Chapter 37

316 6 0
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

Kasalukuyan kong sinusubuan ang tukmol na nakahiga sa hospital bed ngayon. Ang gara kasi ng tukmol na 'to, kayang-kaya niya naman sumubo pero ang arte lang talaga at nagpapasubo pa sa akin. Akala mo naman sobrang baldado.

Ngingiti-ngiti pa siya habang sinusubuan ko samantalang ako ay masama ang tingin sa kaniya.

Gusto ko sanang manood ng anime ngayon pero masyadong madrama ang tukmol at nagsabing hindi niya raw kaya na kumain mag-isa. Ilang minuto pa akong kinulit-kulit para lang mapapayag ako. At hayan nga, nagtagumpay siya.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyang tukmol ka?"

"Babe naman, high blood ka. Masama na bang ngumiti?" Tanong niya habang ngumunguya ng lugaw.

"Hindi pero iyang ngiti mo kasi ay ngiting pang-manyak. Nakakakilabot tignan."

"Babe!" Sigaw niya at ngumuso.

Parang bata talaga ang isang 'to? Akala ko talaga ay nagbago na siya, hindi pala. Siya pa rin ang tukmol na nakilala ko noon.

"Tsk. Isubo mo na nga ito at nang matapos na."

Isinubo ko na sa kaniya ang huling kutsara ng lugaw at tumayo. Kumuha ako ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa at ibinigay sa kaniya. Tinanggap niya naman ito at patuloy pa rin sa pagngiti.

"Tangina, Zhyro! Shit, nasaan kana? Damn, man, what the heck happened to you? Shit, mamamatay kana ba? P're naman, huwag gano'n, huwag mo kaming iiwan!"

Biglang bumukas ang pinto at doon pumasok ang isang lalaking humahangos, may karga-kara siyang bata na sa tingin ko ay nasa 2 taon pa lang ang gulang.

Wait, si Harvey ba 'to?

"Zhyro! Fuck, p're, patay kana ba? Shit, may utang ka pa sa akin na limang piso, 'yong pinambili mo ng fish ball sa harap ng bahay namin dati noong 10 years old pa lang tayo. Bayaran mo muna iyon bago ka matigok. Akala mo nakalimutan ko na 'yon? Aba'y ang utang ay utang at hindi dapat kalimutan," mula naman sa likod ay sumulpot si Glenn?

Shit, buhay pa pala ang dalawang ito. Si Korean boy at Antarctic boy na kaibigan ni tukmol noong high school pa lang kami.

"Mga gago! Hindi pa ako patay. Kung kayo kaya ang patayin ko?" Masungit na tanong ni Zhyro sa dalawang unggoy.

"Hehehe, joke lang, Zhy, 'to naman hindi mabiro," naka-peace sign na sabi ni Harvey at napatingin sa akin at biglang nanlaki ang mata.

Agaran niyang ibinigay ang batang lalaki kay Glenn at lumapit sa akin. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang gulat nang makita ako. Mukha tuloy siyang tanga dahil a itsura niya ngayon.

Hinawakan niya ang pareho kong balikat at nanlalaki pa rin ang mata habang nakatingin sa akin. Para talaga siyang tanga.

"M-Mac? Ikaw na ba 'yan? Shit, ang ganda mo na talaga! Alam mo bang idol na idol ka ng asawa ko. Gusto ka nga niyang makita at noong sinabi kong naging kaibigan kita rati ay binatukan niya ako ng malakas. Hindi naman ako nagsisinungaling kasi naging kaibigan naman talaga kita. Mac, sama ka sa akin, ipapakilala lang kita sa asawa ko para maniwala siya sa akin at babatukan ko rin siya bilang ganti ko," mabilis niyang sabi at katulad ng dati, parang isip bata pa rin ang isang 'to.

Magkakaibigan nga sila. Mga isip bata na hindi mo maintindihan. May asawa at anak na pero ganoon pa rin ang ugali. Buwisit lang dahil si tukmol ang leader nilang tatlo.

"Tangina mo, Harvey. Ihulog ko kaya itong anak mo?" Sigaw ni Glenn habang pilit na pinapatahan ang batang anak daw ni Harvey.

"Subukan mo at isusumbong kita sa asawa mo. Paniguradong sa salas ka na naman matutulog," masungit na saad ni Harvey at nilapitan si Glenn.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now