Chapter 2

794 32 4
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac, tara para maaga tayong matapos," sabi ni Zac habang nag-aayos ako ng gamit. Tinignan ko ito ng may pagtataka sa aking mukha dahil hindi ko nagets ang sinabi niya. Ano'ng ibig sabihin ng unggoy na 'to? Ano'ng para maaga matapos? May topic ba kanina na hindi ko alam?

"Saan? May pupuntahan ba tayo? Bakit hindi ko alam? Ano'ng ibig mong sabihin diyan?"

"Hanap tayo ng club natin. Hindi mo ba alam iyon? Masyado ka kasing titig na titig kay Ma'am kaya hindi mo masyadong naintindihan ang kaniyang sinabi. Puro kasi anime ang laman niyang utak mo kaya wala kang naintindihan kanina sa mga sinasabi ni Ma'am," sagot niya at inikutan pa ako ng mata, dukutin ko 'yan, eh. Mas mataray pa sa akin ampotek. Akala mo naman babae ang gagong 'to.

"Club? At saka malay ko bang may announcement pala si Ma'am. Nakakadistract kasi ang kaniyang kagandahan kaya wala na akong naintindihan sa kaniyang mga sinabi. Iniisip ko rin kanina kung ano'ng anime ang isusunod kong panoorin kaya hindi ako nakikinig. Tsk. Huwag mo ako ikutan ng mata riyan kung ayaw mong dukutin ko 'yan."

"Oo at palusot ka pa talaga, ah. Tigilan mo na 'yan, Mac," saad niya.

"Bakit? Huwag mo nga akong pakialamanan."

"Tangina naman, Mac!" Mura niya sa akin. Aba minumura na niya ako ngayon?

"Tsk."

"Napaka-walang k'wenta mo talaga kausapin. Tara nga sa music club," sabi niya at hinawakan ang kamay ko upang hilahin ngunit hindi ako nagpahila. Ano'ng music club ang sinasabi ng isang 'to? Bakit doon kami pupunta?

"Bakit sa music club? Sino may sabing iyon ang pipiliin kong club?"

"Baka kasi doon tayo magaling, 'di ba? Ikaw kumakanta tapos ako naggigitara. Utak mo nga, Mac, palitan mo na at halatang inaamag na," sarkastikong saad niya. Ampota!

"Ayaw ko doon. Sa ibang club na lang ako."

"Bakit naman? Arte mo! Woiii, hindi ka maganda, 'no! Saka ka na mag-inarte kapag naging maganda kana," sabi niya kaya binatukan ko ng malakas na kaagad naman niyang kinaaray. Ang arte talaga ng lalaking ito, batok lang, eh.

"Hindi talaga ako maganda kasi guwapo ako, guwapo, okay? Manahimik ka na lang diyang unggoy ka."

"Nangarap ka na naman diyan. Tara na kasi," sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko.

Hindi na ako nakaangal pa dahil basta niya na lang ako hinila papunta sa isang building dito, paano niya kaya 'to nalaman? Siguro ay nag-ala Dora the explorer na naman ito kanina kaya niya nahanap ang building na ito. Sobrang gala talaga ng lalaking ito, kung saan-saan na lamang siya nakakarating, buti nga ay hindi siya naliligaw. Kapag ito ay naligaw, talagang tatawanan ko ito. Hindi ako masama, sadyang matutuwa lang talaga ako kapag nangyari iyon.

"Sign up na, Mac," nakangiti niyang saad ngunit ako ay halos patayin na siya sa titig ko. Gago talaga 'to.

"Puwede bang sa sports club na lang, Zac? Mas maganda ang club na iyon at panigurado akong mag-eenjoy tayong pareho. Astig kasi ng club na iyon."

"Tsk, no way, Mac. Para namang makakapaglaro ka roon? Doon dapat tayo sa music club kasi iyon ang bagay sa ating dalawa," pilit niyang ipinapaintindi sa akin ang point niya pero mas gusto ko talaga sa sports club.

"Oo naman, maglalaro ako ng basketball doon. Magaling naman ako maglaro, eh."

"WTF? Magtigil ka nga riyan, Mac. Hindi ka naman lalaki kaya hindi ka rin papalaruin doon," sabi niya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now