Chapter 1

1.7K 50 35
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Ano ba, Mac? Tanghali na, oh? Hindi ka pa ba diyan tapos?" Naiinis na tanong sa akin ng aking kakambal.

"Pota kasi itong hinayupak na bwisit na tanginang necktie na ito! Ang hirap isuot! Tanginang 'yan! Bakit ba kasi naimbento pa ang necktie na ito? Bakit ba kasi kailangan pang may kasamang necktie ang uniform? Sino ba ang nag-imbento ng peste na 'to?"

"Tsk, ang sabihin mo hindi mo lang talaga alam kung paano isuot! Akin na nga!" Nakanguso niyang saad at lumapit sa akin. Nakangisi ko naman itong tinignan habang inaayos ang necktie ko.

"Eh di wow! Ikaw na, gago!"

Hindi niya na lang ako pinansin at patuloy lang na inayos ang necktie ko. Kalalaking tao ngunit bakit siya marunong magsuot ng necktie na ganito? Tangina, huwag mo sabihing bakla itong kakambal ko? Hala! Gago! May bakla akong kapatid? Hindi naman yata puwede iyon.

"Hoy, Marienne Aecy Chandria at Zachary Aero Chandrex, manahimik nga kayong dalawa, agang-aga sigawan kayo nang sigawan. Mahiya naman kayo sa mga kapit-bahay natin," saway ni Kuya Rhex dahilan kung bakit ako napasimangot, napagalitan na naman tuloy kami. Kasalan ito ni Zac.

"Ito kasi Kuya, oh! Kalalaking tao, putak nang putak! Ano'ng akala niya sa sarili niya, isang inahing manok? Ambobo naman, eh."

"Aba naman! Hoy, Mac, sa ating dalawa ako ang unang lumabas kaya igalang mo naman ako," angal ng napakaisip-bata kong kakambal saka, ano'ng connect kung mas nauna siyang nailabas kaysa sa kain? And, so? What's the point? Uyy, English 'yon mga pre! Tumatalino na talaga ako.

"Nye, nye, nye."

"Tangina! Kuya, oh!" Nakangusong sumbong niya sa dalawa naming Kuya, si Kuya Rhex at Kuya Levi.

"Tsk, parang bakla, eh. Sapakin kaya kita riyan? Nagsumbong ka pa talaga."

"Mac, tumigil ka na riyan, mahuhuli na kayo sa klase niyo. First day pa mandin," saway ni Kuya Levi na siyang pinapamatanda sa aming lahat. Hindi naman sobrang tanda, puro binata kaya ang mga Kuya ko.

"Kuya, pahingi ng baon."

Inilahad ko pa ang aking kamay sa harap ni Kuya Levi at ngumiti ng pagkawagas-wagas. Sinigurado kong maganda ang ngiti ko para madami siyang baon na ibigay sa akin. Aba, marami akong alaga sa tiyan na dapat busugin.

"Ito, singkwenta," sabi niya sabay bigay sa akin ng 50 pesos. Luhh, 50 lang? Ang kuripot talaga ng Kuya ko. Puwede kayang magpalit ng Kuya? Bili kaya ako ng bagong Kuya sa palengke? Iyong hindi kuripot. Joke lang, mahal ko ang Kuya Levi ko kahit sobrang kuripot niya. Siyempre, nag-iisa lang 'yan sa mundo.

"Luhh, singkwenta lang?"

"May angal ka ba? Sige, bawasan natin, gawin nating 49 pesos," sabi niya at tangkang kukunin ang 50 pesos sa akin pero nagtago ako sa likuran ng aking kakambal. Mahirap na, 50 pesos na magiging bato pa. Ayaw ko nga rin mabawasan ang baon ko. Sayang din iyong piso, 'no. Makakabili pa ako ng isang V-fresh no'n.

"Joke lang naman, Kuya, hehehe."

"Tsk, tama na muna ang 50 pesos na baon sa inyong dalawa. Nagtitipid tayo ngayon mga kapatid. Mahirap ang buhay ngayon lalo na't magsesenior high na kayong dalawa ni Zac. Ang Kuya Rhex niyo naman first year college pa lang kaya kailangan talaga nating magtipid," sermon niya sa amin. Naiintindihan ko si Kuya, tatlo kaming pinapaaral niya kaya dapat talagang magtipid. Alam kong kahit hindi sabihin sa akin o sa amin ni Kuya ay nahihirapan na rin siya. Wala na siyang panahon para sa sarili niya at lahat ay ibinibigay sa amin. Gusto kong gantihan ang kabaitan sa amin ni Kuya, hindi man sa ngayon ay alam kong sa hinaharap ay masusuklian ko rin siya sa mga nagawa niya sa amin. Mahal na mahal ko 'yan.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now