Marienne Aecy Chandria's Point of ViewTanginang 'yan! Kaya pala malagkit. Bwisit! Bakit ba kasi hindi ko tinignan ang kalendaryo ngayon? Putangina! Hindi ako nahihiya, naiinis lang talaga ako at talagang si tukmol pa ang tumulong sa akin. Putangina talaga. Bakit ba kasi kailangan ko pang kalimutan? Kailangan ko na yatang magpalit ng utak.
Kaya ayaw ko rin maging isang babae, eh! Ito ang isa sa mga problema namin lalo na kapag naaubutan sa kung saan at ang malala pa ay matagusan, katulad ng nangyari sa akin ngayon. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil sa pagiging makakalimutan ko, bakit ko ba kasi kinalimutan?
"Mac! Nand'yan ka pa?" Tanong ng isang boses mula sa labas ng banyong pinasukan ko. Kumatok pa ito ng tatlong beses upang masiguro na narito pa nga ako sa loob.
"Malamang, Zac, tingin mo ba makakalabas ako dahil sa tagos ko? Antanga mo rin, eh. Magpalit ka na nga rin ng utak mo at baka inaamag na."
"Tsk, buksan mo 'tong pinto," naiinis niyang saad kaya napakunot ako ng noo. At bakit ko naman gagawin ang utos niya?
"At bakit ko naman gagawin iyon? Gago ka ba o sadyang tanga lang? Alam mo namang CR ito ng mga babae tapos papasok ka? Batukan kaya kita riyan?"
"Tanga! Buksan mo na 'to at iaabot ko sa 'yo 'tong nahiram kong palda. May extra underwear ka naman, 'di ba? Utak mo rin, eh. Hindi ako manyak, 'no!" Rinig ko ang inis sa kaniyang boses ngunit wala akong pakialam doon. Ang kailangan ko ay ang palda na hawak niya kuno.
"Oo na, oo na. Dami mo pang satsat diyan."
Nakabusangot kong binuksan ang pinto at hindi tumitingin sa akin ang kakambal ko habang inaabot ang isang plastic. Grabe naman ang isang 'to, mukha ba akong madungis sa paningin niya? Ako nga itong nakakaramdam ng lagkit pero hinayaan ko na lang. Hindi naman nakakahawa ang regla kaya bakit iwas na iwas sa akin ang isang 'to? Siya kaya palabahin ko ng short ko ngayon?
"Salamat."
"Magbihis ka na at bilisan mo, magsisimula na naman ang klase. Nand'yan ka pa sa banyo. Huwag kang magpalamon sa bowl at baka mawalan pa ako ng kakambal," saad niya.
"Tsk."
Matapos kong abutin ang plastic ay basta ko na lang sinara ang pinto. Bahala na kung masira, badtrip ako ngayon, eh. Badtrip talaga! Wala na rin akong pakialam kung paglabas ko rito mamaya ay batukan ako ni Zac dahil sa pagsara ko ng pinto sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako sa kaniya at pati na rin sa sarili ko. Wala ako sa mood upang patulan ang pagtataray niya sa akin.
Inilapag ko ang plastic sa harapan ng lababo at binuksan ito at doon nga ay nakita ko ang isang palda na maikli, sobrang ikli. Tangina, kapag sinuot ko 'to, kunting tuwad lang malamang kita singit ko. Seryoso ba si Zac? Bakit ganito ang nahiram niya? Gusto niya ba ako masilipan? Baka nakakalimutan niyang kahit papaano ay babae pa rin ako. Kaso wala akong choice kung hindi suotin ito. Bwisit naman! Tangina, magmumukha akong pokppok dahil sa ayos ko nito.
Palagi akong may extra underwear na dala, in case of emergency kaya 'yon ang ginamit ko. Sa plastic ay may kasamang limang sanitary napkin. Saan niya naman kaya ito nabili? Baka naman hiniram niya rin ito? Gago, wala talagang hiya ang isang 'yon. Nagkibit-balikat na lamang ako habang inaayos ang napkin sa underwear ko. Pumasok na ako sa isang sink at nilinis ang sarili, sobrang lagkit na talaga.
Kapag Japan Day ko ay si Zac ang bumibili ng napkin ko, kung hindi si Zac ay si Kuya Rhex. Takot sila kapag Japan day ko, bakit? Para raw kasi akong isang turo na susuwagin sila kapag hindi nila ako sinunod. Tsk, ako ang bunso nila kaya dapat lang na matakot sila sa akin.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo at doon nga ay nakita ko si Zac na nakatalikod sa akin. Nang mapansin siguro na may nakatitig sa kaniya ay lumingon ito sa gawi ko.
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics