.

"Well, hindi naman dapat talaga tayo gagawa ng plano ngayon kaya lang mukhang mahihirapan magmove-on si Grey ei at isa pa andito rin si Yllana this is the perfect place para pagselosin siya" Pagpapaliwanag naman niya sakin. Tumango tango na lang ako sa sinabi niya.

"So, anong plano ngayon?" Tanong ko.

----------------------------------------------------------

Yllana's POV

Kikiligin ba ako o maaasar? What should I feel? Mukang tanga kasi si Andy pupuriin yung damit ko tapos makikipaglandian ulit kay Zam. Napakalandi talaga.

"Ahmm, Yllana may something ba si Andy at Zam?" Nagulat ako sa tanong ni Calla sa akin. Andito kami ngayon sa bench na nasa gilid ng pool.

"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko naman.

"Naririnig ko kasi sa iba nating classmates na si Andy daw ang dahilan ng break up nila Grey at Zam tsaka isa pa sobrang close nila this past few days." Pagpapaliwanag naman nya. "May nasabi ba si Andy sayo?" Tanong niya.

"W-wala ei, hindi na nga kami masyadong naguusap ngayon." Sagot ko naman sa kanya. Tumango na lang sya. Nanuod na lang kami sa ibang bisita na nagswiswimming.

"GGSS, We need to talk." Nagulat ako ng biglang hablutin ni Grey ang braso ko.

"Ano na naman?!" Pagrereklamo ko.

"Just come." Suplado naman nyang sinabi. Tumayo na lang ako at nagpaalam muna kay Calla. Hindi na nga kami masyadong nakakapagbonding ni Calla ei. Panira naman tong si Grey. Tss.

Nang makalayo na kami sa mga bisita ay tsaka na kami nagusap.

"Ano?!" Sigaw ko.

"We need to do our job here." Sagot naman nya sakin.

"Ano bang plano? Plano ka ng plano dyan, wala ka namang sinasabi sakin." Pagtataray ko naman. Nakakainis na sya.

"Okey, so here's the plan." Sabi niya sabay bulong sakin.

----------------------------------------------------------

Zam's POV

I dont know what to do. Wala naman kasi talaga sa plano namin ang gumawa ng plano ngayong birthday ni Jake. What to do?! Pumunta na lang ako sa banyo para magpalit ng bathing suit ganun din naman ang ginawa ni Andy. Wala na kaming ibang choice kundi ito na lang.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon