A/N: Sorry po kung maraming typos at wrong grammars XD Hindi ko na po kasi naedit yan papasok na kasi ako. Haha! Si Jake po ang nasa taas/gilid.
Grey's POV
Nakokornihan ako sa sarili ko, I just tell all my problem to a stranger. Bakit ko nga ba ginawa yun? Pero kahit papaano nakatulong nga sya sa problema ko. Gumaan ang loob ko thanks to her.
Bumalik na ako sa room ko. At as usual puro bulungan na naman ang narinig ko. Tumabi muna ako kay Jake bestfriend ko. Wala pang gaanong estudyante sa room, si Calla, si Jake at ilan sa mga kaklase ko pa lang.
"Si Zam?" Tanong ko kay Jake.
"Kasama yung Andy may binili lang daw sa cafeteria, wala ka kasi kaya kay Andy na lang nagpasama." Sagot naman ni Jake. Kakaiba yang Andy na yan aa kabago bago. Tsss.
"Bakit di mo sinamahan?" Medyo galit na tono ko.
"Pre, alam mo naman ang reputasyon ko sa school na'to. Casanova pre. Casanova." Umakbay sya sakin ng sabihin ang linyang yan.
"So?" Matipid kong tanong.
"Baka isipin nila nanunulot ako ng girlfriend ng iba." Inalis nya ang pagkakaabay nya sakin. Sus, daming dahilan tinamad lang di pa aminin.
Bumalik na lang ako sa upuan ko ng napansin kong pauntiunti na ang pagdateng ng mga kaklase ko kasama na dun yung Andy at si Zam.
"Saan ka galing" pabulong ko syang tinanong.
Pinakita nya sakin ang isang frutos. "Bumili nito." Nakangiti nyang sinabi.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa iba. Aamuhin niya rin ako in 5... 4... 3... 2... Wa-wa-one... Aishh.
"Di mo ba ako aamuhin?" Bigla akong humarap sa kaniya.
"Ayoko nga, naispoiled ka na sakin ei." Sagot naman nya. Sabay belat sa akin na wala lahat ng sama ng loob ko mula ng makausap ko si Ms.Chismosa, parang bumalik ako sa dating ako.
Hinablot ko ang frutos na hawak nya at pilit nya itong inaagaw sa akin.
"YEEEEHEEEEE!" Sigaw ng buong klase maliban sa isa.
"Ano ba yan, dito pa nagharutan." Nakasibangot nyang sinabi. Ang tindi talaga ng galit nito sa akin. Parang pinanganak sya para lang maging number 1 hater ko. Inabot ko na ang frutos kay Zam, medyo childish kasi sya. Mabilis umiyak. Hahahaha!
"I hate you na" Sabi niya sabay pout sa akin. Cute. Takte yan.
"Good Afternoon class. Im back!" Pabungad sa amin ng adviser namin. *Hikab hikab* grabe inaantok na naman ako, di kasi ako pinatulog ni Ms.Chismosa ei. Yumuko na ulit ako at natulog.
--------------------------------
Jake's POV
Nakita kong yumuko na ulit si Grey. Hayy' sarap talaga ng buhay niya kahit tulog ng tulog perfect lagi sa exams. Napapanaginipan nya siguro yung mga exams.
After 2 Hours ng pagdidiscuss ng school regulations ay uwian na. Half day lang kasi ngayon. First day ei. Parang gusto kong magmall ngayon aa.
"Calla, tara mall?" Yaya ko kay Calla. Ang lakas ng loob ko magyaya, wala naman akong lakas ng loob magsabi ng tunay kong nararamdaman sa kanya.
"Sige, magpapaalam lang ako kela Mommy. " Yessss! It's a date! Nilabas nya na ang cellphone nya at tinawagan ang Mommy nya. Ganun din ang ginawa ko. Nilabas ko na ang phone ko at nagstatus sa fb. "Malling :)". After nun ay ginising ko na si Grey at nagligpit ng gamit namin.
Tumayo sa harap namin si Zam. "Saan date niyo?" Tanong nya samin.
"Ahm.. Hindi date yun, yayain na nga sana kayo ni Jake naunahan mo lang sya. Diba Jake?" Sagot ni Calla kay Zam, waaa. Date yun Calla. DATE.
BINABASA MO ANG
MISSION FAILED: The Hater Just Fall in Love
Novela JuvenilWanna know what will happen once a hater fall in love? When the Hater fall, Will she still be a Hater? or She will be his lover? Welcome sa malawak na imahinasyon ni Mr.SkaiiGray! at sa magulong story nila Grey at Yllana! Enjoy reading the MISSION...