Marriene Aecy Chandria's Point of View
"Police Captain Zhyro Blaine Acosta at your service, Madame."
What the f*ck!?
"Gago! Ate Sam! Ano'ng ginagawa ng gagong 'yan dito? Sino ang nagpapasok sa kaniya rito? Ilabas n'yo 'yan at baka masuntok ko ang gagong 'yan," galit na sigaw ni Zac na masama ang tingin kay Zhyro na walang emosyon o reaction.
Parang biglang nag-iba ang aura niya kumpara noong huli naming kita. Bakit hindi ko na makita sa kaniya ngayon ang lalaking minahal ko rati? Nagbago na ba siya?
"Hindi ko rin alam, Zac. Siya ang naatasan na magbantay sa inyo together with his team. I didn't know na siya ang magbabantay sa inyo. And I know between what happened to Zhyro and Mac but it's all in the past, right? You guys have move on, right? Hindi naman na siguro magkakaroon ng problema sa pagitan n'yong dalawa kasi matagal na 'yon," sabi ni Ate Sam.
Tinignan ko si Zhyro at ngumisi. Akala mo ay ikaw lang ang nagbago? Ako rin, 'no! Hindi na kita mahal at hindi na ako mapapaapekto sa isang katulad mo. Matagal na 'yon at alam ko sa sarili ko na nakamove on na ako sa iyo kaya wala nang dahilan upang iwasan kita. Natuto na ako, Zhyro. Hindi na ako magpapauto sa iyo.
"Yes. I already move on, Ate Sam. And shut up, guys. Ang ingay ninyo. Hindi ko tuloy napanood si Kagami na tumawa."
"Tsk, kaya naman namin ang sarili namin. Hindi na kailangan ng bantay," nakabusangot na bulong ni JV pero dahil katabi niya lang si Ate Sam ay narinig niya 'yon, kaya ayan, nahila tuloy ang parilya niya. "Ahhh, aray! Ate Sam! Arayyy, masakit na, masakit. Tama na, Ate Sam!"
"Manahimik ka nga riyan, JV. Kaya pala isang babae ang nagligtas sa iyo noon nasa Los Angeles tayo dahil lang sa muntik ka nang maholdap. Iyan ba ang kaya ang sarili? Umasa sa babae?" Pagalit na sabi ni Ate Sam dahilan kung bakit kami napatawa.
Nakakatawa naman kasi talaga ang mukha ni JV noon. Para siyang nakakita ng multo dahil sa nangyari sa kaniya at buti na lang talaga ay may nagligtas sa kaniya. Daig pa siya nung babaeng nakipag-agawan ng kutsilyo sa holdaper dahil nga natakot siya.
"Tsk Kailangan isigaw, Ate Sam?" Masungit na tanong ni JV.
"Ah, basta, sila Cap Zhyro ang magbabantay sa inyo and that is final. I need to go to the company na pala. We need to talk about your concert here and that's all. Meeting adjourn, you may go back to your rooms," sabi ni Ate Sam at lumabas na.
Nagkani-kaniya namang nagsialisan ang lahat, kami lang nila Zac, Jeicee, Zhyro and his team ang nandito. Hindi umiimik si Zhyro at ang mga kasamahan niya, nakatayo lang sila sa bawat sulok ng aming bahay.
Well, mas mabuti ngang huwag na lang nila kaming pansinin dahil hindi rin naman namin sila papansinin. Wala kaming oras para sa kanila.
"Mac, kanta tayo," biglang sulpot ni JV mula sa kung saan at may hawak pang gitara.
Tinamaan na naman ang magaling. Mukhang sinisipag siyang maggitara ngayong araw at hindi ko alam kung bakit.
"Ano'ng kanta?"
Ngumisi lang siya sa akin at umupo sa tabi ko. Tsk, huhulaan ko na naman kung ano'ng tutugtugin niya. Parang si Zac lang. Siguro ay kay Zac niya iyon natutunan dahil ganiyan si Zac sa akin.
Nagsimula na siyang patugtugin ang gitara. At nang masiguro ko nga na 'yon ang kanta ay iniisip ko na ang lyrics. Gago! Bakit 'yon ang kakantahin namin? Nababaliw na talaga ang isang 'to. Parang tanga lang.
Maaari ba natin 'tong pag-usapan
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Masakit sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas, pinaghihinaan ng wakas
Pwede bang pag-isipan huwag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay maisalba pa
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics