A/N: Ayan yung stars na nakita nila sa telescope nasa taas/gilid HAHAHAHA!
Yllana's POV
Napatingin ako sa palasyo na nasa harapan ko. Hindi naman ako nainform na sa malacañang palace kami pupunta. Paano naman makakatulong ang presidente sa mga pasa ko? Papakasuhan nya ba sila Maria? May koneksyon pala sila kay Mr.President.
"Bakit tayo nasa malacañang palace?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay pa rin sa motor nya.
"Matalino ka diba? Dapat alam mo ang pinagkaiba ng Malacañang Palace sa bahay ko." Nanlaki ang mga mata ko. Sheyt. Bahay niya to? Ang laki.. Sobrang laki. "Oo, bahay ko to." Nakangiti nya pang sinabi. Nakakabasa ba sya ng isip. May lahi nga talaga ata syang alien.
"A-anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya habang tunuturo turo pa yung mansion nila.
"I have 52 maids sapat na naman siguro yun para mabantayan at maalagaan ka nila." Oo, alam kong mayaman sila Grey pero di ko ineexpect tong ganitong kayaman. Grabeee, ano bang trabaho ng daddy nya tsaka balita ko yung mama niya wala namang trabaho aa.
"Bakit mo ko dinala dito! Diba dapat sa hospital na lang?" Di ko kasi talaga magets. Connect ng pasa ko sa bahay nila diba.
"Gastos pa."Inalis niya ang helmet nya at humarap sakin. Ngayon lang naging ganto kalapit ang mukha ko sa isang lalaki. "Baba na." Senyas nya sakin na bumaba.
Bumaba na lang ako at inalis ang pink na helmet na binigay nya sakin. "Ipapark ko lang tong motor aa. Magikot ikot ka muna. Alam ko naman kasing ngayon ka lang nakakita ng bahay na ganto kalaki." Iniiling iling niyang sinabi. Aba itong lalaking to sinasagad ang pasensya ko aa.
Naglakad ako papunta sa fountain na masa harap ng bahay nila. Ang laki. Ang ganda. Sinahod ko ang kamay ko sa tubig na nilalabas ng fountain mula sa taas. Ang linis.
"Hangang hanga ka aa." Pangaasar na tono ni Grey sakin.
"Hindi no." Sabi ko sabay hagis sa kanya ng tubig na sinahod ko kanina.
"What do you think your doing?!" Galit nyang sinabi. "Tara na pumasok na tayo." Masungit nyang dinugtong.
Pagkapasok namin sa bahay nila sinalubong kami ng ilan sa katulong nila. "Welcome back, young Master." Sabi nila sabay yuko.
"You see this girl?" Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa mga katulong niya. "Bantayan niyo sya 24/7." Sabi niya sabay lakad papunta sa taas ng hagdan. "See you." Tinaas nya lang ang kanang kamay niya pero hindi lumingon. Tss.
Sinamahan ako ng dalawa sa katulong niya. Yung isa around 60's sa pagkakarinig ko siya daw yung mayordoma. Tas yung isa naman apo niya daw kaedad lang daw namin pero nagstop na daw para makatulong sa mga kapatid. Sa pagkakaalam ko bawal pa magtrabaho ang below 18 aa.
Pagkadating na pagkadating namin sa kwarto ko ay umupo ako sa napakalaking kama. Doble ata to ng kama namin ni Ariel ei.
"Curious lang po, bakit nagtratrabaho na si Lelay? Ei, wala pa naman po syang 18?" Tanong ko kay Mang Donor.
"Aa, kasi ayaw nyang makitira dito ng libre." Nakangiti namang sinabi ni Manang Donor. Aa, akala ko sapilitan syang pinagtrabaho ei. Ang bait naman pala ng magulang ni Grey no?
"Bata pa ako, ulila na kami ng 5 ko pang kapatid. Si Lola Donor na lang natitira kong pamilya kaya sa kanya ako lumapit." Kwento ni Lelay sakin.
"So, asan na yung mga kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.
"Andun pa rin sila sa probinsya. Nagaaral sila. Malaking pasasalamat ko nga na nakilala namin tong sila Maam at sir ei." Nakangiti naman nyang sinabi. "Pinayagan nila akong magtrabaho kahit below 18 pa lang ako." Dugtong nya pa. Buti pa yung magulang ni Grey mabait no? Si Grey konting bait lang. Hihihi.

BINABASA MO ANG
MISSION FAILED: The Hater Just Fall in Love
Ficção AdolescenteWanna know what will happen once a hater fall in love? When the Hater fall, Will she still be a Hater? or She will be his lover? Welcome sa malawak na imahinasyon ni Mr.SkaiiGray! at sa magulong story nila Grey at Yllana! Enjoy reading the MISSION...