Chapter 20: Cancelled Plan

50 3 0
                                    

A/N: Kalahati lang ng part nito ang naedit ko. Sorry. Yllana at Grey nasa taas/gilid isipin niyo na lang nasa kama sila niyan. Hahaha XD

Zam's POV

It was a saturday night. Pauwi na ako sa bahay. Sumakit bigla ang puso ko. My heart ask me Why are you doing this? You know you'll get hurt?. My brain replies She know she'll get hurt, thats why she's doing this. Bumabakas sa isipan ko ang mga ngiti ni Grey kanina. I know it was a fake smile pero mas okey na siguro yun kesa sa nakikita ko syang malungkot, diba?

----------------------------------------------------------

Yllana's POV

Tuesday 10pm

Waaaaa!!! Wednesday na bukas!! Ano kayang gagawin naming plano ni Grey? Fudge naman oh! Wala pa rin syang sinasabi sakin hanggang ngayon! Bigla tuloy sumakit yung ulo ko. Shemay naman kasi tong si Grey ei sya ang may kasalanan kung bakit sumakit bigla tong ulo ko.

Flashback~

Tuesday 4pm

Uwian na namin sa wakas. Napagdesisyunan kong umuwi na dahil makulimlim ang langit. Uulan ata. I pick up my bag at yung ilang libro ko. House here I cooome!! Lumabas na ako sa room namin kasabay si Calla. Niyaya nya pa nga akong ihahatid nya na daw ako kaso umayaw ako. This past few day hindi na kami gaanong naguusap ni Andy, hindi na rin kami nagsasabay umuwi o pumasok.

"Oh ano una na ako aa." Sabi ko kay Calla na hinihintay akong tumawid.

"Sige, ingat ka aa." Sagot naman niya sakin. I dont know why pero parang medyo nagiba ang ugali ni Calla simula nung party. Naglakad na ako pauwi sa bahay. Fudge!! Umaambon na! Nilagay ko ang mga bitbit kong libro sa ulo ko. Dapat kasi tinanggap ko na yung offer ni Calla kanina ei.

Sumilong muna ako sa maliit na tindahan na meron bubong. Well hindi talaga sya tindahan kasi wala namn syang tinda. Hahaha. Hinintay kong huminto yung ambon na ngayon ei malakas na ulan na.

Heto ako!! Basang basa sa ulan! Walang masisilungan! Walang malalapitan! Sanay may luha pa akong mailuluha! Kung may maganda mang benepisyo ang ulan yun ay ang pwede kang kumanta ng malakas kasi alam mo namang walang makakarinig sayo. Bigla akong natigilan sa pagkanta ko ng tumalsik lahat ng putik sa uniform ko. Badtrip naman tong motoristang to! Dumaan daw ba dito! Ang luwag luwag ng kalsada sa gilid pa dadaan. Napahawak ako sa palda kong puno ng putik. Fudge talaga! Nakakaimbyerna! Teka lang. Pamilyar yung motor na yun aa. Nagulat ako ng huminto yung motor hindi malapit sa tinatayuan ko. Bumaba sya. Sabi ko na nga ba ei. Sya yun.

"Hoy, ikaw bwiset k--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hablutin ang braso ko at pilit akong pinasakay sa motor.

"Ganun ka ba kahirap na pati payong wala kang pambili." Sabi niya habang hilahila pa rin yung braso ko. "Oh." Abot niya sakin ng helmet.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Kahapon nung break time at lunch tayo ang magkasama. Kaninang break time at lunch tayo ang magkasama. Nung friday at saturday tayo ang magkasama. Fudge naman! Ganun ba ako kaganda!" Pagrereklamo ko.

"Hindi." Sabi niya sabay suot sakin ng helmet. Hindi ko kasi kinuha kanina.

"Pwes ako sawang sawa na. " Inirapan ko sya pagkasabi ko nun at naglakad pabalik sa may bandang tindahan.

"I saw Zam and Andy kanina sabay silang umalis ng school." Narinig kong sigaw niya.

"So? Kahit naman nitong nakaraang araw ei sabay na silang umuuwi ngayon pa ba tayo magiging concern?" Pagtataray ko naman sa kanya.

"Kasama ni Zam ang mommy nya at mukhang ipapakilala niya na si Andy dito." That makes my heart beat faster. Ang bilis naman ata. Wala pa ngang confirmation kung sila na ei.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon