A/N: Yllana at Grey nasa taas/gilid. Di ko na po naedit to. Hahha sorry.
Jake's POV
Andito ako ngayon sa bahay nila Grey kasama sila Yllana at Calla. Naggrugroup study kami para sa dadating na quiz. Its been 3 days since malaman ng buong campus na nililigawan na ni Grey si Yllana. Wala naman akong nakikitang mali sa pagliligawan nila but to see na nagkagusto agad si Grey sa ibang babae it cant help me but to think na may mali.
"Guys, tara swimming sa sabado." Pagbasag ko sa katahimikan. Nitong nakaraang mga araw kasi parang hindi na gaanong naguusap sila Yllana at Calla.
"Thats sounds great, Jake." Pagsangayon naman ni Grey sakin.
"Hindi ako pwede may monthly exam na tayo next week." Sabi ni Yllana sabay balik sa pagsusulat niya.
"Ang KJ naman nito! Sa friday pa naman yung exam natin aa. Pwede ka namang magreview sa wednesday o thursday." Sabi ko sa kanya sabay gulo ng buhok niya. "Bilis na Yllana! Ang panget naman tignan kung aral ka ng aral tas in the end mas mataas pa rin ang makukuhang score sayo ni Grey, diba?" Bigla syang napatingin sakin.
"Sige na sige na." Tumango tango nyang sinabi.
"YEHEY!" Parang bata ko namang pagdiriwang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yllana's POV
Kasama ko ngayon si Grey pauwi ng bahay. Ihahatid nya daw ako. Sobrang effort nya aa, fake lang naman lahat ng to. Hindi na sana ako sasama sa swimming sa saturday pero tinignan ako ni Grey ng thisistheperfectplaceforourplan look. Hindi ko alam kung paano sya gagawa ng plano sa lugar na yun ei wala naman sila Zam at Andy dun.
"Hoy, bakit mo pa ba ako hinatid?!" Mataray kong tanong sa kanya.
"Diba nga nililigawan kita." Sagot naman nya sakin.
"Kunwaring nagliligawan." Sabi ko naman sa kanya. "Anong plano mo sa saturday? Hindi naman kasama sila Andy at Zam aa paano mo gagawin yung plano naten?" Tanong ko pa.
"Basta just wait and see." Nakangiti naman niyang sinabi sakin.
Bumaba na ako sa motor nya at binigay ang pink na helmet na suot ko.
"See you tomorrow." Sabi niya sakin ng nakangiti.
"See you." Nakangiti ko namang sinagot sa kanya. Pinaandar nya na ang motor nya pero ilang metro pa lang ang layo nya ay bigla syang bumalik.
"Good Night!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko ng matagal. Nastroke lang ako sa ginawa nya. Nanlaki ang mga mata ko at biglang inatake sa puso. "I saw Andy papunta sya dito, so stay. Dont you dare do any moves." Tumango tango lang ako. "Alam ko namang gusto mo rin to ei." Natatawa niyang sinabi. Bwiset tong lalaking to.
Nang makadaan na sa harap na namin si Andy ay nagbatian lang kaming tatlo.
"Uy, Good evening Yllana." Sabi ni Andy samin.
"Good evening." Sagot ko naman sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito, Tol?" Tanong ni Andy kay Grey.
"Wala lang. Alam mo na kapag nanliligaw ka sure naman akong ginawa mo rin to kay Zam." Sagot naman ni Grey sa kanya. "Unless si Zam ang naghahatid sayo." Nakasmirk na sinabi ni Grey. Fudge naman naguumpisa na naman sya.
"Yeah you're right. Si Zam talaga ang naghahatid sakin ganun kasi sya kapatay na patay sakin. She even break up with her 1 and a half year boyfriend para lang maging boyfriend ako." Nakaevil smile namang sagot ni Andy. Nagulat ako ng biglang suntukin ni Grey si Andy sa mukha parang nanigas ang mga paa ko at hindi ako makagalaw. Sinundan niya pa ito ng ilang suntok samantalang si Andy ay hindi gumaganti. "Grabe ka naman Grey, ganyan ba ang ipapakita mo sa babaeng nililigawan mo." Pinunasan ni Andy ang ilang dugo sa labi niya. "Kaya naman pala iniwan ka ni Zam." Ngumisi sya ng sabihin niya yun. Nagulat ako ng biglang suntukin ulit ni Grey si Andy sa mukha.
BINABASA MO ANG
MISSION FAILED: The Hater Just Fall in Love
Teen FictionWanna know what will happen once a hater fall in love? When the Hater fall, Will she still be a Hater? or She will be his lover? Welcome sa malawak na imahinasyon ni Mr.SkaiiGray! at sa magulong story nila Grey at Yllana! Enjoy reading the MISSION...