Chapter 8: What?! Motel?!

166 17 0
                                    

A/N: Inspired po to ng dramang The heirs, pero inspired lang. Kumuha lang ako ng idea, kaya wala po sanang magkocomment ng ginaya ko tong chapter na to sa The Heirs. Hindi ko naman ginaya yung exact scenes. Kumuha lang ako ng idea. Yun lang po. Hindi ko na po to naedit nagmamadali na po kasi ako ei. Salamat! Yllana at Grey po ang nasa gilid/taas. :)

-------------------------------

Yllana's POV

Inunat ko ang mga braso at paa ko. Aray, ang sakit pa rin ng mga muscle ko sa katawan lalo na yung sa binte ko. But, to be honest kung ano man tong hinihigaan ko, nakakatulong sya aa. So fluffy! Niyakap ko ng mahigpit ang unan na nayakap ko. Ayoko pang dumilat. Ang sarap kasi sobraaaa! Ikaw ba naman maglakad sa loob ng apat na oras tapos ito yung sasalubong sayo. Heaven. Ngumingiti pa ako habang yakap yakap ko ang unan. Ang lambot talagaaa!

"Hindi ka ba talaga didilat." Isang boses na medyo pamilyar sakin ang narinig ko. Ang lamig ng boses nya. Asa langit na ba ako? Kaya ko ba naeexperience ang gantong comforts? "Hoy! Tss." Sigaw nya. Ano ba tong anghel ko. Napakakontrabida.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang akala kong anghel ko. Erase! Erase lahat ng sinabi ko. Hindi to langit. Impyerno to! Tinaasa ko ang kumot ko sa bandang dibdib ko. "Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.

"Is that the proper way to say thank you." Ano daw? THANK YOU? Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?

"Hoy, para sabihin ko sayo. Wala akong dapat ipagpasalamat sayo." Masungit kong sinabi sabay talukbong ng kumot ko.

"Natanggap ako ng thank you, but it looks like ayaw mo. Kaya bayaran mo na lang ako." Sabi niya sabay liyad ng palad nya sa harap ko. Ano bang sinasabi nito? Alam niyo ba?

Inalis ko ang pagkakakulambo ko at kinagat ang daliri nya.

"What are you doing?!" Galit na sigaw nya habang inaalis ang kamay nya sa bunganga ko.

"Baka kasi nababaliw ka na ginigising lang kita!" Sagot ko naman sa kanya.

Tumayo sya mula sa pagkakaupo nya sa harap ko. "Kung ayaw mong magabayad o magsorry, you can leave. Hindi mo naman kailangang kagatin ang kamay ko." Lumabas sya pagkatapos nun. Ano bang problema nun?

Bumangon na ako sa sofa. Oo, sa sofa nya ako pinatulog. Nilibot ko ang mata ko. Nakita ko ang isang malaking kama katabi nun ang maliit na drawer tas sa kanan ng drawer yung pinto na nilabasan ni Grey. Nakakita rin ako ng isa pang pinto na satingin ko papuntang banyo. Asan ba ako?

Lumabas ako sa pinto kahit nakapanjama lang ako. Sumilip ako sa kanan at kaliwa pero wala namang tao. Anong oras na ba? Tsaka bakit ako nakapanjama? Sinong nagpalit sa akin? Napapasok ulit ako sa loob at nagsisigaw ng marealize ko ang lahat. Si-si Grey, pinalitan nya ako ng damit ibig sabihin nakita nya? "Aaaaaaaaaaaa!"

Biglang may pumasok na babaeng nakaputi. Yung suot nya yung parang sa mga hotel, pero... Pero.... Yung suot nya.... May tatak.... Na.... So.. Go..

"AAAAAAAAAAAAAA" Napasigaw ulit ako. Anong ginawa sakin ni Grey? Pinagsamantalahan nya ba ako habang mahimbing akong natutulog? Pero ayon sa pagaaral ko sasakit yung ibabang parte ko kung 1st time pero bakit parang hindi naman masakit yung akin?

"Miss, please calm down po. Naiistorbo niyo na po ang ibang customer." Sabi ng babaeng nakared.

"How can I calm down?! Ni hindi ko nga alam kung virgin pa ako ei." Sigaw ko sa kanya.

"Miss, sure po akong virgin pa kayo. Dahil dalawang kwarto po ang inupahan ni sir Guevarra." Sagot naman ni Girl in Sogo uniform.

"A-asan ba ako?" Mas maganda ng nakakasiguro. Malay niyo panaginip ko lang pala to, diba?

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon