Chapter 16

319 15 2
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Oh? Ano? Bakit ganiyan ang mukha mo? May umaway ba sa iyo?"

"Babe?" Tawag niya sa akin na tila ba ay nagpapaawa.

"Oh? Problema mo riyan? Kabadong-kabado ka naman yata?"

"What does Mindoro look like? Madami bang bad guys doon? May mga tourist spot ba roon? Saang barangay ka? Close mo ba ang mga tao roon? Mababait ba sila? Baka awayin nila ako kapag nakita nilaako kasi pogi ako," aniya kaya mahina ko siyang binatukan.

Kung ano-ano na naman ang naiisip. Buti nga ay pinayagan ko siyang sumama sa akin doon sa probinsya namin. Tuwang-tuwa naman ang mga Kuya nang malamang sasama sa amin si tukmol sa Mindoro.

"Gago! Hahahaha! Ano ka, bata? Tangina, tukmol. Kahit kailan talaga ay ibang klase ka kung mag-isip."

"Babe, I'm serious!" Daing niya kaya napatawa na lang ako ng mahina bago ko siya inakbayan. Sumandal naman ito sa akin. Tsk, ako talaga ang lalaki sa aming dalawa at siya naman ang babae.

"Matulog ka na nga lang, tukmol. Tignan mo ang mga kaibigan mo, kanina pa sila tulog kaya matulog ka na rin. Mamaya pa tayo makakarating sa lugar namin."

"Hindi nga kasi ako makatulog, babe. Tell me, ano'ng makikita ko sa Mindoro," tanong niya at nilingon ako. Mahina kong kinurot ang kaniyang ilong bago tumingin sa labas.

"Madami siyemre! May mga bata roon, may matanda, binata't dalaga, madaming tao sa Mindoro, tukmol."

Napatawa ako ng mahina matapos makita ang mukha niyang nakasimangot na naman. Masyadong pikon ang isang 'to. Tatanong-tanong tapos kapag sinagot mo naman ay mapipikon.

"Babe, I'm serious," ungot niya.

"Seryoso rin ako, tukmol."

"Ewan ko sa iyo," saad niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Aba't! May sinasabi ka, tukmol?"

"Hehehe. Joke lang babe, 'to naman hindi mabiro," aniya.

"Matulog ka na nga lang diyan."

"Oo na,"

Inayos nito ang kamay kong nakaakbay sa kaniya at isiniksik ang sarili sa maliit kong katawan, akala mo naman ay magkakasya siya. Ngayong araw ay babalik kami sa Mindoro, magbabakasyon kami at sumama ang mga kaibigan namin. Gusto raw nilang magbakasyon doon at mag-explore ng mga bagay-bagay.

Sa Sablayan, Occidental Mindoro ang probinsya namin. Maraming tao ang nag-aakalang parte iyon ng Mindanao, dahil siguro nagkakalapit lang sa pangalan ng probinsya namin.

"Nandito na tayo."

"Woah, ito na ba 'yon, Mac? Nasa Mindoro na tayo?" Manghang tanong ni JV nang makita namin ang karatolang nagsasabi na nasa Sablayan na nga kami.

Napangiti na lang ako nang makita ang pamilyar na lugar. Talagang bumalik na kami rito, ito na ang lugar kung saan ako lumaki. Nandito na kami. Namiss ko 'to, namiss ko ang hangin dito sa amin. Presko at hindi katulad sa Laguna na polluted na.

"Gago, JV. Pagkalapag pa lang ng barko kanina nasa Mindoro na tayo," sagot ni Zac kaya napatawa kami.

"Babe, saan kayo nakatira?" Tanong ni tukmol.

"Sa bahay malamang. Alangan namang sa kuweba, 'di ba?"

"Pangit mo talaga kabonding, babe," nakapout na sabi ni tukmol.

"Sa Sta, Lucia, Sablayan kami. Medyo malayo-layo lang ng kaunti rito."

Ilang oras pa ang byahe namin bago kami nakapunta sa kinaroroonan ng dati naming bahay. Nang makarating doon ay kani-kaniyang tinginan ang kapit-bahay kung sino ang dumating na van. Mga chismosa nga naman.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now