Chapter 9: Yllana, you're so dead

141 12 2
                                    

A/N: Hindi ko na po to naedit kaya sorry po kung may typos at wrong grammars. Thank you po! Enjoy reading! Tres Maldita po ang nasa gilid/Taas.

Yllana's POV

Magkasama kami ngayon ni Andy papasok sa school, nakaakbay sya sakin, para sakin normal na yun. Anu daw? Pero kinikilig pa rin ako para kasi akong girlfriend nya. Hihihi. Nandito na kami ngayon ni Andy sa tapat ng gate. Nagulat ako ng sobrang daming babaeng nakabantay sa gate, parang galit sila? Anong ganap?

Ayun na yung girl oh. Student 1

Oo nga no, bakit parang ang panget naman nya. Student 2

Grabe pinatulan ni Grey yan?. Bulong naman nung Student 3

"Ano bang pinagsasabi niyo dyan?" Sigaw ni Andy sa kanila. Sheyt! Para syang knight in shining armor ko, nakaabay pa rin sya sakin hanggang ngayon. Kileg kileg.

"You dont know, baby Dy." Nagulat ako ng lumapit si Maria sa kanya at inalis ang pagkakaakbay ni Andy sakin. Pinalupot niya ang dalawang braso niya kay Andy at may binulong. Nakita kong parang gulat na gulat rin si Andy sa narinig. Ano ba yun?

"Totoo ba yun?" Tanong nya sakin. "Diba, may girlfriend yun?" Dugtong niya pa. Hindi ko na talaga magets ang nga nangyayare. Ano ba yan?! Remember Yllana. Remember. Pilit kong iniisip.

Tinignan ko lang sya ng WHATAREYOUSAYING look.

"Maang maangan pa. Tsk tsk." Sabi naman ni Lucia na nasa likod ko.

Lumapit sakin si Iya at may binulong. "Malaki ba?"

"Malaki ang ano?!" Sigaw ko. Napipikon na ako sa kanila. Tinitignan nila ko kung paano ako tinitignan ng nanay ko and I hate that.

"Please admit it, Di na virgin girl." Sigaw ni Maria. "Hindi ka pa nakontento kay Grey, pati si Baby Dy sineseduce mo!" Dugtong nya pa. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang kamay ko.

Pak! Oo, sinampal ko sya.

Mabilis nyang hinawakan ang namumula nyang pisngi. "Did you just sampal me?!" Masama nya akong tinignan.

"Tanga ka ba? Oo sampal yun at kung hindi pa kayo titigil hindi lang sampal matitikman niyo. Ito na!" Sigaw ko sa kanilang lahat sabay kuha ng heels kong sapatos.

"Dont try us!" Sigaw ni Lucia sabay hila sa buhok ko.

"Aray ko. Stop it." Sigaw ko kay Lucia habang pilit na inaalis ang buhok ko sa kamay niya.

"Come on! Help me girls!" Pagaaya niya pa. Bigla namang sumugod sila Maria at Iya. Sampal, hila sa buhok, tadyak at kung ano ano pa ang ginawa nila. Yung ibang babae naman sa gilid nakatingin lang yung iba tumatawa. Ayokong umiyak. Hinding hindi ako iiyak. Tinignan ko si Andy pero hindi ko alam kung bakit pero nakatingin lang sya sa akin. Parang gusto niya akong tulungan pero hindi nya alam kung paano.

"HOYYY!" Narinig ko ang sigaw ng isang lalaki. Parang sya yung lalaki sa lumang library. Si Mr.P. Inalis nya ang pagkakahawak sakin nila Iya at Maria. Si Lucia naman tinulak nya. Nanlabo na ang panigin ko pero sure ako kung sino sya. Hater nya kaya ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Malabo pa nung una pero nakita ko rin si Andy na nasa bandang ulunan ko. Sila Grey at Calla naman nakaupo lang sa gilid. Hinawakan ko ang ulo ko. Ang sakit. Grabe manabunot yung Lucia na yun aa, hindi naman sya ang sinampal ko aa.

"Anong nangyare? Hinimatay na naman ba ako?" Tanong ko kay Andy na nakatayo lang sa gilid ko.

Hindi sya sumasagot pero parang malungkot sya. Hindi pala parang, malungkot talaga sya. "I-im sorry." Nauutal nyang sinabi.

MISSION FAILED: The Hater Just Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon