Chapter 14

331 15 1
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Saan ba kasi tayo pupunta, tukmol?"

"Magdadate nga kasi tayo at bakit ba galit ka na naman? Wala naman akong ginagawa sa iyo, 'a?" Tanong niya.

Tinignan ko ang ayos ni tukmol. Aaminin ko na guwapo at bagay sa kaniya ang kaniyang suot. Nakadagdag din ng karisma niya ang cap na suot. Para tuloy gusto kong hiramin ang cap niya at ako na lang ang magsuot para guwapo na rin ako.

"Hey, babe! Are you okay? Kanina ka pa tulala at parang wala sa sarili. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? May lagnat ka ba? Bakit ba natulala na lang bigla," nag-aalalang saad ni tukmol at bahagyang inilapit ang kamay sa aking noo.

Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya at kung hindi niya pa pinalakpak ang mukha sa aking harapan ay hindi pa ako makakabalik sa kamunduhan.

Gano'n na ba kaguwapo si tukmol ngayon para lang matulala ako ng matagal?

"Wala. Ayos lang ako."

Sumimangot ako dahil hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Gusto kong batukan ang tukmol na ito dahil sa kaniya ay nababaliw na ako.

"Are you sure? We can postpone our date naman kung hindi talaga maganda ang pakiramdam mo. Bantayan na lang kita sa inyo," saad niya at ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Tinanggal ko ang kaniyang kamay sa aking noo dahil tila hindi na ako makahinga ng maayos, sobrang lapit na kasi niya sa akin. Feeling ko tuloy ay ilang segundo kaming nawalan ng hangin.

"Ayos nga lang ako at hindi mo na kailangang mag-alala. Mas malakas pa ako sa kalabaw kaya hindi ako magkakasakit."

"Fine, pero kapag nakita kita ulit na natulala ay uuwi kaagad tayo," aniya.

"Oo na, tukmol. Nga pala, saan ba tayo pupunta?"

"I want a simple date with you, babe. So naisipan ko na lang na manood tayo ng cine at pagkatapos ay maglalaro tayo," masaya niyang saad na tila ba ay excited siya sa date namin.

"Sige na nga."

"Oh, wait! I almost forgot something," sabi niya at may kung ano'ng kinuha sa likod. Masaya niyang inilabas ang itim na cap, ito ay may litrang M.

Tumawa ito na parang bata at masayang isinuot sa ulo ko. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lang ako sa kaniya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso, nagugustuhan ko ito, nagugustuhan ko ang masarap na pakiramdam tuwing malapit sa akin si tukmol.

"Ayan, we really look like a couple na," wika niya at inakbayan ako. Tinaasan ko iyo ng kilay ngunit ngumiti lang siya sa akin at mabilis na hinalikan ang aking noo. Hindi kaagad ako nakapalag dahil sa gulat at mabilisan niya lang itong ginawa.

Bumuntong hininga na lamang ako bago nagsimula nang maglakad.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero nagugustuhan ko ito. Gusto ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso tuwing malapit siya sa akin. Gusto ko ang mga paro paro na nagliliparan sa loob ng aking tiyan sa tuwing nakatitig siya sa akin. Gusto ko lahat.

"Babe? You're spacing out again."

"Huh?"

"I was talking nonstop here and you weren't listening to me. Is there any problem? Sabi na nga ba at may sakit ka. Dapat hindi ka na lang pumayag sa date natin na ito dahil masama pala ang nararamdaman mo."

"Okay lang ako, tukmol. Huwag mo na lang akong alalahanin. Wala akong sakit at hindi ba ikaw itong basta na lang sumulpot sa bahay namin? Hindi ako nakaangal dahil kakampi mo ang kuya ko."

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now