Marriene Aecy Chandria's Point of View
"Babe, hindi ka ba muna binitaw sa akin? Mukha kang tuko riyan. Hindi na ako makahinga," nakangiting saad ni tukmol ngunit napailing na lang ako.
Kanina pa kasi ako nakayakap sa kaniya at wala akong pakialam kung mukha na rin akong tuko dahil dito sa lagay ko.
"Buwisit ka, tukmol. Masama na bang yumakap sa iyo ngayon? Ayaw mo bang yakapin kita? Aba naman, tukmol ka talaga!"
"Hindi naman sa ganoon, babe, pero sige. Yakap ka lang sa akin diyan," nakangiti niyang saad at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Sinamaan ko ng tingin si tukmol, oo balik tukmol na ulit ang tawag ko sa kaniya. Bakit? Kasi mukha naman talagang tukmol ang isang 'to. Mas naging guwapo at mas nagmature lanng ang mukha niya pero tukmol pa rin siya sa paningin ko. Walang magbabago roon.
Yumakap ulit ako sa kaniya at ibinaon ang mukha sa leeg niya. Para nga akong tuko sa ayos ko ngayon. Nakapulupot ang mga binti ko sa bewang niya at ang mga kamay ko naman ay nakayakap sa kaniyang leeg.
Mula nang makalabas siya sa hospital ay hindi na ako humiwalay sa kaniya. At oo, rito na rin siya nakatira kung saan kami namamalagi. Pero hindi kami tabi matulog, baka mapatay siya ng mga Kuya ko kapag nagkataon. May mga bantay pa rin na pulis sa loob at labas ng bahay.
Sa susunod na araw ay concert na namin kaya puspusan na sa pagpractice at sold out na rin ang ticket nang malaman ng mga fans namin na magcoconcert kami dito. Madaling naubos ang ticket.
Pagod na pagod na kami dahil sa araw-araw na practice kaya pinayagan kami ngayon na magpahinga kaya't ito ako, parang tuko na nakayakap kay tukmol.
"Tukmol?"
"Hmm? Why, babe?" Malambing niyang tanong at naramdaman ko na lang ang mahinhin niyang paghalik sa aking noo.
"Pagkatapos ng concert namin ay may show kaming pupuntahan. And after no'n ay balik na kami sa America. Anoing gagawin mo?"
"Ano'ng babalik? Hindi kana babalik doon," seryoso niyang saad kaya napatingin ako sa kaniya.
Seryoso talaga ang mukha niya at parang hindi mabiro. Ayaw niyang bumalik ako sa ibang bansa. Ayaw ko rin naman pero kailangan dahil hindi pa tapos ang aming kontrata.
"Tukmol, hindi pa tapos ang contract ko kaya kailangan ko pang bumalik doon. Paano na lang ang career ko kapag hindi ako bumalik? Kailangan ko magtrabaho, tukmol"
"Babe, hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil kaya naman kitang buhayin kapag naging mag-asawa na tayo. Kung maaari nga lang ay ngayon pa lang tumigil ka na sa pagtatrabaho para makapagpractice ka na kung paano mag-alaga ng bata. Gusto ko ng isang dosenang anak, babe," aniya at bumalik na naman ang matamis niyang ngiti.
"Gago! Ano'ng tingin mo sa akin, baboy? Eh kung sapakin kaya kita riyan? Tama na ang dalawa o tatlong anak. Mahirap mag-alaga ng bata, tukmol, aba naman. Ikaw kaya pag-alagain ko ng mga bata at tignan ko lang kung ano'ng mangyari sa iyo. baka sumuko ka rin kapag nagkaroon tayo ng anak."
"Eh, babe naman, gusto ko nga ng isang dosenang anak. Gagawa ako ng basketball team," aniya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Gago ka talaga. Bahala ka bumuo ng sarili mong anak diyan."
Naiinis akong ibinaba ang aking binti at bumitaw sa kaniya, tatawa-tawa naman siya. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin. Sakto no'n ay ang pagpasok ni Zac, Jeicee at Leiro na may hawak na ice cream. Madumi na ang gilid ng bibig dahil siguro sa kinakain nyang ice cream.
Nang makita ako ni Leiro ay agaran akong dinamba ng napakacute kong pamangkin na ginantihan ko naman ng yakap. Hindi pa ganoon kalaki ang tiyan ni Jeicee pero kung makaalalay si Zac ay akala mo manganganak na ang kaniyang jowa. Balak na nilang magpakasal pagkatapos ng concert.
YOU ARE READING
Make The Boyish Fall In Love✓
HumorMarienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love with him. Will he succeed? Or will he fail? Covered by: Acesu Graphics