Chapter 12

396 20 1
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac! Mac! Mac! Mac!"

Tangina, Mac, huwag kang lumingon. Panigurado si tukmol na naman 'yan. Shit na malagkit.

Bakit ba kasi ako hinahabol ng tukmol na ito? Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin?

Kahapon ay dumalaw siya sa bahay at kinausap na naman ang mga Kuya. Nagdala lang siya ng pananghalian na ipinagpasalamat ko, akala ko ay magbibigay siya ng regalo ngunit hindi naman kaya ayos lang. Botong-boto na talaga sa kaniya ang mga Kuya dahil sa suhol niya at close na rin silang apat. Halatang nagpapalakas si tukmol.

"Uy, Mac, pansinin mo naman ako. Mac! Mac na maganda. Mac na mahal ko. Mac na mamahalin din ako, pansinin mo na ako. Uy! Hindi mo ba ako naririnig? Alam ko naman na naririnig mo ako pero pinipilit mo lang na huwag akong pansinin. Bakit, babe? May ginawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Hindi pa ba sapat 'yong binigay kong pagkain kahapon? May gusto ka bang ipabili sa akin? Wala naman akong kabit," Nagtataka niyang tanong at patuloy akong hinahabol.

Patuloy lang siya sa pagbuntot sa akin at pinagtitinginan na kami ng mga kapwa estudyante, parang wala siyang pakialam kung ano ang nakikita sa amin ng mga tao.

Hindi na ako nakatiis kaya tinignan ko na siya, nakangiti ang gago at may hawak pang bulaklak.

Tinignan ko ito habang nakataas ang isang kilay. Gumuhit ang isang malaking ngiti mula sa kaniyang labi.

"Ano na naman ba ang kailangan mo, tukmol? Puwede bang lubayan mo ako kahit ilang segundo lang? Huwag kang sumunod sa akin dahil nagmumukha kang aso sa ginagawa mo."

"Hehehe. Good morning, Mac," bati niya at parang walang naintindihan sa gusto kong mangyari. Nakatitig lang ito sa akin na para bang ako lang ang nakikita niyang babae sa kaniyang paningin. Medyo nailang ako roon dahil hindi ako sanay sa kaniyang mga tingin. Gusto ko siyang batukan sa ginagawa niya.

"Walang good sa morning kung mukha mo lang din naman ang masisilayan ko. Umalis ka nga sa harapan ko at baka masapak lang kita. Nakakasira ka ng araw."

"Mac naman, ang sakit sa heart, 'a. Ni hindi mo man lang ako binati pabalik. Hindi ka ba nasiyahan na nasilayan mo ang kapogian ko? Ang tigas mo talaga, babe," nakasimangot niyang saad habang nakahawak na dibdib na akala mo ay nasasaktan talaga.

"Tsk, tigilan mo na nga ako, tukmol, at baka masapak lang kita nang wala sa oras!"

"Bakit, Mac? Kailangan ba kapag sinapak mo ako nasa oras? So, ano'ng oras dapat?" Loko niyang tanong.

"Tangina mo, tukmol. Anak ka ng kagang! Hinayupak ka, buwisit!"

"Easy ka lang, Mac. Ang puso mo, baka tumaas ang blood pressure mo dahil sa akin. Ayaw kong mangyari iyon dahil pagmamahal lang ang dapat mong maramdaman sa akin at hindi galit," sagot niya.

"Tumigil ka, tukmol."

"Palagi mo na lang ako sinasabihan na tumahimik. Why don't you use your lips to make me shut? You know, zip my lips using yours. In short, kiss me," nakangisi niyang saad habang nakatingin sa aking labi.

"Aba'y gago ka talaga! Paduguin ko na lang kaya iyang bibig mo kaysa halikan kita? Gago ka talaga."

"High blood na talaga ang babe ko sa akin," nakanguso niyang sabi. Mukha siyang pato.

"Tumigil ka nga ng kakatawag sa akin ng 'babe' na iyan dahil hindi naman ako baboy."

"Should I call you honey, then?" Tanong niya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now