Chapter 39

349 8 1
                                    

Zhyro Blaine's Point of View

It's our wedding day! Yes, it is! Isang taon na ang nagdaan noong nagpropose ako sa kaniya. 

Kinakabahan pa nga ako noong hindi muna siya sumagot, muntik pa akong maiyak good thing she said 'Yes'. And here we are, magpapakasal na kami.

Last month, nadisband na ang group nila. Marami ang nalungkot pero marami rin naman ang masaya dahil napasaya nila ang mga tao. I am so proud with my babe, I saw how she cried when she said they disbanded last month so all I did was to hugged her. I know she loves singing and she loves her band but she decided to settle down too, just like her twin. And speaking of her twin, isang taon na rin noong nanganak ang asawa niyang si Jeicee. Ang isang 'yon, natatawa na lamang ako tuwing naaalala ko kung paano siya himatayin noong nanganak ang kaniyang asawa. Zaicee, that's the name of their son and last week was his first birthday.

I am so happy and proud of Zac, medyo nagmature na siya noong naging mag-asawa na sila ni Jeicee. Yes, medyo lang kasi madalas ay childish pa rin siya. I hope hindi iyon mamana ni Baby Zai.

While the others have their own life too. Si JV ay napasagot na rin ang dati niya pang nililigawan, oh, scratched that, pinikot niya nga pala iyong babae. Yes, binuntis niya iyong babae para raw wala nang takas, that's crazy. Si Ram naman ay nagpatayo ng business, clothing company and now ay may nililigawan na rin siya. Lyndon is with Jaxel, magpapakasal na rin sila next month.

They are all here, of course we invited them. They are already part of our family and they are so important to my babe. They should witness our wedding, panoorin nila kung paano matali sa akin ang dating babaeng daig pa ang lalaki dahil sa sobrang kaangasan.

Naalala ko pa noong unang kita namin. Sobrang anagas ng tingin na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon o talagang ganon lang siya tumingin. That time, talagang tinamaan ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mayroon siya pero talagang nahulog na ako sa kaniya. Iyong simpleng pagkain niya sa siomai at simpleng pag-inom niya ng C2.

Hindi niya siguro napansin pero mula noong makita niya ako ay nakatitig na lang talaga ako sa kaniya noon. Masyado kasi siyang focus kay Zac, actually ay pinagselosan ko pa nga si Zac dahil sobrang close nila ni Mac. Lalo pa akong nahulog sa kaniya noong narinig kong kumanta siya. Sobrang ganda ng boses niya at nakakarelax pa. Oo, hindi ganoon kaganda si Mac noon ngunit hindi rin naman siya sobrang pangit, iyon bang tama lang ang kaniyang itsura. Pero sa paningin ko ay siya na ang pinakamagandang babae na nakita ko, except my Mom.

Pero ngayong nagmature ang kaniyang itsura ay doon lumabas ang totoo niyang ganda. Marahil siguro ay dahil sa nag-aayos na siya ng kaniyang sarili. Dati kasi ay hindi man lang siya magpuyod ng buhok niya at kung magpupuyod ba ay iyong bastahan lang, walang suklay-suklay at basta inipon at ipinuyod. Wala siyang mga alahas na inilalagay sa kaniyang mukha o katawan, kahit pa hikaw iyan. Wala rin siyang make up sa mukha, kahit pulbo ay hindi siya naglalagay. In short, dugyot si Mac. Joke lang, hindi lang talaga marunong mag-ayos ng sarili si Mac. Pero kahit ganoon ay nahulog pa rin ako sa kaniya.

And now kinakabahan na ako dahil ilang minuto na lang ay mangyayari na ang pinakaaantay kong mangyari. Hindi ko pa nakikita si Mac mula noong nakaraang araw dahil na rin sa mga pamahiin, wala namang masama kung susundin namin iyon. Our wedding is not that elegant. My babe wants it to be simple yet presentable. Ilang buwan din namin itong plinano. I will make sure that this will be memorable. Every wedding should be memorable though.

"Hoy, Zhyr,o tumigil ka na nga sa kakalakad mo riyan. Ako ang nahihilo sa iyo," saway ni Zac habang karga ang anak niyang si Baby Zaicee.

Zaicee is sucking his thumb kaya napuno na ng laway ang balikat ni Zac, hindi pa nga nag-uumpisa ang kasal ay marumi na kaagad si Zac. Pero mukhang wala lang naman sa kaniya ang ginagawa ni Zaicee sa kaniya. Parang tuwang-tuwa pa nga siya.

