Chapter 37

1.8K 57 6
                                    

Hi! Nagbabalik! Sorry po talaga sa hindi pag update agad.

Unedited

Vote. Comment. Follow me

ANDRA'S POV

KINABUKASAN hindi ko pa man tuluyang namumulat ang mga mata ko ay hindi ko na magalaw ang katawan ko. Dahil mistulang may kung anong matigas na katawan ang nakapulupot sa akin.

Na syempre naman ay ikinakunot ko ng noo super.

Sa pagdilat ko ng mga mata , paunti unti ay may kung anong kakaiba sa aking lalamunan na nagpapaindicate na susuka ako.

Na dahilan upang manlaki ang mga mata ko dahil may banyagang mga mata ang unang napagmasdan ko sa umaga.my gulay!

"Wtf!" Namimilog akong umatras mula sa pagkakadikit ko sa kanyang katawan. I didn't know na ang kayakap -yakap ko ay walang iba kung hindi si â€"â€"si Damien!?

Pero hindi ako nagtagumpay sa ninanais kong umatras dahil nakakaramdam ako nang pagkaasiwa at sa amoy na meron siya ay nasusuka ako.

Gayumpaman ay mabilis niya akong hinila palapit muli sa kanyang katawan.

Gagong 'to! Ano naman kayang pumasok sa isipan nito at nakatabi na naman sa akin.

"A-Ano bang ginagawa mo dito ha?! Alis nga!" Saad ko sakanya na syempre naman ay hindi niya pinansin . Bagkus ay mas lalo niya pa akong inilapit sa kanyang katawan.

"T-Teka nga! Ano bang trip natin ngayon ha? Excuse me? Umagang umaga mukha mo agad makikita ko ?! My gulay naman!" Hindi ko maiwasang makadama ng pagkainis at pag-iinit ng buo kong katawan dahil sa rumagasang inis.

Pero dahil doon ay hindi rin naman nagtagal ay pinalaya niya rin ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. para lamang dali dali akong tumakbo Papasok sa loob ng C.r para sumuka.

Ilang araw na rin na ganito ang kondisyon ko. Kaya naman nang mag breakfast na kami ay nawalan ako ng gana dahil sa hinihain na pagkain ng True lover ni Damien.

Mistulang ayaw munang tumanggap ng panibagong pagkain ang tiyan ko kaya naman ay tanging pagtulala ko lamang sa screen door dito sa Dining area.

"What happen Andra? Are you feeling all right? " May himig na pagka-concern na Sabi ni Emily sa akin iyon ngunit tanging ngitian ko Lang siya.
Ngayong araw lamang nagkaganito ako na sadya namang nakakapag baba sa emosyon ko.

Parang gusto kong umiyak sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Pero pagkaraan naming kumain ng Breakfast ay sinubukan kong manahimik habang nakatitig sa labas ng Mansion.

Patingin -tingin lamang sa mga Halaman at iilang mga Bushes na may design na mga cartoon characters.

Na para lamang ay manlaki ang mga mata ko at bigla ko nalang tinawag ang Bodyguard ko para utusang bumili ng pagkain.

"Steven , bumili ka nga ng dalawang Jollibee rice meal at ako lang ang kakain" kung kanina ay nakaramdam ako ng pagkalungkot pero tila ngayon ay nag-iba at nakadama na naman ako ng pagkatuwa.

At dahil sa kasiyahan ko ay hindi ko napigilang mapangiti ng malawak at sinabayan ko pa si Steven sa paglalakad.

"At ibili mo rin pala ako ng grapes at apple , wait alam mo rin ba yung Pancake mix ? Parang gusto ko iyon eh. Tsaka bumili ka rin ng mayonnaise ha pati narin Keso. Pero syempre yung nasa maliit na Blue na box ha..." Sa patuloy ko na pagsasabi kay Steven na kung ano-ano hindi ko na namalayan na nahatid ko na pala siya sa Labas at saktong bubuksan na niya ang Pintuan ng kotse.

CARRYING THE MAFIA'S BABIES [BOOK ONE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon