Chapter 30

309 6 2
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

Busy ako sa pagkain ng krimstick habang nag-iisip. Ano'ng iniisip ko? Ano bang nauna? Itlog o manok? Orange na kulay o orange na prutas? Bakit tinawag na ilog ang ilog? Bakit malawak ang dagat? Bakit may math? Bakit inimbento ang math? Bakit maraming branch ang math? Bakit 18 ang legal age? Bakit kailangan magdebut ng babae? Bakit natukso si Eva sa ahas? At higit sa lahat bakit pangit ang kakambal ko?

Tangina, bakit ko ba 'yon iniisip? Daming problema sa mundong mas mahihirap pero bakit nga ba iyon ang iniisip ko? Tangina talaga! Nababaliw na ako kaiisip sa mga problemang 'yon.

"Mac, yohoooooo! Mac! Where na you, Mac!? Tangina, Mac, nasaan ka? Kinidnap ka ba? May nakapasok ba rito sa bahay natin? Luhh, paano nangyari 'yon? Maraming police sa labas! Nasa salas rin si Zhyro. Tangina, Mac, sumagot ka kung hindi ay tatawag ako ng police! Police! Police! Ayy, gago. anasa labas lang pala ang police! Mac, nasaan ka na ba?"

Inis akong lumingon sa taong tumatawag sa pangalan ko at mula nga rito ay kitang-kita ko kakambal kong parang tanga na lumilingon sa bahay. Tanga talaga. Hindi na nahiya, sigaw nang sigaw. Magiging tatay na tapos ang ugali niya ay parang bata pa rin.

"Tangina mo, Zac. Nandito lang ako sa kusina! Kung makasigaw ka naman diyan! Batukan ko 'to, 'e."

Wala pa man ilang segundo ay nasa harapan ko na si Zac at nagtataka ako kung bakit puro pasa ang mukha niya pero parang tanga na nakangiti sa akin. Problema ng isang 'to?

Ngayon lang ako nakakita ng taong puro pasa na ang mukha pero nakangiti pa rin.

"Oh? Anyari riyan sa mukha mo? Para kang naging punching bag. Sino sumuntok sa iyo? Sabihin mo sa akin!"

"Bakit, Mac? Ano'ng gagawin mo? Susuntukin mo rin siya?" Nagtataka niyang tanong bago naupo sa aking tabi at uminom ng tubig.

"Hindi, itatanong ko lang kung bakit wala kang pasa sa kabilang mata. Sasabihin ko sa kaniya na dapat dagdagan niya pa, kulang kasi."

"Mac naman. Halika rito, daliiiii. Punta tayong salas. Pinapunta ko rin dito si Jaxel, may announcement ako," nakangiti niyang saad bago ako hilahin.

"Ano ba 'yon?"

"Basta."

Para siyang bata na hinihila ako papunta sa salas. Nandokn silang lahat, si Lyndon na tulog, si Ram na kumakain ng lollipop, si Jeicee na parang inaantok at si JV na nakabusangot ang mukha.

Ano'ng meron sa araw na 'to?

"Oh? Ano bang sasabihin mo, Zac?" Tanong ni Ram habang pinapaikot-ikot ang lollipop sa bunganga niya. Tsk, ang sagwang tignan.

"Antayin muna natin si Jaxel," nakangiting sabi ni Zac at parang hindi iniinda ang mga pasa niya sa mukha.

Ilang sandali pa namin hinintay si Jaxel. At nang pumasok ang loko ay para pa siyang tangang nakatingin kay Zhyro habang nakaturo at nakanganga ang bibig. Parang tanga lang ni Jaxel. Pasukan sana ng langaw ang bunganga niya.

"Jaxel!" Sigaw ni Zac at dinamba ng yakap si Jaxel.

Natatawa naman itong niyakap pabalik si Zac at biglang nagulat dahil sa lagay ng mukha ni Zac.

"What the fuck happened to your face, Zac?" Nagtatakang tanong ni Jaxel.

"Mamaya na ako magpaliwanag. Upo ka muna, dude," excited nuyang ipinaupo si Jaxel sa tabi ko.

"Ano na, Zac?" Tanong ni Lyndon?

Teka, akala ko ba tulog ang isang 'to? Nakikinig din pala siya sa usapan.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now