Chapter 17: Plans

47 2 1
                                    

A/N: Yllana and Grey nasa taas/gilid :)

Andy's POV

"Are you sure this going to work?" Nandito kami ngayon ni Zam sa loob ng pink porshe nya wearing our fake couple shirt.

"Nagwowork na nga diba?" Sagot naman nya sakin.

"Hindi ka ba nasasaktan?" Tanong ko ulit sa kanya. Kung magiging artista siguro sya, Sya na ang pinakamagaling.

"Mas masasaktan ako once na maghihiwalay na kami pagpunta kong states. Mas okey na andito pa lang wala na syang feelings sakin." Sagot naman nya. "Maiba nga tayo. Whats our next move?" Tanong nya sakin. Bigla kong naalala ang pagplaplano namin ng lahat ng to.

Flashback~

Andito kami ngayon sa isang five star restaurant na pagmamay-ari daw nila.

"Mage-eleven na ng gabi. Bakit kailangan pa natin pumunta nito?" Tanong ko sa kanya. Nakakacurious kasi. Wala pa kaming isang linggo magkakilala tas ganto na agad.

"I have something to discuss to you." Nakangiti naman nyang sinabi.

"Ano naman yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"About Yllana." Sagot naman niya sakin. Anong meron kay Yllana?

"Anong meron sa kanya?" Tanong ko ulit sa kanya. Siguro naman may karapatan akong magtanong. She's the one who drag me here.

"I know you like her." Nangaasar naman nyang sinabi pero paano niya nalaman?

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Its obvious, Andy. How you look at her, smile at her. Its so obvious." Tumatawa nyang sinabi.

"Halata ba talaga?" Medyo kinabahan ako. Paano kung wala pala syang gusto sakin. Ayokong ma-reject, Im too handsome to be rejected. "Bakit sya parang hindi niya nahahalata?" Tanong ko sa kanya.

"Ganun naman ang bawat tao sa mundo ei. Manhid. Siguro dahil sanay na sya na ganun ka sa kanya kaya para sa kanya wala na yun." Sagot naman niya sakin. "Bakit hindi ka mag-confess?" Tanong niya sakin.

"Para saan pa? Nakakatakot kaya sya." Sagot ko naman sabay kamot sa batok ko.

"I have a plan. Kung ayaw mong umamin sa kanya. Sya na lang ang papaaminin natin sayo. " Nakangiti nyang sinabi habang hawak hawak ang wine glass niya.

"Huh? Plano? Aamin? Paano ka naman nakakasiguro na magco-confess sya sakin kapag ginawa natin yung plano mo? Ni-hindi nga tayo sure kung may gusto sya sakin ei." Sagot ko sa kanya.

"Babae rin ako, Andy. Alam ko kung may gusto ang babae sa isang lalake." Ininom nya na ang wine sa wineglass nya.

"Yun naman pala ei. Edi magco-confess na lang ako. Bakit kailangan pa ng plano plano." Sabi ko sabay hawak sa roasted beef na nasa plato ko.

"Hindi nga lang ako sure kung may gusto sya sayo. Hahahha!" Tumatawa nyang sinabi. Baliw na ba'to? "Lagi syang mataray sayo, pero ganun naman din sya sa lahat ng tao." Dugtong niya.

"Tss. So, ano ng plano mo?" Tanong ko sa kanya.

"I want to break, Grey's heart. " Nagulat ako sa sinabi niya. Ang balita ko kasi sila ang perfect couple ng campus.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Ang ganda daw sobra ng relasyon nila. Bakit sisirain niya? Tss mga babae talaga.

"Aalis na ako ng bansa tatapusin ko na lang tong school year." Biglang sumeryoso ang mukha nya mula sa pagkakatawa niya.

"Saan ka naman pupunta? Tsaka anong connect nun bat mo ibrebreak ang puso ni Grey." Komento ko sa sinabi niya.

"Let me finish first, okey?" Taas kilay niyang sinabi. Tumango na lang ako sa kanya. "Hindi naman literally na ibre-break. Gaya nga ng mga naririnig mo, perfect couple daw kami. Wala na daw makakapaghiwalay samin. Totoo naman ang sinasabi nila mahal na mahal namin ang isat isa kaya yun din ang dahilan ko kung bakit ko sya gustong hiwalayan. Im scared na baka kapag iniwan ko na sya hindi nya kayanin kaya Im planning na ibreak na sya hanggat maaga pa para bago man ako umalis okey na." Malungkot niyang sinabi, hindi niya man pinapakita iyon. Alam kong nasasaktan sya.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon