Chapter 25: The Proposal

50 1 0
                                    

A/N: The three couples sa taas gilidddd

Grey's POV

Ilang segundo na rin ang lumipas simula tanungin ko sya pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang sagot. Wala naman akong pakialam kung magkagusto sya sakin sanay naman akong may nagkakagusto sakin basta wag lang syang umasa na I can return her love.

"Oy! Natulala ka dyan?!" Sigaw ko sa kanya. Dahan dahan syang tumingin sakin bago magsalita.

"Ano ba yun?!" Masungit nyang tanong sakin.

"May gusto ka ba sakin?" Muling lumaki ang mga mata nya at umiwas ng tingin sakin pero binalik nya rin naman agad.

"Hoy! Para sabihin ko sayo, hinding hinding hinding hindi ako magkakagusto sayo!" Galit na galit nyang sinabi sabay irap.

"Ei, bakit ka tulala dyan?" Tanong ko ulit.

"Ikaw napaka-assuming mo! Baka ikaw ang nagkakagusto na sakin, hindi na naman ako magtataka sa ganda kong to, bulag lang ang hindi magakagusto." Napangiti ako sa sinabi niya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang nickname na GGSS.

"Wow! Ang ganda mo nga." Pangaasar ko namang sinabi sa kanya. "Pero bakit nga? Bakit ka tulala?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala, iniisip ko lang si Andy." Maikling sagot naman nya sakin. Tumango tango na lang ako. "Bakit mo ba natanong sakin kung nafofall ako sayo? Nafofall ka na ba sakin?" Nagulat ako sa tinanong niya, hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o seryoso yung tanong niya.

"Im going to make this short Ms. Montez." Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at hinawakan ang baba niya. "Kung meron mang mafofall sating dalawa, hinding hindi ako ang mauuna." Nagsmirk ako sa kanya bago umalis sa kwarto nila.

-------------------------------------------

Yllana's POV

Its been three minutes simula ng lumabas si Grey sa kwarto namin pero hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok ng puso ko nagflaflash kasi yung mukha nya ng nilapit nya sakin yung mukha niya kanina. Bakit ba naman kasi ako magkakagusto sa kanya? Diba number 1 hater niya ako? F*ck this feeling.

Tok tok

"Pasok." Tanging sabi ko sabay ayos ng buhok ko, ginulo ko kasi yung buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Ahmm, H-hi?" Awkward na tanong sakin ni Andy.

"Ahmm, Hello?" Sagot ko naman sa kanya. "Naparito ka?" Tanong ko sa kanya. Im so happy to feel this feeling parang wala na talaga akong nararamdaman sa kanya parang Im back on being his normal friend three years ago.

"Wala nangangamusta lang. Kamusta ka na?" Sagot naman nya na may kadugtong na tanong.

"Medyo okey na, ayoko namang sirain tong maikling bakasyon na to dahil lang sa nahimatay ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Sabagay. So?" Nanahimik kaming dalawa. Yung totoo aba ikaw magbigay ng topic.

"So?" Nagtatakang tanong ko.

"Sasagutin mo ba si Grey?" Nagulat ako sa tanong niya. Si Anderson magiging interesado sa lovelife ko? Kelan pa? Hahaha

"Sya ang rason kung bakit hindi ko maenjoy tong resort na to kaya baka hindi ko na sya sagutin." Mataray ko namang pagkakasabi sabi sa kanya. Sana ba kung tunay na magiging kami baka umoo pa ako.

"Sabi ko na nga ba ei. Hahaha!" Natatawa niyang sinabi. "Dati tuwing magkwekwento ka tungkol sa eastern hindi nawawala si Grey, hindi dahil sa gusto mo sya kundi dahil ayaw na ayaw mo sa kanya" Kwento nya pa. Well totoo naman ang sinabi niya.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon