Chapter 20

296 9 2
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Ano'ng ginagawa mo, tukmol? Bakit mo ako tinatakpan ng panyo sa mata? Ayaw kong mabulag, tukmol, kaya ang mabuti pa ay tanggalin mo na itong panyo na 'to bago ko pa mabangasan 'yang mukha mo. Kapag talaga ako nadapa, kasalanan mo 'to."

"Babe, easy ka lang naman diyan, wait lang. Surprise nga. Atat na atat ka?" Natatawang tanong niya habang inaalalayan ako sa paglalakad. B'wisit na 'to.

"Pa-surprise-surprise ka pang nalalaman diyan. Kapag ito hindi ko nagustuhan tatamaan ka sa akin. Sinasabi ko sa iyong tukmol ka!"

"Babe naman, ang sadista mo. Enjoy mo na lang 'tong moment mo. Iyong-iyo 'to, babe, ikaw ang star ngayong araw kahit sa gabi nakikita ang star," katwiran niya.

"Tsk."

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni tukmol. Pagkatapos kasi ng klase namin kanina ay basta niya na lang akong hinila at sinabing may surprise daw sila sa akin. Daming pakulo ng mga 'to. Batukan ko kaya isa-isa?

"Babe, ready kana?" Bulong niya sa tainga ko.

"Kanina pa. Ano ba kasi 'to?"

"Wait mo lang kasi," aniya.

Dahan-dahan niyang inalis ang panyo sa aking mata at doon tumambad sa akin ang music room namin na puno ng decorations. Kulay blue ang theme. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga bubles na nagliliparan, may mga lobo rin na nakapaligid at mga christmas lights. May maliit rin na stage sa harapan at isang bangko at nasa likod noon ang dalawang malaking banner. 'Happy 16th birthday, Mac' at ang isa naman ay 'Advance happy monthsary, babe! I love you'.

Hindi ko alam kung ano'ng irereact ko. Masaya ako at hindi makapaniwala na ginawa nila ito para sa akin. Sobra akong natutuwa to the point na gusto kong maiyak. Ito ba 'yon? Ito ba ang sinasabi niyang surprise? Tangina! Sobrang ganda.

"Babe, halika, roon ka sa upuan. Sabi ko naman sa iyo, ikaw ang star ngayon," yaya niya sa akin at hinila ako papalapit sa upuan.

Dinala nila ako sa harapan at doon ay pinaupo. Unang lumapit sa akin si Zac at binigyan ako ng regalo. May hawak din siyang mic at ipinupunas ang kamay sa kaniyang pantalon. Tangina, kinakabahan ba ang gagong 'to? Uso ba sa kaniya 'yon? Para tuloy siyang tanga dahil sa ginagawa niya.

"Ano'ng mukha 'yan, Zac? Pinagpapawisan ka, 'tol. Kinakabahan ka, 'no?"

"Mac naman, hindi mo ba ako babatiin? Aba, birthday ko rin, 'no! Grabe ka talaga!" Sigaw niya at parang nagtatampo nga ang loko.

"Joke lang. Happy birthday, kambal."

"Awtsss, touch ako. So, ito na nga. Mac, happy birthday to us. Akalain mo 'yon, 16 na pala tayo ngayon. Hahahaha," aniya.

"Hindi ka makapaniwala, 'no? Ang liit mo kasi."

"Gago! Para namang ang tangkad mo rin, 'no? Anyway, Mac, gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal kita, sobra. Kahit palagi mo akong binubully. Kahit palagi mo akong minumura. Kahit palagi mo akong binabara. Kahit palagi mo akong hindi ginagalang. Kahit hindi mo ako tinatawag na Kuya. Kahit palagi mo akong binabatukan, at higit sa lahat kahit palagi mo akong inuubusan ng ulam. Mahal na mahal pa rin kita. Sana magustuhan mo regalo ko sa iyo," aniya at ibinigay sa akin ang regalo niya kuno.

"Gago! Palagi man kitang minumura pero sana huwag mong kalimutan na mahal na mahal din kita. Minumura o binubully man kita huwag mo lang pansinin, ang importante ay mahal din kita. Nga pala, 'yong regalo ko nasa bahay. Ibibigay ko na lang sa iyo mamaya pagkauwi natin."

Nginitian ko siya at tumayo ako, niyakap ko siya ng mahigpit. Mahal ko si Zac, kahit hindi halata. Ito ang kasa-kasama ko sa mga kalukuhan ko dati. Palagi kaming tandem kaya't palagi rin kaming pinapagalitan nila Kuya Levi at Kuya Rhex.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now