I can't wait to have children with my babe. Yes, children dahil nga gusto ko ng basketball team. I know, this will be hard for Mac but I want a lot of kids with her..

"I can't help it. What if hindi sumipot si Mac? What if maisip niyang hindi niya pala talaga ako mahal kaya magbaback-out siya? What if may makita siyang guwapo papunta rito sa simbahan at malove at first sight siya doon at sundan niya iyong lalaki kaya hindi siya makakapunta sa kasal? Pero imposible iyon kasi ako lang naman ang pinakaguwapo sa kaniyang paningin. I can't help but to overthink."

"Gago kaba, Zhyro? Aba'y mas malala ka pa sa aking noong kasal ko. Tandaan mo na may 30 pulis ang nagbabantay kay Mac habang papunta siya rito sa simbahan kaya hindi iyon makakatakas pa. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-anoriyan at lalo ka lang talagang kakabahan," sabi niya habang pinupunasan ang pisnge ni Baby Zai.

I sigh once again and tried to erase those what if'sin my head. It's my wedding day, hindi ako dapat nag-iisip ng mga ganoong bagay. I should think positive.

"Fine, pero kapag nalate siya ng kahit isang segundo sa kasal namin ay talagang ako na ang maghahatid sa kaniya rito sa simbahan."

"Whatever, Zhyro. Nga pala, iyong sindikato na hanggang ngayon ay hawak mo pa rin. Ano'ng balita doon?" Tanong niya.

"Pinoproseso na lang ang warrant of arrest at pwede na namin silang hulihin."

"Mabuti naman kung ganoon. Alam kong hanggang ngayon ay hinahabol ka pa rin mga iyon at salamat dahil pinoprotektahan mo si Mac," sabi niya.

"It is my duty to protect her. Lahat ay gagawin ko upang protektahan ang taong mahal ko."

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sabihin ng organizer na nandito na raw ang bride, which is si Mac. Mas lalo akong kinabahan nang makitang pumasok na siya sa loob ng simbahan.

Tumugtog na ang kantang magsisilbing wedding song naming dalawa. 'Ikaw' ni TJ Monteverde, iyon ang magiging wedding song naming dalawa. Iyon kasi ang kantang bumagay sa kuwento naming dalawa. Hanggang sa makarating sa harap ng alatar si Mac ay talagang nakatitig lamang ako sa kaniya, sobrang ganda niya ngayon sa suot niyang wedding gown at ako naman ay naka-unifrom ng pangpolice.

"Bago ko simulan ang kasal ay nais ko munang tanungin kong may tumututol ba sa kasalang magaganap ngayong araw?" Tanong ni Father.

Subukan lang talagang may tumutol at talagang babarilin ko.

"Father!" Sigaw ng kung sino kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kung sino iyon at nagulat ako ng makitang si Zac ang sigaw habang karga naman ang kaniyang pamangkin na si Leiro.

Bakit tutol ang isang 'to? Siya kaya ang barilin ko?

"Tumututol ka ba sa kasal na ito, hijo?" Tanong ni Father kay Zac.

"Hindi po, Father, magpapaalam lang po sana ako na lalabas ako saglit. Naiihi na kasi itong pamangkin kong si Leiro kaya kailangan naming lumabas. Huwag mo muna pong simulan ang kasal hangga't hindi pa kami nakakapasok, aba'y gusto kong makita ang kakambal kong ikasal. Sige po, Father, saglit lang po talaga kami," saad ni Zac dahilan kung bakit halos lahat ng bisita ay mapatawa.

Kung hindi lang 'to kapatid ni Mac ay talagang binunot ko na ang baril ng police na nasa tabi ko ngayon at ipinutok sa kaniya. Pinakaba niya ako! I though he was against of us earlier ago. Iihi lang pala si Leiro.

Tumango ang pari sa kaniya at agad naman siyang lumabas habang karga pa rin si Leiro. Ilang minuto pa ang inantay namin bago muling pumasok si Zac.

"Ngayon ay muli ko kayong tatanungin kong may tumuutol pa ba sa kasal na ito?" Tanong ng pari.

"Itigil ang kasal!"

Anak naman ng gagong palaka, 'o! Kasal ko na't lahat pero bakit ang daming pumipigil? Babarilin ko na talaga 'to.

*****

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now