Chapter 26: Dinner Date & Camping

37 1 0
                                    

A/N:

Yllana's POV

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama namin nila Zam. Inaayusan ako ni Zam ang galing nga nya ei para syang si Mama Mei, Professional.

"Saan ka natutong magmakeup?" Tanong ko sa kanya, nakakacurious kasi ang galing galing nya.

"Well, natuto akong magmakeup dahil sa Mommy ko but I watch videos on youtube." Sagot naman nya sakin habang nilalagay ang blush on ko.

"Ahmm, Zam may tanong lang ako." Napatigil sya sa pagbablush on nya sakin at tinaas ang kilay nya na parang tinatanong ako kung ano yun. "B-bakit kayo nagbreak ni Grey?" I know na out of the line yung tanong ko pero gustong gusto ko talagang malaman ei kasi parang ang perfect perfect na nilang dalawa tas magbrebreak pa sila. "Pero kung ayaw mong sagutin okey lang rin aa." Dugtong ko sabay tingin sa maliit na salamin na hawak ko.

"No, its okey. Bakit nga ba ako nakipagbreak sa kanya? Hmm. Sa tingin ko kasi Grey is too perfect for me." Sagot naman nya sakin.

"Para sakin bagay kayo sa isat isa." Sabi ko naman. Bumalik na sya sa pagmemakeup niya sakin at nagkwentuhan pa kami.

"Bakit mo naman natanong?" Tanong niya.

"Naririnig ko kasi sa mga tsismosa ng school na crush na crush mo raw si Andy kaya nung nalaman mo raw na nagaaral sya sa school ei nakipagbreak ka kay Grey, gusto ko lang maconfirm." Palusot ko naman pero totoo yung mga tsismis na yun aa.

"Ahaha! Well, volleyball is my favorite sport and when I see Andy dun sa Area Meet he's too cool." Sagot naman nya ng nakangiti. Inaayos nya na yung buhok ko ngayon.

"So, totoo yung tsismis?" Tanong ko ulit.

"Sabihin nating half na totoo half na hindi." Nakangiti naman nyang sagot.

"Paanong half?" Mukhang tanga naman kasi paano nya nahati yung tsismis. -_-

"Hindi totoo na nakipagbreak ako kay Grey dahil kay Andy pero totoong crush ko si Andy." Nakangiti nyang sinabi habang plinaplancha ang buhok ko. Tumango tango na lang ako. "Ikaw naman tatanungin ko, Yllana." Napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Sa tingin mo ba naka-move on na si Grey sakin?" Oh no! Anong isasagot ko?

"Ahmm, Sa totoo lang Zam hindi ko rin alam ei kasi maski ako tinatanong ko sa sarili ko yang tanong na yan." Wooo! Galing mo talaga Yllana Antonette!

"Huh?" Takang tanong niya.

"Iniisip ko rin kasi kung nakamove on na ba talaga si Grey sayo, Kasi diba nanliligaw sya sakin ayoko syang sagutin kasi di ko alam kung seryoso ba sya sakin baka di pa sya nakakamove on sayo." Pagpapaliwanag ko naman.

Ngumiti muna sakin si Zam bago magsalita. "To be honest Yllana, I know Grey will realize his true feelings for you hindi pa nga lang ngayon pero tingin ko pagdating ng araw he will love you more than he loves me." I dont know what to react. Nakatunganga lang ako sa kanya.

"P-paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.

"The way he smile and look at you I know its real." Sagot naman nya sakin. Tinignan ko lang sya ng whatdoyoumean look. "Because he use to smile and laugh at me like that before." Nakangiti naman nyang sinabi. Tumayo na sya mula sa pagkakaupo nya at pumunta sa tapat ng pinto. "Huwag kang matakot mahalin si Grey, sa una lang yan mahirap i-accept kasi may mali ka pang nakikita." Lumabas na siya ng pinto at sinara na ulit yun. Lumakad ako papunta sa salamin na nasa tabi ng TV.

Habang nakatingin sa salamin tinanong ko ang sarili ko.

Should I still do this plan? kahit alam ko sa sarili kong masasaktan rin ako.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon