Chapter 1: Secretly in love

345 25 2
                                    

A/N: Si Andy at Yllana po ang nasa gilid/taas.

Yllana's POV

"Gathering 96.12 percent of total average. Let's give a round of applause to Mr. Grey Steven Guevarra this batch 1st honor." Malakas na pagkakasabi ng adviser namin sa lahat ng taong pumunta ngayong recognition day namin. Sobrang nakakainis pakinggan ang linyang yan. Pangatlong beses ko ng narinig ang linyang yun simula pa nung 1st year. Tss.

I'm Yllana Antonette Montez, 2nd Honor, 3rd year representative ng student council, member ng women's volleyball team, at president ng cooking club. Best in English, Science, H.E (Home economics), at conduct. Yung lalakeng tinawag kanina yun yung 1st namin. Sya si Grey Steven Guevarra, 1st Honor, Vice president ng student council, Captain ball ng basketball, pambato sa table tennis at badminton, member ng men's volleyball team, junior officer ng CAT, at President ng isang club, hindi ko alam kung anong pangalan ng club na yun ei, pake ko ba sa kanya. -___-

"Maliban sa pagiging 1st honor, nakuha rin ni Mr. Grey ang Best in Math, Computer, History, Filipino, at Mapeh. Nakuha rin ni Mr. Guevarra ang leadership award." Dugtong pa ni Mrs. Puyawan. Kung alam niya lang sana kung gaano ko kaayaw marinig ang mga salitang yan. Hayy' nako, kaya nya lang naman nakuha ang Best in Filipino dahil bading yung teacher namin dun, malamang ginamit nya na naman ang charm niya. Lagi naman.

Fourth year na ako sa dadating na pasukan, Halata namang bitter na bitter ako sa Grey na yun diba? Hahahah :) Nagiging bitter lang naman ako kasi kailangan ko talagang maging 1st ngayong taon na'to. Scholar lang kasi ako. Para maging full-scholar ako kailangan kong maging 1st. Isa kasing well-known school ang pinapasukan ko, nagentrance exam ako nung maghahighschool na ako at sinuwerte naman at naging scholar.

Umakyat na ako sa hagdan, nasa baba kasi ang court ng school. Nakasalubong ko si Calla, best friend ni Grey at bestfriend ko rin. Paanong nangyare yun? Well' na una nya talagang maging bestfriend si Grey. Naging bestfriend nya lang ako dahil ako lang sa school namin ang hindi nagkakagusto kay Grey as in literal na gusto aa. Bitter kasi halos lahat ng babae kay Calla, kasi bukod sa girlfriend ni Grey na si Zam, si Calla na lang ang babaeng medyo malapit kay Grey. Ang insecure ng mga estudyante dito noh?

"Ahmm.... Yllana, gusto mo bang sumama sa bahay? May handaan kasi kami." Mahinang pagkakasabi nya. Tahimik kasi siyang klase ng tao. Hahahaha! Si Calla lang ang tanging kaibigan ko sa school na'to. Yung iba kasi kaibigan lang ako kapag may exam o quiz. Sa lalaki naman si Andy ang long time crush ko pero hindi sya dito nagaaral. Sheyt, keleg.

"Sorry, Calla. Kailangan ko na kasing umuwi. Alam mo namang mainit ang dugo ng nanay ko sakin simula pa lang nagkaisip ako diba?" Sagot ko naman sa kanya. Sayang naman. Sure akong masasarap ang pagkaing ihahanda dun. Naghihinayang tuloy ako. :(

"Ahmm, Oo nga." Nakangiti niyang sinabi sa akin. "Sige una na ako. Have a nice vacation" Sabi niya sakin bago tuluyang tumakbo palayo.

Lumabas na ako sa gate ng school namin daladala ang isang silver na medalya. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa bahay ng makasalubong ko si Andy ang matagal ko ng hinahangaang lalake.

"Saan punta?" Tanong nya sakin. Nakasando lang sya at short. Sheyt. Ang hooooooooot niya. Ang pervert ko. Pawisan pa man din sya.

"A-aaa, p-pauwi na." Nauutal kong sinabi. Ang hot kasi talaga nya ei. Ei, sa sobrang pawis nya bumabakat yung abs nya sa sando niya.

"Tulala ka dyan." Nagtataka syang tumingin sa akin "Masama ba pakiramdam mo?" Sheyt, hinawakan nya pa ang noo ko. "Wala naman aa, pagod lang siguro yan. Sige una na ako." Sabi niya sakin bagong tuluyang tumakbo palayo sakin. Oh my godddd! Pwede na akong mamatay bukas.

Pumasok na ako sa loob ng gate namin at sumalubong sakin si Summer aso ko, sa pagkakaalala ko golden retriever sya. Hahahha. Mahirap lang kami pero may golden retriever kami. Yung totoo?

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon