Chapter 15: Broken Hearts

85 3 4
                                    

A/N: Main characters po yung nasa taas/gilid. :)

Grey's POV

Iniimagine ko kung ano ng itsura ni GGSS ngayon. Natatawa ako. Sobrang matatakutin pa naman yung babaeng yun. Hahahah!

Tok tok.

"Come in." Bigla akong naging seryoso, hindi kasi sanay yung mga kasama ko sa bahay na nakangiti ako.

Pumasok si B*tch sa kwarto ko dala dala ang isang paperbag.

"What do you want?" Tanong ko habang naglalaro ng clash of clans sa cellphone.

"I just want to give you this." Sagot naman niya sabay abot ng paperbag sakin.

"Just leave it there." Matipid kong sagot. Umaattack kasi ako. Wala akong panahong awayin sya.

Iniwan nya naman sa kwarto ko yung paperbag pero bago pa sya umalis ay may sinabi siya. "May dinner sana tayong pamilya bukas ng gabi sana makapunta ka." Umalis na sya sa kwarto ko pagkatapos niyang sabihin yun. As if.

Nilagay ko ang earphone ko sa magkabilang tenga ko. I need to sleep na, kailangan ko pang magising ng maaga para sa surpresa ko kay Zam.

---------------------------------------------------------

Nakangiti akong bumangon sa kama. Its friday morning.

It was a good morning because alam kong babalik na kami sa dati ni Zam ngayon. Just wait Zamantha Anne Forteza. Babalikan mo na ako.

Ginawa ko lang ang daily routine ko. Pagkatapos ay sumakay na ako sa motor ko. Time check. 6:00 Am. 2 hours to go. Nakarating na ako sa campus. Malamig pa, medyo madilim pa kasi. Nakita ko naman si Jake na natutulog na sa cafeteria.

"Oy!" Tapik ko sa kanya. Naalimpungatan naman sya at gumising na. Kinusot nya muna ang mga mata niya at pagkatapos ay bumangon na rin sya.

"Ano bang balak mo? Ang aga aga papapuntahin mo ako sa school." Inaantok niyang sinabi.

"Si Calla? Andyan na ba?" Tanong ko sa kanya habang natingin tingin sa paligid.

"Di ko pa sya napapansin simula dumating ako dito. Bakit ba?" Sagot naman nya sakin. May muta pa sya. Tss.

"Punasan mo na muna yang muta mo." Sabi ko sabay turo sa mata nya. Pumunta akong main gate ng campus para hintayin si Calla.

"Sorry. Kanina pa ba kayo?" Nagmamadali syang tumakbo papunta sakin.

"Hindi. Kakadating lang rin namin. Nadala mo ba?" Sagot ko sa kanya kasunod nun ang isang tanong. Tumango lang sya. Nginitian ko na lang sya bilang pasasalamat. Basta si Calla talaga maaasahan mo.

Inayus ko na ang sorpresa ko sa loob ng room namin. Kahit tatlo lang kami tingin ko naman, okey na to.

"Lettering na lang kulang." Bulong ko. Kinuha ko na yung chalk sa blackboard at ni-lettering na ang mga salitang gustong gusto ko ng sabihin sa kanya simula nung nagaway kami.

"Ang korny mo, bro!" Sigaw ni Jake sakin pagkatapos kong maglettering sa blackboard.

"Kapag nagmamahal ka. Magiging korny ka talaga." Nakangiti kong sinabi sabay akbay sa kanya. "Ano Calla, okey na ba to?" Tanong ko kay Calla habang naglalagay sya ng balloons sa paligid. Tumango lang sya at ngumiti sakin. Nilapitan ko sya at niyakap sya. "THANK YOOOUU!" Sabi ko.

Habang yakap ko si Calla ay naglipsync ako kay Jake saying. Uy, inggit sya. Tinignan niya lang ako ng masama at lumapit rin samin.

"Oo nga Calla! Thank you." Sabi niya sabay yakap rin kay Calla.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon