A/N: Andy and Grey nasa taas/gilid :)))
Yllana's POV
Kakarating lang namin sa bahay nila Ariel at Grey. Wala na silang ibang ginawa kundi ang pagtulungan ako sa pangaasar sakin. Bwiset tong batang to! Hindi naman to ganto kapag walang ibang tao sa bahay ei.
"So, bakit si Ate ko yung nililigawan mo? Wala ka na bang ibang choice?" Tanong ni Ariel kay Grey. Napakasalbahe talaga ng batang to.
"Hindi naman sa walang choice, baby pero medyo ganun na rin." Ngingiti na sana ako sa sinagot ni Grey biglang bawi lang. Inis.
"Hahaha! Your so funny talaga, Kuya! Im going to be happy kung magiging kayo talaga ng Ate ko." Natatawang sinabi ni Ariel. As if magiging kami talaga.
"Sabihin mo kasi sa Ate mo sagutin na ako." Tumingin sakin si Grey pagkasabi niya nun. Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko.
"Hoy! Kayong dalawa! Andito kaya ako!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. I cant handle this pati si Ariel niloloko niya na sa mga pinagsasasabi niya. "Ikaw Grey, Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Grey.
"I still waiting for someone." Nakangiti naman nyang sinabi. Someone? May bisita pa bang pupunta dito? Ganun na ba ako naging kafamous simula ng sumama ako kela Grey?
"YLLANA?!" Narinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang lalaki.
"Its look like his here." Nakasmirk niyang sinabi sakin. So, sya yung hinihintay niyang dumating? Lumabas na ako sa bahay at sinalubong si Andy sa gate.
"Naparito ka." Simpleng sabi ko.
"Narinig ko kasing may sakit ka kaya dinalhan kita nito oh." Sabi niya sabay pakita ng nga prutas na binili niya.
"Aa, akin na salamat aa." Nakangiti kong sinabi sabay kuha nung mga prutas.
"Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?" Tanong niya sakin. Ano bang meron sa bahay namin at lahat sila ay gustong pumasok sa loob? -_-
"Ahmm, may bisita rin kasi ako ngayon ei but if you insist." Sagot ko sa kanya. This is the perfect time para malaman kung magseselos sya kay Grey. *evil laugh*
Pinapasok ko na sya sa loob ng bahay namin. Nagulat sya ng nakita niya si Grey sa isang sofa namin habang nakadekwatro.
"Oh, Andy." Tumayo si Grey ng makita nya si Andy. Kunwari pang hindi alam. Sya pa nga ata nagplano nito ei. "Napabisita ka." Nakafake smile na sinabi ni Grey.
"Aa, Oo narinig ko kasing may sakit si Yllana ei." Sagot naman ni Andy sa kanya. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ni Andy sa kanya.
"Same reason ng iyo. Tsaka ganito naman talaga ang mga nanliligaw diba?" So, the plan starts here.
"Nanliligaw?" Nanlaki ang mga mata ni Andy sa narinig niya.
"Kuya Andy, you dont know what's the meaning of nanliligaw?" Singit ni Ariel. "Yung nanliligaw yun yung haharanahin mo yung babae, bibigyan mo ng chocolates, flowers, o kahit anong favorite item ng babae para maging girlfriend mo sya." Feeling teacher namang pagpapaliwanag ni Ariel.
"Yup nung sabado pa." Sabi ni Grey kay Andy. "I heard na nililigawan mo daw si Zam. Good for you." Sarkastikong pagkakasabi ni Grey.
"A-aa, Oo sayang naman kasi si Zam diba? Ideal girl ng lahat ng lalake. I wonder nga kung bakit mo pa sya pinakawalan." Naramdaman ko ang paginit ng tensyon sa bahay. Hala, magaaway na ata sila.
"I love her thats why I set her free. Hindi naman ako ang nakipag-break. Sya." Sabi naman ni Grey kay Andy.
"Pero bakit hindi mo siya pinaglaban?" Tanong ni Andy sa kanya.

BINABASA MO ANG
MISSION FAILED: The Hater Just Fall in Love
Teen FictionWanna know what will happen once a hater fall in love? When the Hater fall, Will she still be a Hater? or She will be his lover? Welcome sa malawak na imahinasyon ni Mr.SkaiiGray! at sa magulong story nila Grey at Yllana! Enjoy reading the MISSION...