Chapter 22

235 8 0
                                    

Marrienne Aecy Chandria's Point of View

"Babe, lika rito?" Yaya sa akin ni tukmol.

"Bakit na naman ba, tukmol?"

"Lika nga kasi rito. 'Di ba sinabi ko sa iyo na huwag kang didikit sa Ortega na 'yon?" Nakanguso niyang sabi.

"Ang OA mo, tukmol, hindi naman ako dumidikit."

"Pero kaibigan na kaagad siya ni Zac, 'e di madidikit ka roon. Akin ka lang, babe," sabi niya at niyakap pa ako.

"Ewan ko sa iyo, tukmol. Nagseselos ka lang kaya ka ganiyan. Ang mabuti pa ay ikain mo na lang 'yan, tara sa kanten at ililibre kita ng siomai."

"Talaga, babe?" Tanong niya at hinawakan ang balikat ko.

"Oo."

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa tukmol na 'to. Everytime na napapalapit ako kay Jaxel ay agad siyang pumapagitna. Madalas ay nakasimangot siya at nakakunot ang noo kapag nakikitawa ako sa jokes ni Jaxel.

Alam ko naman na nagseselos ang isang 'to. Kailangan ko lang yata lambingin, nawawala na kasi ang pagiging medyo bakla niya.

Tangina, ibully daw ba ang sariling boyfriend?

***

Kasalukuyan kaming kumakain ni tukmol ng siomai nang biglang dumating si Jaxel, wala siyang kasama. Agad namang napasimangot ang katabi ko. Tsk, tinamaan na naman ang magaling.

"Oh? Jaxel."

"Mac, nandito pala kayo," bati niya sa amin.

"Hindi, hindi. Nandoon kami sa court, impostor lang namin 'to. Bulag ka ba, Ortega?" Naiinis na tanong ni tukmol na nasa tabi ko at kumakain. Mahina kong kinurot ang kaniyang tagiliran ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Nagtatanong lang naman ako. Ano bang masama roon?" Natatawang tanong ni Jaxel na tila ba ay wala lang sa kaniya ang pambabara ni tukmol.

"Obvious na obvious na ngang nandito kami tapos nagtanong ka pa. Adik ka ba?" Tanong naman ni tukmol.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa inasal ng unggoy na 'to. Tangina, ngayon lang siya nambara ng ganiyan. Talagang pinagseselosan niya nga si Jaxel.

Ano ba ang ikinaseselos ng lalaking 'to? Mukhang wala namang gusto sa akin si Jaxel dahil tropa lang naman kami.

"Tukmol, lingon dito sa akin."

Nakasimangot siyang lumingon sa akin. Hinawakan ko naman ng isang kamay ang kaniyang panga at ibinukas ang bibig, pinasakan ko iyon ng isang siomai at hinalikan ang gilid ng kaniyang labi.

Wala na akong pakialam kung sino man ang makakita sa aming dalawa, wala akong pakialam kung sabihan man nila kami ng PDA. Gusto ko lang talagang ipakita sa tukmol na 'to na wala siyang dapat na ikaselos dahil siya naman ang mahal ko.

Matapos ko siyang halikan ay pinunasan ko ang kaniyang labi dahil sa nagkalat na sauce. Ginulo ko rin ang kaniyang buhok at kumain na ulit ng natitira kong siomai. Kita ko sa gilid ng aking paningin ang paglawak ng kaniyang ngiti. Tsk, mukha siyang unggoy na nabigyan ng saging.

"Damn, babe, that's why I love you. So cool," parang bata niyang saad at nagpatuloy na sa pagkain.

Napa-ismid ako sa sinabi niya, gago talaga. Wala naman akong ginawang ka-cool-cool pero kung makapuri siya ay wagas. Kung ano-ano pa ang idinaldal niya sa akin ngunit tuloy lang ako sa pagkain. Nakita ko naman na basta na lang umalis si Jaxel, mukhang nakaramdam na ayaw siyang kausapin ng katabi ko kaya umalis na.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now